Part Fifty Seven

178 5 0
                                    

Jade's POV

"What? I already said, I don't like her!"

"I don't care! Gusto ko si Eunice!" He shouted back at me. I was fuckin' stunned. This is unbelievable!

I'm aware na mahal ni Staire ang kapatid ko noon pa. At hindi naman ako boboto sa kanya kung walang nararamdaman ang kapatid ko para sa kanya! But what's this?! Bakit sila na ni Eunice? Mali ba ko na may nakikita akong katiting na may gusto din sa kanya ang kapatid ko?

"This is bullshit, Jade. Wag kang makialam." Seryosong sambit ni Jester. "You don't know anything." His eyes became dark that made me shut up for seconds.

"Wh-What about Staire?" I asked bago pa siya makapasok ng kwarto niya. Humarap siya sakin and sighed.

"I don't like her." My shoulders sagged down. Diretso siyang sumagot. No, I don't believe him.

Ibinagsak niya ang pinto ng kwarto niya. Uupo sana ako when I heard someone's sniff. Sinilip ko yung pinto at nakitang bukas pala yon. Pero walang tao.

Hindi ko na kailangan pang tingnan kung may tao sa labas dahil kilala ko na kung sino yun.

**

Andre's POV

Nandito ako ngayon sa condo unit ng kaklase ko. May ginawa lang kami pero hindi naman yun important.

"Sige Ands, kunin ko nalang kay Sir Navarro." Jay said.

"Ge, una na din ako." Paalam ko at tumungo na sa elevator. Buti naman at mag-isa ako dito sa loob. Napasandal nalang ako at natulala. Buong araw kong naiisip si Staire. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay dapat ko siyang puntahan. Siguro dapat ko nga talagang gawin yun. I miss her already.

Bumaba yung elevator ng dalawang floor at bumukas iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Staire na mukhang naghihintay din ng elevator at umiiyak. Nagulat din siya nang makita ako. Lalapitan ko sana siya nang tumakbo na siya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. Sakto namang sumara na ang elevator.

"Hey, what happened?" Hinaplos ko ang buhok niya. Hinfi siya sumasagot at patuloy lang sa paghikbi. "You know I hate to see you cry. Pero mas gugustuhin kong mailabas mo yan."

Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang yakap niya sakin. Bumitaw na siya at nagpunas ng mukha. Ngumiti siya kahit maluha-luha pa ang mga mata niya. Saka siya nag-thumbs up sakin nang hindi tinatanggal ang ngiti niya.

"Ang tapang mo." I patted her head.

"You know me." Nag-chin up siya at saktong bumukas na ang elevator. Kapag may problema siya ay hindi niya pinapakitang malungkot siya.

Hinatid ko na siya sa apartment niya. Pinatulog ko muna siya bago ako lumabas. Mukha kasing pagod na pagod. Naglinis daw siya ng buong apartment kanina.

Malakas ang kutob ko na si Jester ang dahilan kung bakit sya umiyak. Kung siya nga, damn.

Pumara ako ng taxi at nagpasyang mag-mall muna. Babalikan ko si Staire pero may bibilhin muna ko. Papasayahin ko siya ngayon, hindi pwedeng gigising siya bukas ng ganito. Tinawagan ko na din muna si Ange at Marcy. Sinabi kong puntahan nila si Staire dahil umiyak.

"Ten pieces, please." Bumili ako ng waffles sa waffle time. Paborito kasi to ni Staire. Lumabas na din ako ng mall pagkatapos.

"Alcante street, Manong." Sabi ko sa taxi driver at tiningnan yung waffles. For sure, she'll like these. "Diyan na lang kuya sa may brown na gate." Nagbayad ako at lumabas na din. Naabutan ko sin Ange at Marcy na nagkukwentuhan sa may doorway. "Tulog pa din?" I asked nang nang makalapit ako.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon