Part Eighty Seven

129 2 2
                                    

Angelica's POV

"Thank you." Kinuha ko na ang binili kong damit saka kami lumabas ni Marcy sa Uniqlo. Sa ngayon ay kami nalang dalawa yung laging magkasama. Iniwan na kami ng mga kaibigan namin joke.

Sunday ngayon kaya nagpunta kami kaninang umaga sa church. Tapos diretso kami dito sa mall para manood ng sine. Alas dos palang nang matapos yung movie kaya heto nagsho-shopping kami.

"Omg tara muna sa Nbs." Pag-aya ko sa kanya nang mapadaan kami sa National Book Store. Titingin lang ako ng kung ano-ano.

"Ange, punta lang ako don sa books." I nodded. Lumapit ako doon sa may mga painting tools at tiningnan isa-isa. Hindi ako dito bumibili ng mga pang-paint e. May isang shop ako na doon na talaga ko bumibili ng lahat. Naisip kong bumili nalang ng pouch na nakita ko saka yung organizer.

Hinanap ko na si Marcy pero hindi ko naman mahanap. I turned around para sana doon dumaan pero napanganga ako nang halos matumba ako. Nanlaki ang mata ko sa kaba pero nahawakan ako sa likod ng isang lalaki na chinito oh my god nasa heaven na ba ko?

Tinulungan niya akong makatayo ng maayos. Pasimpleng inayos ko yung buhok ko kasi baka magulo na. "Sorry." I awkwardly apologized.

He smiled. "Ako dapat mag-sorry e. Ok ka lang?"

"Ah oo. Nagulat lang."

"Next time ingat ka. I'm GN, by the way."

"Angelica." His hand is so warm. Bumitaw siya agad sa handshake kaya ngumiti nalang ako.

"Sige una na ko." He smiled and what kind of smile is that? Nanlalambot tuloy mga tuhod ko. I waved like a pabebe gurl.

"Angelica, huh?" I startled when Marcy suddenly spoke and mocked me. Hindi ko nalamayan nandyan na pala siya. I laughed habang kinikilig na hinampas siya.

It's okay na magka-crush ako kay GN since I don't have a boyfriend. Keith and I broke up noon pa. He tried to save our relationship but I resisted. I didn't know pinagsabay niya pala kami. At first, I just needed time and space but as time passed I realized my feelings was starting to fade na. But I really loved him.

Naglibot ulit kami ni Marcy para magtingin-tingin pa. Then we also went to arcade pero madali lang kami don.

"Uuwi daw si Andre?" Marcy asked paglabas namin ng department store.

"Oo daw. Next month yata? Di ako sure. Nabanggit din niya na plano niyang dito magtrabaho."

"Mabuti na din para madagdagan tayong dalawa kahit papano." She chuckled. "Saka syempre nakakamiss din naman si Andre."

"Do you think he's really over her?" I asked out of the blue. Her forehead creased and looked up as if she's thinking hard. Loka-loka.

"Yon ang alam ni Staire. Pero dati ko pa din iniisip yan e."

"Nagdadalawang isip din ako kung maniniwala ba ko or hindi. Pero maniwala nalang tayo. Baka maging complicated pa."

**

Allystaire's POV

"Galing ka daw sa ospital?" Bumangon ako. Bumaba siya para pantayan ako na nakaupo sa sofa.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon