Allystaire's POV
Dumiretso ako sa balcony ng kwarto ni Ate Jade. Umupo ako sa hanging couch at tumingin sa malayo.
"Jester." My voice faltered. Tinanaw ko lang ang buong view at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. "Who would choose a daisy over a rose?" Halos pabulong kong pakikipag-usap sa sarili ko.
Naalala ko lang yon dahil nabasa ko dati sa isang libro. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin. I opened my eyes and found myself crying. Bakit hindi ko magawang makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya? Akala ko kapag bata ka pa madali kang makakamove on. 19 palang ako. Para sakin bata pa yun pag usapang lovelife. Pero heto ako at 16 palang noon kumekerengkeng na.
Sinubukan ko naman. Binitiwan ko si one percent. Lahat ng pinanghawakan ko ay binitawan ko na. Nakakaputa kasi hindi nakikicooperate ang tadhana pati na tong lintek na puso pati na utak ko.
Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na si Eunice ang gusto niya at hindi ako. Naiinsecure ako sa kanya puta. Ang ganda ganda niya, sobrang ganda, ang bait niya pa na mas kinaiinis ko. At, girlfriend siya ni Jester.
Ilang sandali lang ay may bigla nalang lumapit sa gilid ko at nanatiling nakatayo roon. Diretso lang ang tingin niya at mukhang malalim ang iniisip. Nage-emote ako dito, makikisali siya.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang mukha ko. Lalo akong naging hindi komportable nang tumagal kami sa ganoong posisyon nang walang nagsasalita. Bastos di man lang sumagot kahit tumango.
Naisip ko, na baka, na baka pwede ko nang sabihin sa kanya. Ayaw ko na din kasi. Ang unfair ko na sa sarili ko. Pinapaasa ko lang ang sarili ko na baka pwede pa. Ngayong dumating na talaga si Eunice ay narealize kong wala na talaga. Kahit pa may nakikita pa kong pag-asa sa mga mata ni Jeste--- Hindi. Siguro ilusyon ko nalang yon.
Kapag ginawa ko to, siguradong magso-sorry siya at irereject ako. Kapag nangyari yon, makakatigil na din ako.
Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. "Jester." Pagtawag ko sa kanya. Magsasalita pa lang ako nang abutin niya ang parehong kamay ko at ipinulupot sa bewang niya. Mas inilapit niya pa ako sa kanya at nanigas ako nang yakapin niya din ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. I gulped. "Baka m-makita t-tayo ni E-Eunice."
Ano na naman to? Kanina ay kulang na lang ipasok niya ang ulo ko sa dibdib niya. Ngayon naman yayakapin niya ko ng ganito. Puta alam niya bang mababaliw na ko konti nalang?!
"May sasabihin pa ko sa'yo." Tugon niya. indi natuloy kanina ang sasabihin niya dahil sa pagdating ni Eunice. Pero ako na muna. Para matapos na. Sobra sobra na ang kabog ng dibdib ko kaya gusto ko na tong ilabas.
"A-Ako din." I bit my lip. Tinitigan ko siya at naramdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Dahil yon sa kaba. Lumunok ako bago nagsalita. "Nakakainis ka." Hindi ko siya hinayaang magsalita at nagpatuloy. "Tatlong taon na kong naghihintay sa'yo. Naghihintay na magustuhan mo din ako kahit malabo. Sorry. Pero, ok naman na. Si Eunice ang gusto mo kaya kakalimutan na kita. Argh ang drama ko--" Bahagya akong nagulat nang mariin siyang bumitaw sa yakap.
"Don't." He said.
Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya ba kong saktan? Nanggagago ba siya? Wag? Ano yon, papaasahin niya ko? Paghihintayin niya ko hanggang ikasal sila? Magsasalita sana ako ulit nang matigilan ako.
"P-Please..." Mahinang sambit niya habang nakatungo na mas ikinagulat ko. Nagugulat talaga ko sa mga sinasabi at ginagawa niya dahil sinong hindi magtataka? Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiiyak. Ilang sandali ng katahimikan ay muli niya kong tiningnan at niyakap ulit. "I'm sorry." He muttered pero enough para marinig ko.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)