Part Forty Five

197 5 0
                                    

Allystaire's POV

"Heyy, tara na. Ang tagal mo naman e." Si Andre. Hinihigit na niya ko palabas ng gate ng university. Magda-date daw kasi kami. Simula ng mag-college kami ay halos every week niya kong niyayaya sa date. Naaalala ko lang si Jester dahil dito pero wala na kong magawa. Ayos lang naman talaga wala namang problema dito. Para sa akin ay friendly date lang to.

"Ayan na! Buset mababali braso ko!" Birong sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Ano gusto mo? Order ka na dun." Nakangiti niyang sambit nang makarating na kami. Walang emosyon akong tumitig sa kanya. "Joke lang." Dugtong niya. Nag-make face lang ako sa kanya pero ngumiti lang siya. Kahit minsan naman sana ay mapikon siya sakin.

"Inasal gusto ko." Sagot ko. Tumayo siya sa harap ko at nag-bow.

"As you wish, my princess." Maya-maya lang ay dumating na din siya hawak-hawak yung tray. Pero drinks lang and nandun saka yung number. The whole time na naghihintay kami sa order namin at nakatingin lang siya sakin. Sinampal ko ng mahina dahil nakakailang na.

"Sir, Ma'am, eto na po yung order nyo." Sinimulan na naming kumain.

"Staire?" Ang lambing ng pagkakasabi niya pero ang seryoso. Kaya dahan-dahan lang akong lumingon sa kanya. "When did you stop sa pagcontact sa kanya?" Nagtaka ako sa tanong niya.

"Sino?" Tanong ko sabay subo ng balat nung inasal.

"Si Jester." Napatigil ako sa pagnguya. Out of the blue, bigla nalang niya itatanong yan? Nabigla ako kaya hindi ako makasagot agad. Lumunok ako para hindi ako mautal.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang. Curious lang ako." Sagot nito nang hindi tumitingin sakin.

"N-Nung birthday niya noong Grade 11 tayo." Please Andre, no more questions.

"Pano?" He asked again. "Come on, I'm your bestfriend, right? Tsaka, okay lang sakin." May lungkot sa mga mata niya, alam ko. Tatlong taon ko na siyang kasama kaya kilala ko na din siya. Napamahal na nga sakin yan.

Binaba ko muna yung kutsara at tinidor. I sighed bago magsalita. "12 midnight. Inintay ko yun para una kong babati sa kanya. I sent him a message. Medyo mahaba. Pero, siguro wala pang five minutes, nakita na niya. I waited. Kahit nung sumikat na yung araw, naghintay ako ng reply niya. Pero walaaa. Seenzoned ang lola mo." Tumawa ako ng peke.

Flashback

Tumunog ang alarm ko at excited akong pumunta sa messenger. 11:55 PM na. 5 minutes nalang at birthday na niya.

Nagtype na ko ng message. Gagawin ko nalang sigurong pabiro yung mga gusto kong sabihin. Medyo awkward pero keri naman.

Staire: Jester! Happy Birthday Kapre! I pray that all of your wishes will come true. Andito lang kami palagi para sa'yo. Sana alam mong kahit masungit ka at suplado minsan ay mabuti kang tao. Sorry kung ang corny ko. Medyo awkward nga e. Hahaha! Sorry din kung amazona ako minsan sayo. Ganun ako magmahal. Chos.

Enjoy your day! Smile ka na palagi :) Ingat diyan. Saka, paramdam ka na jusko. Namimiss ka na ng barkada. Namimiss na din kita. Pati yung "tss" mo. Pasalubong pag bumalik ka na. Ok na sakin kahit ano basta nakakabusog. 😂 We love you!

Pakshet parang nakakahiya ata yung message ko. Ew ang sweet ko masyado.

Hanggang sa na-seen na niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang naghihintay. Bakit hindi siya nagtatype?

.

.

.

.

.

.

.

5:50 AM

Sobrang bigat na ng mga mata ko pero kaya ko pa to. Bakit kaya hindi siya nagreply? Mga alas kwatro nang mag-offline siya. Tapos hindi naman na siya nag-oonline ulit.

May nangyari kaya? O baka naman, ayaw niya. Pinatay ko na ang data ng phone ko at humiga.

*sniff*

"Happy Birthday... miss na kita." Pabulong kong sambit.

*sniff*

End of Flashback

"Hey, don't cry. Alam mong ayoko ng umiiyak ka." Hinawakan ko ang pisngi ko at may luha nga. Hindi ko namalayan yun. Tangina bat ako umiyak?

"Sorry." Sambit ko.

"Tara na. Magpahinga ka na muna. Ihahatid na kita. Masakit pero okay lang." mahina na yung pagkakasabi niya sa huli kaya hindi ko na naintindihan.

**

Allystaire's POV

*knock knock*

Ngumuso ako. Sabi naman nila ay hindi sila pupunta ngayon dito dahil busy sil. Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan iyon.

Pansamantala yatang tumigil ang tibok ng puso ko at nanigas ako sa pwesto ko. "J-Jester." Nauutal kong sambit ng pangalan niya. Siya ba talaga ang nasa harap ko ngayon? Magsasalita na sana ko nang yakapin niya ko bigla.

"Staire." He said in a husky voice habang nakayakap pa din sakin.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumuntong-hininga. Bumangon na ko at uminom muna ng tubig.

Anong oras na ba? Magluluto pa ko ng kakainin ko ngayong gabi. Tapos tatawagan ko pa sina Mama at Papa

Natulala ako nang maisip na napanaginipan ko na naman siya. Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari to kaya sanay na ako. Pero these past few days ay madalas ko siyang napapanaginipan. Nakakapagtaka.

Sunday.

Naisipan namin na gumala nalang ngayon. Kaso hindi nakasama si Matt. Hindi lang nagsabi kung bakit. Ang sabi niya lang, stay lang daw muna siya sa unit niya. Ang weird niya ngayon kaya nga naisipan naming sorpresahin siya mamaya. Actually ngayon na, kasi tapos na kami gumala. Si Marcy ay nakabusangot kanina dahil wala ang boyfriend niya.

Kasalukuyan kaming pumapasok sa condo. Mas maganda ang condo na to kesa don sa Szym Building. Sa pagkakaalam ko ay Rojo Residences ang pangalan ng condominium na ito. Yung bigatin na dating artista ang may-ari. Kasabayan nina Vilma Santos. Mrs. Reign Rojo ata yun.

Nasa harap na kami ngayon ng pinto ng unit ni Matt. Pipindutin na sana ni Ange yung doorbell nang pindutin ni Marcy yung code. Tumaas ang mga kilay namin dahil alam pala ni Marcy ang passcode ng unit ni Matt.

Bumukas na ang pinto at nadatnan namin si Matt na nakaupo sa sofa at tila hinihilamusan ang mukha gamit ang mga kamay niya. Akala mo'y nalulugi yung kumpanya niya dahil sa itsura niya.

Nang mapatingin siya sa amin ay para na siyang nakakita ng multo. Lumapit na si Marcy kay Matt at kami naman umupo nalang diretso sa sofa.

"Ba-Bakit kayo nandito?" Nauutal na tanong ni Matt. Ako nagtataka na talaga ko sa isang to.

"Di ka kasi sumama kanina. Kaya pinuntahan ka nalang namin." Sagot ni Marcy.

"A-Ah ganun ba? Hehe ang sweet nyo t-talaga." Pekeng tumawa si Matt.

May tinatago ba siya? Baka may babae na to ah? Subukan niya lang lokohin si Marceline lagot siya sakin.

Naisipan kong icheck kung may babae ba dito. "Painom ako." Paalam ko kay Matt. Lilibot ako dahil baka may nagtatago lang na chic dito.

"Ah Staire!" Pagpigol sakin ni Matt. Tumigil ako sa paglalakad pero tumakbo din ako papunta sa kusina. Natatawa ako habang tumatakbo. Nang makaliko ako ay tumigil ang mundo ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.  Nakatingin lang ako diretso sa kanya at ganon din siya sakin.

Nadinig ko ang paglapit nina Matt sa likuran ko ngumit hindi sila umiimik. A-ako yata ang nasorpresa.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon