Part Twenty Two

230 5 0
                                    

Third Person's POV

Masayang nagcecelebrate si Ange at ang kanyang pamilya. Tinawagan rin siya ni Keith na siyang special someone nito.

Si Marcy naman ay nakatulog na sa kabusugan habang ang kanyang mga maliliit na kapatid ay dinadrawingan ang kanyang mukha.

Si Jester at Matt ay nagmo-movie marathon sa sala. Nag-skype sila kani-kanina lang para batiin ang kanilang pamilya na nasa States.

"Matt, distance. Nababakla ka na ba?" Blangkong ekspresyon na utos ni Jester kay Matthew. Nanonood kasi sila ng horror movie at tila papalapit nang papalapit ang mukha ni Matt sa kanya.

Ting!

Jester opened the message as he scratch his eyes.

From: Dwende
Merry Christmas! 😄🎄🎁

Napangiti ang binata. "Give me your phone." Aniya kay Matt. Binuksan ni Jester ang messages ni Matt pero hindi niya nakita ang bati ni Staire.

To: Dwende
You greeted me first, don't lie. Merry Christmas

**

Allystaire's POV

February 12. Friday.

"Class dismissed." Sir Jim declared. Nilingon ko si Jester. As usual, relax lang siyang nagliligpit ng gamit niya. Binaling ko na muna ang atensyon ko sa mga gamit ko. Tinakpan ko ang G-Tec ko at itinabi ja sa pencil organizer ko. Saka ko inilagay ang mga notebook sa bag ko.

"Weekend na ulit!" Sigaw ko pagkasuot ko ng bag ko. Hindi naman ako nahihiyang sumigaw kasi mga kaklase ko naman yan. "Ange, Marcy!" Tawag ko dun sa dalawa.

"Staire naman! Andito lang kami. Lintek na boses yan, ang lakas." Reklamo ni Marcy.

And as usual. Sabay-sabay ulit kaming naglakad nang nakahanay. Si Jester ang nasa dulo sa kanan. Ang cool niya talaga maglakad. Kasunod ako tapos katabi ko si Ange then si Marcy at si Matt.

"Ano kayang gimik ng Luzonian sa Monday?" Tanong ni Ange.

"Siguro may mga booths na naman pero syempre relevant sa Valentines." Sagot ni Marcy.

"Haha this will be fun." Tuwang tuwang sabi ni Matt na pumalakpak pa.

"Hindi kaya." Singit ko.

"Bitter." Walang emosyon pero dahan-dahang sambit ni Jester na pinatungan pa ng kamay ang ulo ko. Sobrang cute ng pagkakasabi niya pero ang bigat niya.

"Aray." Daing ko at inalis ang kamay niya sa ulo ko.

"Liit mo kasi e."

"Aa." Bulong ko. Kapag kasama ko siya, madalas niya kong nilalait.

He chuckled. "Ang cute mo talaga." Chill niyang sabi.

Ang cute mo talaga.

Ang cute mo talaga.

ANG CUTE KO DAW.

"Speak. Speechless?" He added. Compose yourself, Staire. Wag mo namang ipahalata na kinikilig ka.

"Ewan ko sa'yo! Tara na Ang---" Nang humarap ako sa tatlo ay wala na sila. San napunta yung mga yon?

"Tara na." Aya ni Jester na iniwan ko. Patakbo akong humabol. Ang bilis niya talaga maglakad. Anyway, napapansin ko lang na hindi na siya katulad noong una na halos hindi na magsalita. He even speaks up first sometimes. Hindi ako pumantay sa kanya at nanatili sa likod niya. Baka kasi hindi ko mapigilan yung ngiti ko.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon