Part Ninety Two

125 1 0
                                    

Allystaire's POV

Tumigil yung Mustang sa tapat ng isang restaurant pero mukhang bahay sa labas.

Nilibot ko ang mga mata ko. Puro beige ang paligid. Mga pader, pati table at upuan. Maski yung sahig, color beige din. Ang linis naman dito nakakahiya yatang maglakad lakad dito e.

Nauna na kong umupo sa kanya tapos siya na yung umorder para saming dalawa. I can hear classical music playing pero mahina lang. Habang kausap niya pa ang waiter ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa kisame at mapanganga.

Woah.

Kung ang paligid ay plain beige, ang kisame naman ay puno ng painting ng white roses. Hindi ko namamalayang napapangiti pala ko sa pagkamangha. I got back to reality when Jester suddenly held my hand. He looked straightly into my eyes making my heart flutter, as always.

"Thank you for the soup." Sambit niya.

"Ge." Simpleng sagot ko.

"I'm sorry."

"Buwisit ka." I hissed.

"Do, you want me to explain?"

"Tinatanong pa ba yan syempre magpaliwanag ka. Alam mo bang kung ano ano naisip ko? Kung bakit ganon nalang yung naging reaksyon mo na inaway ko siya na akala mo naman ako lang yung may ginawang mali na siya lang inintindi mo at hindi ako na—"

"I know I was wrong. I'm sorry if I hurt you. But I just didn't want her to think na masama ka. Na you're not good enough and that she's better." Hindi ako nakasagot. "Kung akala mo mas importante siya kesa sayo, hindi." He added.

Lumunok ako at uminom ng tubig. "Naiintindihan ko na. Pero wala akong kailangang patunayan sa kanya hayaan mo siya." Chin up kong sagot. Nakahinga na ko ng maluwag dahil alam ko na ang rason niya. "Sorry na din sa inakto ko." Ngumiti ako. "Haish muntik ko nang maisip na siya yung gusto mo." Umiling iling siya habang nakangiti.

He then let go of my hand. "Don't worry, ikaw lang ang pwedeng humalik sakin." And then puta he winked. KUMINDAT SIYA.

One year passed. Nandito pa din ako sa States. Inasikaso na din ang mga papeles ko sa tulong ng Dad ni Jester. Habang nagpapagamot si Jester regularly ay lagi ko siyang sinasamahan. Nagtatrabaho na din ako dito, tinulungan ako ni Miguel na makapag-apply. Bago pa lang ako don saka hindi pa mataas ang posisyon ko. Medyo nahihirapan pa din ako mag-adjust kasi mga amerikano ang katrabaho ko.

"Aa." Asar na sambit ko. He chuckled in return. "Isa pa." I warned him. Hindi siya nagpatinag at inulit ang ginagawa niya. Si Jester kasi binabaril ako ng Nerf gun habang nagpapractice ako na gumawa ng plate. Ipapakita ko pa to kay Miss Hailee bukas ng umaga pero hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos.

Nandito ako sa kwarto ko at bigla nalang siya pumasok para humiga sa kama ko at pagbabarilin ako ng lintek na nerf gun. Kanina ko pa siya sinasaway pero nang-aasar talaga. Binagsak ko ang pencil at mabilis na humarap sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin habang dahan-dahan na lumalapit sa kanya.

"Sinusubukan mo ko talaga e." Nagpipigil kong sabi. Yung mukha niya parang biglang kinabahan. I rolled my sweater's sleeves up as I stretched my arms.

"H-Hey." Nautal niyang tawag.

Agad akong tumalon sa kama at sinakal siya. Kunwari lang naman, mahal na mahal ko siya para patayin ko siya.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon