Part Ninety Six

103 3 0
                                        

Allystaire's POV

"Tangina." I blurted out.

"Shh." He smiled while looking down on me literally.

"Sorry medyo malutong." Natatawang sabi ko sabay nag-peace sign. "Nandito na naman ako!" Tuwang-tuwang dugtong ko at niyakap si Jester sa tagiliran niya. Bumitaw din ako agad pero inakbayan naman niya ko.

It has been three years. Everything went fine although there were tough times. Jester and I fought sometimes but we made a way to make up. Hindi na namin muling nakausap si Eunice pero minsan ay nakikita namin siya. Hindi nga lang kami lumalapit sa isa't isa. And, about his tricuspid atresia, the doctor said he's fine so far.

December na ngayon, hindi ko na namalayan. Nandito ulit kami sa Seoul para naman maranasan ang winter ng Korea. Dito kami magpapasko! Pangarap ko yun kaya sinurprise ako ni Jester ng plane tix last month. Naiyak nga ako takte. Syempre di ko inasahan yon. Kung noon ay spring nang nagpunta kami dito, winter naman ngayon.

Miss na miss ko na nga ang mga magulang ko at mga bakulaw kong kaibigan kasi yung huli kong uwi sa Pilipinas e 14 months ago pa.

Wala kaming kasamang iba dito sa Kor dahil couple naman DAW kami and kung may gawin man daw kami ay nasa edad na kami. Pucha di ko kinaya mga sinasabi ng pamilya namin. Well pwera pala sa nurse kasama namin. Saling pusa.

Kagabi lang kami dumating at kagigising lang namin ngayon. Si Walter naman, yung nurse ni Jester, ay nandoon pa yata sa kwarto niya. Same bedrooms dahil kahit tatlong taon na kami ay hindi pa kami natutulog sa iisang kwarto intentionally ng kaming dalawa lang. Oo virgin pa ko.

Sa guest room nalang pinatulog ni Jester si Walter dahil kawawa naman daw kung sa sofa.

Humalumbaba ako sa stool habang pinapanood si Jester na nagluluto. "Hindi mo dinala yung bigay kong apron." Inaantok kong sambit.

"Tss. YOU packed my things up."

"Oo nga pala." Lumapit ako sa music player at nagpatugtog ng mellow para naman umingay ng konti. Pagkatapos ay bumalik din ako kay Jester para tulungan siya magluto.

Gagala lang ulit kami ni Jester dito sa Korea. Pero nag-request ako na maging commuter kami para katulad ng sa mga kdramas na nagbu-bus sila, naglalakad. Gusto ko yung feels na ganon. This time two weeks na kami dito. Pero limited na ang gagawin namin dahil bawal mapagod ng sobra si Jester. Siguro magsi-sight seeing lang kami the whole trip. Okay ako don basta kasama ko siya.

"It's better if you avoid lifting weights, Jester." Walter said as he tried to stop Jester from grabbing the dumbel. Nandito kaming tatlo sa basement habang nagpapalipas oras. Si Jester ay naisipang mag-work out habang ako naman ay nagcecellphone lang dito sa upuan sa poolside. Si Walter nakatayo sa tabi ni Jester at binabantayan siya.

Tumawa ako. "Ang payat ng braso mo Love di mo kaya yan."

"Staire when will I ever get used to you calling me that?" Maliit lang ang ngisi niya.

"Che ako yung kinikilig wag kang ngumiti." Pagalit kong sagot sa kanya. He then chuckled. Sobrang dalang kasi ng endearment namin ni Jester. Laging pangalan lang namin yung tawag namin sa isa't isa.

Nang sumapit ang 11:30 am ay lumabas na kami ni Jester ng bahay. Nagbilin muna si Walter ng reminders bago niya kami hayaang umalis. Pinagluto na din siya ni Jester ng lunch niya kasi sa labas kami kakain.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon