Allystaire's POV
Wala akong ganang pumasok ng gate. Nakabagsak ang balikat ko at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ko. Inaalala ko parin kasi yung singsing ko. Hindi pa din alam nina Mama at Papa na nawawala yon hanggang ngayon. Kinakabahan nga ako e kasi siguaradong papagalitan nila ko. At isa pa, napakahalaga nun sakin.
(ಥ_ಥ)
(꒦໊ྀʚ꒦໊ི )
Pagkapasok ko, andun na silang lahat maliban nalang sa lecturer. Medyo nakatungo pa kong naglakad. Hindi pa ko nakakarating sa upuan ko nang may humarang sakin. Aaminin kong inisip kong si Jester yon pero hindi.
"Ah Staire." Tumingala ako at nakita ko si Matt.
"Oh?"
"Sa'yo to, right?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita yung hawak hawak niya. Y-yung s-singsing ko! Agad kong kinuha yon sa kanya at nagpasalamat kay Lord sa isip ko.
"Bakit nasa'yo to? Kinuha mo?" Tanong ko at sinuntok ko siya sa braso gamit yung mga buto ko sa daliri. Tikay.
"O-Ow! Ang sakit. Matapang ka nga gaya ng sabi nila. Chill. I didn't steal it." Sincere na sagot niya.
"Sorry."
"It's okay." Nakangiti niyang sabi.
"Salamat. Saan mo nahanap?" Ako
"I didn't." Taka akong tumingin sa kanya.
"He did." Napatingin ako sa binalingan niya at bahagyang nagulat. "I think he found it." Turo niya kay Jester. Nanatili akong nakatingin lang kay Jester na tahimik na nagce-cellphone. Siya yung nakahanap ng singsing ko? Saan niya kaya nahanap? Sige quits na kami ngayon. "Binigay niya sakin yan kahapon nung pauwi na kami. He told me ibigay ko daw sa'yo. I even thought na bigay niya talaga yan sa'yo as a gift. Pero hindi pala." Paliwanag niya.
Nakaramdam ako ng guilt. Hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya e. Pero siya pa pala yung dahilan para maibalik sakin yung singsing. Bigay pa kasi sakin to ni Papa kaya sobra nalang yung pagpapahalaga ko dito.
"Talaga?" Tumango naman siya. "Sige, salamat pa din." Sabi ko. Dumiretso na ko sa upuan ko at umupo. Sinuot ko na ang singsing ko at bahagya pang napangiti matapos kong tingnan yung kamay ko na nakataas pa sa ere.
"Staire!" Tawag sakin ni Ange at Marcy.
"Woy!!" Sigaw ko at pinakita pa yung singsing ko.
"Nakita mo na?" Marcy asked. Napalingon ako kay Jester dahil don. Hindi pa ko nakakapagpasalamat sa kanya.
"Teka." Paalam ko saglit. Binaba ko muna yung bag ko at huminga ng malalim. Lumapit ako sa harap niya at hinintay na tumingala siya.
PERO HINDI SIYA TUMINGALA.
*sigh*
*poink* Pinoke ko yung noo niya para lingunin
niya ko. At salubong ang kilay niya na bumaling sakin. "Salamat." Maikli kong sabi habang nakatingin sa pader sa likod ng room.
"Tss." Tanging 'tss' lang yung sinagot niya. May lahi ba tong ahas?
"P-Pano mo nga pala nalaman na sakin yon?" Pag-iiba ko ng usapan. "Nakita ko sa kamay mo when your skirt was---"
"OO NA ALAM KO NA PALA WAG MO NANG ITULOY." Pagputol ko sa kanya. Ipaalala ba naman yung kahihiyang yon? Nakakaloka. "San mo nahanap?" Ako
"Hallway." Maikling sagot niya at binaling na ulit ang atensyon sa cellphone.
Hallway? Baka nahulog. "Sige salamat ulit." Tumango lang siya na parang naiinis na. "Ang sungit mo rin e noh? Kalalaki mong tao." Dagdag ko.
"Tss." Ayan na naman yung tss niya. Nakakabuwisit. Pasiring akong bumalik sa upuan ko dahil nairita ako sa 'tss' niya.
"So siya yung nakahanap?" Tanong ni Ange nang makaupo ako.
"Ay hinde. Kaya nga nagpasalamat ako e." Sarkastiko kong sagot.
"Destiny." Marcy
"Ulul."
**
VOTE AND COMMENT!
THANK YOU!
-faustacalixta
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)