Part Eighteen

211 5 0
                                        

Allystaire's POV

Girlfriend daw kita.

Girlfriend daw kita.

"Tara." Sabay hila niya sakin paglakad pero nakaakbay pa rin siya. Lalong umingay ang buong klase. Syempre kunwaring asar ako kahit ang totoo ay kinikilig ako. Bumitaw na siya at umupo sa desk niya.

Uwian. Kasalukuyan kaming naglalakad na lima palabas ng building.

"Staire!" Sigaw ni Zam, president ng UNESCO Club, mula sa di kalayuan.

"Guys, una na kayo. Kita kits nalang bukas." Paalam ko.

"Bye!" Sina Matt at yung dalawang babae. Hindi man lang nagbabye si Jester sakin. Pinuntahan ko na si Zam na kumakaway at sumesenyas na lumapit ako.

"Oh, Zam? Putcha, umuunlad ka na ah? Hahaha! Naks naka-ribbon amputa." Tawa ko.

"Walangya ka, Staire! Hahaha! Takte ka, wag ka nga!" Boyish type kasi si Zam. Pero masasabi mong maganda ito. Matangkad, payat. Eto, masipag pero di pa rin tumataas ang grades. Don't get me wrong, I am definitely not underestimating her. Besides, nakakatuwa nga siya e. Ang sipag sipag mag-aral niyan.

"May meeting ang club. Para sa darating na Mr. United Nation this year." si Zam

"San? Ngayon na?" Ako

"Ngayon na, tara. Sa Auditorium. Andun na rin sila." Sambit ni Zam habang naglalakad kaya sumunod na din ako.

Auditorium.

"Ina mo Staire!" Bati sakin ng mga co-officers ko. Natawa naman ako.

"Ina nyo din!" Balik-bati ko sa kanila. Para samin naman kasi, depende na sa inyo kung masama na talaga yung pagmumura. Samin, it's not that bad as what they think it is. Samin, we enjoy it. Nakakapaglabas pa kami ng saloobin dito. Tsaka inaangkop pa rin naman namin sa lugar at sitwasyon. May disiplina pa rin naman kami. Tumabi na ko sa kanila sa mga upuan sa harap ng stage.

"Ehem ehem." May nagsalita na sa mic hudyat na magsisimula na ang meeting. "Ayan, Happy Friday everyone! Ngayon, pag-uusapan natin yung yung tungkol sa nalalapit na Mr. United Nation." Si Zam. Nagpalakpalan naman kami. "Tapos isu-submit natin ang proposal kay Sir Gary saka sa principal." Dagdag nito. Si Sir Gary ang adviser ng UNESCO Club.

Yes! May Mr. United Nation na naman. Every two years kasi itong ginagawa kaya sophomores palang ako nung last na ginawa to. Oo, Mr. United Nation lang. Walang Ms. Mas gusto ko nga yun. Gwapo hunting. Magbabaon na ba kong kanin?

"First is Venue." Zam Tumaas ng kamay ang katabi kong si Kenneth. Siya ang Representative ng Juniors (third year).

"Open-area ba o hindi?" Tanong nito.

"Siguro mas maganda kung open. Para bago. And besides, gabi naman ang event. Right, guys?" Zam. Nagsi-oohan naman kami.

"Edi sa field nalang. Magse-set up nalang tayo ng stage dun." Suggestion ni Kenneth. Wag lang ba umulan e, edi ayos.

"O sige sige. Good, Kenneth." Zam. Tumaas naman ng kamay ang Auditor namin na si Lily.

"Zam, ilan ang contestants?" Tanong nito.

"Kayo, what do you think?" Tanong sa amin ni Zam.

Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Jester. Nako, baka manghina ako kapag sumali siya. Siguradong siya na ang pinakagwapo at pina-cool doon.

"Ok, let's go with it. Two contestants each year." Zam declares.

Andito na ko sa harap ng gate namin. Huminga ako ng malalim. Binuksan ko na ang gate at nagdire-diretso.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon