Part Five

303 10 0
                                    

Angelica's POV

Hindi talaga ako nag-cr. Tinext ako ni Marcy at ni Matt na iwanan ko na daw sina Staire at Jester. Sumunod ako sa kanila sa bookstore saka tuluyan na kaming gumora ng sa amin. "Ano na kayang balita sa kanila?" Matt asked.

"Haha eto lang yan, A. Nag-iintay parin sila dun." Marcy answered.

"B. May nang-iwan na isa. Either Jester o Staire." Dugtong ko sa kanya.

"C. Naghiwalay na ng landas yung dalawa dahil sa inip at ayaw nilang magsama." Marcy

" or D. Magkasama silang naghahanap." Singit ni Matt. Babalikan naman namin sila e. Pero, syempre, mamaya na. I think it's fine for them to be alone together. What's wrong with it naman diba?

"Uy Marcy." Turo ko dun sa dalawang babae na tila natatae at hindi mapakali.

"Ang gwapo niya noh?"

"Oo nga."

"So?" Mataray niyang sagot sakin. Kunwari pa. Kitang kita ko na ang sama na ng tingin niya doon sa nagbubulungan. Halata naman kasing crush niya si Matt. Simula pa nung unang araw nila sa school. Si Matt naman, lantak lang nang lantak ng ice cream at wala atang kamalay-malay na pinagpapantasyahan na ng mga babae.

Napagpasiyahan nalang namin na mag-window shopping dahil wala na din kaming magawa. May ilan kaming kakilala na nakasalubong kaya medyo napatagal din kami bago balikan sina Staire at Jester.

**

Allystaire's POV

-_-

Kingina yan. Asan na yong mga yon? Kanina pa kami dito naiilang na ko. At ang mga mapagmahal na kaibigan, patay ang cellphone. Hindi ko alam kung nananadya ba sila o ano.

"Let's go." Biglang nagsalita si Jester sa gitna ng katahimikan. Tumayo na siya at naglakad papunta sa labasan. Pero parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makalapit. Nanatili siyang nakatayo doon sa pinto at lumingon ulit sa pwesto ko.

He mouthed, "Let's go." while giving me an are-you-deaf look.

Inaaya niya ba talaga kong sumama sa kanya? Pwede naman kasing iwan nalang ako diba? Kasi ang tagal na naming nagiintay dun. Hindi pa rin ako lumalapit hanggang sa nag-facepalm siya. Lumapit naman na ako kasi baka magalit na siya. "Asan na sila? San tayo maghihintay?" Tanong ko.

"Let's just find 'em."

"A-Ah okay." Sagot ko at sumunod na sa paglakad niya.

Lakad.

Lakad.

Lakad..

Pagod na ko tbh. "Huy." Tawag ko sa hindi pa rin humihinto sa paglalakad na si Jester. Trenta minutos na kaming naglalakad at hindi ako nasisiyahan sa pinaggagagawa namin. Lumingon siya ngunit hindi nagsasalita. Asan na ba kasi sila? Bakit di na bumalik yung mga yon? Tapos mang-iiwan nalang, dito pa sa mokong na to. Ang sakit na ng binti ko.

"Wag ka ngang ngumuso." Ngumuso ba ko? Naupo siya dun sa bench matapos akong iwan dito. "Umupo ka na. Alangan namang akayin pa kita."

"Salamat." Sarkastiko kong sabi. At umupo na ko sa t-tabi niya. Tinry ko ulit tawagan sina Marcy pero nakapatay talaga yung mga cp nila.

"Ah tawagan mo nga si Matt. Patay ata ang phone nila Marcy at Ange." Nilabas niya ang cp niya tapos may kinutingting. Umiling siya at sumandal nalang ulit. Sinilip ko ang mokong sa gilid ng mata ko. Nasa kaliwa ako at nasa kanan naman siya. Ayos pumorma to. Simple pero malakas ang dating. Ang tangos din ng ilong niya. Letche, tingnan mo naman yung ilong ko, pango. At in fairness, ang pilik-mata niya. Kasing haba nung akin.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon