Part Twenty Six

210 7 0
                                    

Dedicated to alyh_rdl <3

**

Allystaire's POV

Napagdesisyunan naming tumambay muna sa condo nung dalawa. Pagpasok namin ay nakita namin yung mga maleta na nasa may sofa pa. Ang dami naman nilang gamit. Parang babae. Dalawang malalaking bag tapos apat na maleta. Sino nagbuhat niyan?

"Ang dami niyo namang dala!" Ange commented.

"Hindi na namin dinala lahat sa States. Iniwan na namin dito sa condo yung iba." Sagot naman ni Matt.

Ibig sabihin konti lang yan para sa kanila? Umupo muna kami sa sofa habang nagbibihis sina Jester at Matt. Kinuha ko yung remote at binuksan ang tv.

"Guys! I have an idea." Sabi ng parating na si Matt. Umupo din siya sa sofa katabi ni Marcy. Binigyan lang namin siya ng nagtatanong na tingin.

"Gimik tayo. Sulitin natin yung bakasyon." Nakangiti niyang sabi.

"Gusto ko yan." si Ange.

"Tara!" Marcy cheerfully said.

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko habang ngumunguya ng chichirya. Itinapat ko kay Ange ito pero umiling lang siya.

"Kayo, where do you wanna go?" Matt asked. Sakto namang dumating na din si Jester na nakabihis na din. Dumiretso siya sa kusina. Ngunit bumalik din siya agad at hinarap kami.

"I'll cook." Sambit niya at dire-diretso lang siya ulit patungong kusina. Napangiti nalang kami. E kasi, ayun. Parang nagiimprove si Jester. Kung dati, hindi na siya magsasabi at kakain nalang ng sakanya na tila walang pakialam sa amin. Pero ngayon, ipagluluto pa kami. Napatayo naman bigla si Ange. "Omg. Out of town tayo!" Sigaw nito.

Napagdesisyunan ng barkada na hindi ito yung karaniwan na bakasyon na magsi-swimming. Pero gusto ko yun. Exciting. Titira kami sa resthouse nina Ange sa probinsya in one week. PBB kuno. Wala naman kaming gagawing masama e. Tsaka matututo kami sa bakasyon na to. Kami rin kasi ang gagawa ng gawaing bahay. Tapos may kasama kaming isa, yung Mang Rod daw. Tuwang-tuwa nga si Ange dahil makikita niya na daw ulit si Keith.

She suggested na sa probinsya nila kami pumunta. Doon nakatira si Keith.

Talagang nagmakaawa ako kay Mama at Papa na payagan ako. Ayaw nila noong una. Si Marcy naman, pinayagan agad. Pero in the end naman, pinayagan din ako. And guess what, magco-commute kami. Hassle pero masaya.

"Hoy Allystaire, mag-ingat ha? And behave." Pahabol ni Papa nang palabas na ko ng gate. Nginusuan ko siya.

"Sige na, Anak. Enjoy!" Si Mama. Ngumiti nalang ako sa kanila at tuluyan nang lumabas. Hila-hila ko yung dala kong maleta papunta sa kanto. Saka ako tumawag ng taxi.

"Manong, pakidalian po as much as possible." What a term, 'as much as possible'. Pagkadating ko sa labas ng mall, andun na sila. Dito daw kasi maghihintay yung van.

"Finally." Parang walang ganang untag nilang lahat maliban kay Jester. Ang gwapo niya ngayon. Oo, araw-araw siyang gwapo pero iba ngayon. Parang mas gumwapo e. Messy hair. Tapos ang pungay pungay ng mga mata niya ngayon. Bagong gising ba siya? Hindi e, umaalingasaw ang bango niya. Alam ko naman ang amoy niyan. Palagi ko kasi siyang inaamoy, inaamin ko.

"Staire don't stare at me." Parang batang reklamo niya.

"Hoy kayong dalawa, tara na." Napatingin kami sa tatlo na nasa may pinto na pala ng van. Napag-desisyunan naming mag-door to door nalang. May kamahalan pero ayos lang.

Nagkatinginan muna kami ni Jester sa isa't isa pero nauna na akong umiwas. Saka ako lumapit kina Matt. Pinasok na rin namin lahat ng mga gamit namin sa van. Maya-maya lang daw ay aalis na ayon sa driver.

Pagpasok ko ay may ibang tao na nasa loob. Tatabi na sana ko kay Marcy na nasa pinakalikod kasi may isa pang bakante pero pinigilan niya ko.

"Dyan daw si Matt. Sabi niya." I faked a smile.

"Psh. Gusto mo rin e." Lumipat ako sa tabi ni Ange na nasa harap lang ng pinakalikod na upuan. Tulog na agad amp.

I sat comfortably and watched the rain drop on the window. Mabuti naman at umulan. Medyo malamig sa byahe. Maya maya, pumasok na si Matt sa van. Ayun, katabi ni Marcy. Paglingon ko sa pinto ng van ay nakita kong papasok na si Jester. Medyo nabasa pa siya.

T-Teka, sakin ba siya tatabi? Nilingon ko yung upuan nina Matt, pero wala nang bakante. Puno na rin sa harap. Hindi ito ang unang beses na makakatabi ko siya pero ayos pa rin kasi ilang oras ang byahe. Kapag sinuswerte ka nga naman.

He didn't manage to look at me and just sat down wearing his poker face. Andito kami sa pangalawang seats sa likod. Nasa gitna ako at katabi ko sa kabilang side si Ate na naka-pure red. Red yung damit niya pati yung sapatos niya. Powerful.

Kinuha ni Jester yung iPod niya mula sa kaliwa niyang bulsa. Napaiwas pa ko kasi tumatama yung siko niya sa braso ko. Parang tumataas yung balahibo ko bat ganito.

"Aalis na po tayo." si Manong Driver. Umayos ako ng upo at nagdasal. Pagmulat ko, nakatingin sakin si Jester. Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko din siya tapos binalik na niya ang atensyon niya sa iPod niya. Bakit ba naiwan ko yung earphones ko? It's an essential kapag babyahe.

Nilabas ko mula sa backpack ko yung sandwich na pabaon ni Mama at binuksan iyon.

Naramdaman ko nalang na nilalagay ni Jester yung isang earphone sa tenga ko. "Huy anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Shut up." Pagkasabi niya nun sumandal na ulit siya. Hindi na ko umimik kasi baka mapangiti pa ko. Napatingin ako sa mga braso naming magkadikit. Diretso lang ang tingin niya at hindi gumagalaw.

Now playing: Tuwing Umuulan at Kapiling Ka

(A/N: Hindi po 'Tuwing Umuulan at Kapiling Ka' yung kanta sa iPod ni Jester. Pang-background lang po.)

Kanya-kanya kaming dala ng mga gamit namin. Andito na kami sa labas ng resthouse nina Ange. Actually, hindi daw talaga to sa kanila. Sa Tito niya, asawa ng kapatid ng Mama niya. Mabait daw yun kaya pinayagan kami.

"Magandang umaga, mga bata." Bati ng isang may edad na lalaki pagkalapit sa amin.

"Magandang umaga din po." Bati namin maliban kay Jester.

"Guys, eto nga pala si Mang Rod." Ange introduced him.

"Mang Rod, mga kaibigan ko po. Eto po si Marcy, si Matt, si Jester tsaka po si Staire." Ngumiti kami sa kanya maliban kay Jester.

"Siya, pasok na kayo para makapagpahinga na kayo. May bibilhin lang ako sa bayan."

"Sige po, ako na po bahala." Ange answered.

Pumasok na kami agad sa bahay. Malinis ang paligid. Kung titingnan mo yung resthouse ay parang private hotel and resort. May swimming pool din.

(Media.)

Umakyat kami para ayusin muna yung mga gamit namin. "Oh dito tayo girls." Turo niya sa sa unang pinto. "Tapos kayong dalawa naman, dito." Baling niya kay Jester at Matt habang tinuturo yung kasunod na pinto.

Pumasok na muna kami sa kanya-kanyang kwarto pati na rin yung boys. Pagpasok namin ay may tatlong kama. Iba-iba ang kulay. Yung una, grey. Tapos yung nasa gitna, pink. Black naman yung pangatlo. Dumiretso ako sa kama na pangatlo. Ayoko kasi sa pink. Hindi naman sa hate ko yun. Hindi ko lang gusto. Sa aming tatlo, si Ange ang mahilig sa pink. Sabi ni Ange, kwarto daw to ng mga pinsan niyang babae.

Inilagay ko sa tabi yung maleta ko at backpack saka humiga. Maliit lang yung mga dala naming maleta kasi one week lang naman kami dito.

Umiglip kami ng kaunti saka namin inilagay yung mga damit namin sa cabinet. Tapos yung iba pang gamit tulad ng toiletries, inayos na rin namin.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon