Part Thirty

243 4 0
                                    

Allystaire's POV

Napapansin kong may ilang mga babae ang tumitingin kay Jested. Sumisinghal ako sa tuwing may nakikita akong ganon.

Sumunod ako kay Jester nang bigla siyang lumiko. Tumigil siya sa harap ng– ano yan? Bakit kulay puti? Parang cream ang kulay na dirty white na ewan. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kaya hindi ko alam kung ano yan.

"Ano yan?" Tanong ko kay Jester habang kinakamot ang kanang mata ko dahil medyo makati.

"It's a white lion. Baby lion."

"Chika ka." Hindi naniniwalang sagot ko

(Media)

Hindi na siya umimik at sa halip ay hinila ako sa braso. MHinarap niya ko dun sa tarpaulin saka ko napagtantong white lion nga ito.

Ngumuso ako dahil ang cute ng lion habang dumedede sa tsupon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong nakapila para makapagpa-picture. Hindi wild yung lion kaya may mga taong nakakalapit at nakahahawak pa sa kanya. Nasa ibabaw ng parang lamesa yung lion tapos nasa likuran yung mga tao.

Kinulbit ko si Jester na relax na nakatayo sa tabi ko. "Papicture tayo." Nakangiti kong sabi.

"You pay." Tinalikuran niya ko at pumila na. Nang kami na ang kasunod ay lumapit samin yung zookeeper.

"Fifty pesos po ang isang shot. Ilan po ang gusto niyo?" Nakangiti nitong tanong sa amin. Sasagot palang sana ko pero inunahan na ko ni Jester.

"Four, please." Nag-abot siya ng buong two hundred pesos.

Akala ko ba ay ako magbabayad?

"May I have your camera, sir? Or phone?" Inabot ni Jester ang phone niya. "Sir, punta na po kayo ng sister niyo."

Huminga ako ng malalim habang nakapikit.

Jester looked like he was about to smile. "Sige tumawa ka, ipapalapa kita diyan!" Sigaw ko. Nauna na kong lumapit doon sa lion.

"Pwede niyo po siyang hawakan, Ma'am." Sabi ng guide na nasa tabi.

"Talaga po?" Dahan-dahan kong hinimas yung katawan niya. Naramdaman ko namang nasa tabi ko na si Jester.

"Sir, Ma'am, ready na po." Umayos kami ng tayo at ngumiti.

"1, 2, 3. Three more."

Nung pangalawang shot na ay inakbayan niya ko.

"1, 2, 3."

Nanatili akong nakangiti at hindi pinahalatang nagulat.

"Third shot po."

Click!

"Last na po."

Tumingala ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin.

*flash* Hindi ko namalayang pinicturan agad kami ni kuya e hindi pa kami ready sa last shot.

"Thank you Ma'am and Sir, come again!" Nag-bow siya sa amin kaya nag-bow din ako pero mali yata.

"Hoy wag ka ngang mang-iwan!" Paghabol ko kay Jester. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Fatser." Sabay hila niya sa hood ng hoodie ko.

Kasalukuyan kong pinapakain ng saging yung mga unggoy na nasa malaking kulungan. Nakakatuwa ngang panoorin sila na nagbabalat.

"Hoy try mo kaya." Sabi ko kay Jester. Inabutan ko siya ng saging na kinuha din naman niya. Lumapit siya sa kulungan at inilapit dahan-dahan yung saging sa unggoy.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon