Part Eighty

128 1 0
                                    

Andre's POV

She looks exactly what she looks like three years ago. The difference is her hair is longer now. God I missed her so much.

Nagulat siya nang makita ako. I smiled and waved at her. Tumakbo siya at niyakap ako. "Andreeee." Parang batang sabi niya. I hugged her back at narinig ko nalang siyang humikbi. "Bakit bigla ka nalang umalis?" Umiiyak na tanong niya.

"I'm sorry, princess." Hinagod ko ang likod niya para patahanin siya.

I needed to get away from her. I thought it would be the best for the both of us. I'll get over and she'll be free. But I didn't get over her though. I dated many girls but it didn't work out. I still love her. I know wala na kong karapatan pero wala naman akong magagawa.

I flew back to Canada dahil kailangan ko ng time and space. I was really hurt. Parang that time, nagalit na ko sa sarili ko. Feeling ko madedepress na ko kakaisip. Na why can't she love me back? Why can't I be enough to be loved by her? Now I came back here para makasama si Staire. Hindi na para umasa pa. Gusto ko lang talaga siyang makasama.

Last week pa ko dumating pero kararating ko lang dito galing province. Nagulat din si Ange at umiyak nang dumating ako.

"Sorry kung nagalit ka man sakin. Sorry kung--"

"Staire." I held her hands. "Kahit kelan hindi ko nagawang magalit sa'yo. Wala kang nagawang mali hoy." Pinunasan niya ang luha niya pagkatapos ay tumango-tango.

"Namiss kita namiss ka namin! Hindi ka man lang nagparamdam napakasama mo." I laughed because of her face.

**

Allystaire's POV

Nagpaalam na din agad si Andre dahil kailangan niya na daw umuwi. Ang saya ko dahil bumalik na si Andre. My superfriend finally came back. Namiss ko siya sobra.

Natulog muna ko ng isang oras para mapahinga yung ulo ko. Kakastress kanina sa school pero TGIF!

Paggising ko I fixed myself dahil magkikita ulit kami ni Jester. Hindi ko nga siya nakita kahapon dahil sobrang busy ko. Babawi na lang ako mamaya. Ibabalita ko din sa kanya na dumating na si Andre. Okay lang naman sa kanya diba?

Nagbihis na ko at lumabas na ng bahay. Maglalakad nalang siguro ako dahil malapit lang naman yung condo. Actually hindi ganoon kalapit pero keri ko naman.

Habang naglalakad ako parang may nararamdaman ako sa backpack ko. Dala dala ko to dahil dala ko yung macbook. Kumunot ang noo ko dahil parang may nararamdaman talaga ako na kung anong weird. Naglakad pa ko ng ilang metro kung saan may maraming tao at marahas na hinawakan sa kamay yung lalaking nasa likuran ko lang.

Napangiwi ako dahil nasugat ang kanang kamay ko doon sa blade na hawak niya. Naguhitan doon sa kaliwang tabi. Maikli lang yung naging sugat at dumudugo na pero hindi ko muna pinansin.

"HOY!" Sigaw ko sa lalaking to at hinawakan ko siya agad sa jacket niya nang subukan niyang tumakbo palayo. "Gago ka, ano ba wag kang tumakbo! Susubukan mo pang tastasin yung bag ko ha walangya ka nagmakaawa pa ko kay Papa na bilhin to kahit ang mahal tapos tatastasin mo lang para mangnakaw, ha?!" Pilit ko siyang hinahawakan sa jacket dahil tumatakbo talaga siya. Mabuti nalang tinulungan ako nung dalawang medyo may katandaan na lalaki na magtitinda ng buko juice. Hinawakan nila yung lalaki. Maingat kong inagaw sa kanya yung blade na hawak niya dahil baka makasugat pa. May mga taong nantatastas pa din pala hanggang ngayon. Si Papa din noong nakaraang taon e tinastas ang bulsa at nakuha ang wallet.

"Kuya mandurugas yan." Sabi ko sabay silip sa bag ko. Takte may kaunting tastas na doon sa may pocket sa una.

"Dadalhin namin siya sa pulis. Naku, hija. Tumutulo na yung dugo sa kamay mo." Pagpuna ni kuya. Medyo mahapdi na kaya hindi ko na napigilan ang muling pagngiwi.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon