Part Twenty Seven

219 6 0
                                    

Allystaire's POV

Binuksan ko yung pinto nang may kumatok. "Girls, nagluto si Jes ng dinner. Let's eat." Pag-aaya ni Matt.

"Susunod kami." Sagot ko tapos sinara ko na yung pinto. Nagbihis muna ako ng t-shirt tsaka maluwag na short. Tapos binago ko yung pagkaka-ponytail ng buhok ko dahil medyo gulo na.

Bumaba na rin kaming tatlo pagkatapos mag-ayos. Nakita namin yung dalawa na nakaupo na at kumakain sa isang round table. Hindi ko katabi si Jester pero kaharap ko naman siya. Sinimulan ko nang sumandok ng kanin.

"Siya nga pala, anong balak niyo bukas?" Tanong ni Marcy sa gitna ng katahimikan.

"Mamamalengke muna tayo kasi last na tong mga pagkain na to tsaka yung pang-breakfast bukas tapos wala na." Sagot naman ni Ange.

"Ah sige sige! Pero dapat may maiiwan dito." Marcy pouted. "Ako, sama ko!" She immediately volunteered.

Teka, ako din. Magsasalita na sana ako para sumama din pero punong-puno ang bibig ko. Asan ba yung tubig?

"Ah sasamahan kita Marcy." Nangiti naman si Marcy sa pagsama ni Matt.

"Oh edi sige, kayong dalawa ang sumama sakin. Kayo naman." Bumaling si Ange sa amin ni Jester. "Maiwan kayo dito."

Wala na kong nagawa dahi pinandilatan na ko ng mata ni Ange. Tsaka, ano pa bang hinihintay nila punta na sila sa palengke.

Pagkatapos naming kumain, niligpit na namin ni Ange yung mga kinainan tapos pinunasan na din namin yung table.

"Kami na ang maghuhugas ni Marcy." Matt volunteered. Hinanap ko si Jester sa buong dining area pero wala. Sumilip ako sa sala pero wala din. Bigla naman akong nakarinig ingay ng sliding door. Nakita ko si Jester na papunta sa pool area. Lumapit ako ng konti sa may sliding door para makita siya. Nakatayo lang siya sa gilid ng pool at nilalaro ng paa niya yung tubig. I cleared my throat and walked closer.

"Huy."

*splash!*

"H-HAHAHA!" Hindi ko na napigilan yung tawa ko. Ngayon ay nakahawak ako sa tiyan ko dahil ang sakit na sa kakatawa ko. Pati ang panga ko ay masakit na rin. Wala na kong kontrol kung ano bang klaseng tawa ang lumalabas sa bibig ko basta tumatawa ako.

Nahulog kasi siya sa pool nang tinawag ko siya. Nagulat yata. Lumuhod ako at medyo lumapit habang tumatawa pa din.

"Hahaha! Je-- Hahahaha Jest--- Aaaaaaaa!" I gasped. Hinilamos ko ang mukha ko bago hinarap si Jester. Hinila ako ni Jester kaya nahulog din ako sa pool.

Ngayon ay siya naman yung tumatawa. First time ko siyang narinig na tumawa ng ganyan kalakas. Kahit pala tumatawa siya ng ganyan, ang gwapo pa rin niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Now who's laughing?" Pang-aasar pa niya. Nanatili akong masama ang tingin.

"Awww." Napatigil si Jester sa pagtawa at nilingon namin ang nagsalita. Hindi namin namalayang nakalapit na pala yung tatlo. Mukhang tanga na nakasandal sa pader at pinapanood kami. "Ang. Cute. Niyo." Nakangiting sabi ni Ange. Binalik ko ang tingin ko kay Jester at

"Pffft---" Pinigilan niya ang matawa.

"Aa!" Sigaw ko.

**

DAY 1

"Good morning!" Nagising ako sa boses ni Marcy at Ange. Mukhang bihis na bihis sila e ang aga pa naman.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"6:00 am, Mada'am." Sagot ni Marcy.

"Eh?" Pumikit ulit ako at tumagilid. Ang aga aga pa e.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon