Part Fifty Two

196 4 0
                                        

Allystaire's POV

"Aa parang awa mo na, Jester. May feelings din ako!" Pagmamaktol ko habang nasa likuran niya ko at sinusundan siya. Halos mangiyak-ngiyak na ko. "Hindi mo ba alam na yon? Nasasaktan din ako!"  Hinarap niya ko at nakita kong salubong na ang kilay niya.

"Ano ka ba, hindi ka naman mabiro e. Acting ko lang yon. Sabi ko lang, masakit na yung paa ko. Kanina pa kasi tayo naglalakad e." I faked a laugh.

Tinotopak yata siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya. Hindi ako na-inform na gusto niya palang maglakad ng isang libong milya. Akala ko naman kanina may kotseng naghihintay samin.

Tinalikuran ulit ako ni Jester at muling naglakad.

"Saan ka ba magpapasama? Anong lugar ba yan at bakit parang ang layo layo naman? Alam mo ba yung taxi? Uso yan sa panahon ngayon." Bumangga ako sa likod niya dahil bigla siyang tumigil. Ngayon ko lang napansin na nag-increase pala talaga ang height ko kahit papaano.

"Ugh shut up muna, please." Salubong ang dalawang kilay niya. I smiled secretly dahil ang cute ng pagkakasabi niya. Hindi na ko nagsalita pa dahil baka mainis pa siya sakin at iwan ako dito sa kalye.

Umupo siya sa waiting shed kaya ganun din ang ginawa ko. Kami lang ang nandito dahil nagkataong kaaalis lang ng mga tao at sumakay na sa bus. Sana wala munang dumating.

"Sorry if I dragged you here. Take a rest." Diretso lang ang tingin niya.

"Ok lang." Sagot ko at tumango. "E bakit mo ba naisipang lumabas? Saka bakit a-ako ang inaya mo?" Hindi ko na naiwasang itanong. Nakakapagtaka lang.

"I just remembered the time when we were always going out." Matutumba ako sa kinauupuan ko dahil sa sagot ni Jester. "I wanted to do it again with you. I missed it." Yung puso ramdam na ramdam ko na yung tibok. Gusto kong sumigaw.

"E bakit?" Nagulat din ako sa lumabas sa bibig ko. Pinalo ko ito hindi naman siya nakatingin.

"That made me happy back then. H-Hindi lang halata." I smiled. "Shit. Don't dare ask me again." Namumula yung tenga niya. Naalala ko yung mga panahong magkasama kami ni Jester ng kaming dalawa lang. Yung lumalabas kami. Saka yung "dates" kuno namin.

"E ano to? Date ulit?" Tumawa ako para magmukhang biro lang. Pero ang totoo ay umaasa akong oo ang sagot niya. Yes sa ingles.

"No. I can't have a date with someone else." He directly answered.

Nabuhusan ata ako ng malamig na tubig. Kung yung pagiging straight to the point niya kanina, nagustuhan ko. Ngayon na diretso ulit ang sagot niya ay hindi na. Biglang bumigat ang pakiramdam ko pero ayokong masira ang araw na to. Kaya kahit nasaktan ako, naisip kong dedmahin nalang yun.

"Haha joke lang naman e. E ano bang gagawin natin?" I should act normal so I won't look defeated. So I won't look like I'm hurt.

"I don't know." Sagot niya. My shoulders sagged. Nakakaloka siya.

Ilang sandali lang, nagkaroon na ng ibang tao dito sa waiting shed.  "Tara na." Pag-aya ko sa kanya sabay tayo.

"San?" Tanong niya nang nakaupo pa din. Ako pa tatanungin e ako ang isinama niya. Mabuti pa, para may paghantungan naman tong lakad na to, igagala ko nalang siya. Hinigit ko siya patayo at sumunod naman siya.

I stood straight and smiled widely. "Good day, Mr. Vandorpe. I'm Allystaire Dy and I will be your tour guide today. Come, Sir!" I said cheerfully and held his wrist. Tapos hinila ko na siya.

Pasalamat siya, sa wrist ko lang siya hinawakan. Nakakapagpigil pa ko. Kung hindi, malamang HHWW kami.

"Taxi!" Sigaw ko habang iwinawagayway ang kamay ko. Binitawan ko na si Jester at lumapit dun sa taxi. Bago ko buksan yung pinto ay humarap muna ako kay Jester. "Ah eh may pera ka diyan?"

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon