Part Eighty Six

140 3 0
                                        

Allystaire's POV

3 out of 5 times na akong sumama kay Jester sa opisina. Noong una ay hindi talaga ko nakasama, tapos hindi din ako nakasama sa huli dahil tinanghali ako ng gising hindi naman ako ginising ni Jester. Grabe ang sarap maligo dito sa bahay na to. Kasalukuyan akong nagbibihis at hindi pa lumalabas ng kwarto. Dahil hindi naman kami lalabas ngayon magt-tshirt nalang a—

*knock knock*

"Staire." Jester called.

"Saglit nagbib—HOY PUT—" Mabilis akong tumalon sa kama para magkumot. Asdfghjkl BRA LANG YUNG SUOT KO SA PANTAAS SAKA LEGGINGS.

Nanigas si Jester sa pwesto niya pero amputa nakangiti habang nakapikit. "I'm sorry." Natatawang sabi niya. "I didn't see anything."

"Mukha mo  ka labas nga!"

"I guess my eyes isn't virgin anymore." Dugtong niya habang lumalabas at isinara na yung pinto.

Tumakbo ako sa pinto at ni-lock na yon. "Anong sabi mo?! Naka-bra ko!" Narinig ko siyang tumawa sa labas.

"Don't worry they aren't small." He answered. Napatakip ako ng dibdib ko at tahimik na tumili dahil sa kahihiyan.

Nagbihis na ko ng mabilis saka binuksan yung pinto. Naka-oversized white shirt ako at leggings. Pero walang Jester sa labas. Medyo padabog kong isinara ang pinto.

Umupo ako sa kama at nagsuot ng medyas. Muli namang bumukas ang pinto at iniluwa si Jester.

"Galit ka na?" He asked but I only glared at him. "I was just kidding—"

"Ah so maliit to?" Natawa na din ako.

"What?" He chuckled.

**

Marcy's POV

Katatapos ko lang sa duty ko sa hospital. Alas diyes na ng gabi at uwing-uwi na talaga ko. Pag-uwi ko naman ay hindi ko magawang makatulog. Hindi pa talaga ko inaantok siguro dahil sa apat na kapeng ininom ko kanina.

Nagbukas ako ng laptop umaasang online sa Skype si Matt. Minsan nalang kami mag-usap at miss na miss ko na siya. I almost screamed nang makitang online na siya. Tatawag palang ako nang mag-invite na siya ng video call.

"Hi baby." Malambing na bati niya.

🎶 I need my current location
To be your current location
Fly back to me

Dinig na dinig ko ang Current Location ng Lany sa background niya. I know it's for me.

"Matt." Nakangiti kong sagot.

"Kanina pa kita hinihintay mag-online." Sabi niya. Sumandal ako sa headboard ng kama ko.

"Kagagaling ko lang sa ospital."

Isa't kalahating oras kaming nag-usap ni Matt. Tatagal pa sana pero pinapatulog niya na ko. Baka daw mapuyat ako.

**

Allystaire's POV

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay pumasok kami ni Jester sa kwarto niya. Inaway ko ang sarili ko dahil kung ano-ano naiisip ko. Bakit ba kasi dito kami sa kwarto niya? Sabagay gusto ko ding makita to. Malawak ang kwarto niya at kulay itim. Pati kama niya ay malaki. Kulay grey naman iyon.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon