Part Twenty One

201 4 0
                                    

Allystaire's POV

I sighed. Andito ako ngayon sa kalsada. Wala namang taong dumadaan. Medyo madilim nga e, pero may mga ilaw naman. Umupo muna ko semento sa tabi.

"Lord, alam ko pong mali yung ginawa ko. Pero yun lang po yung paraan na alam ko. Sorry po, kung nakapagmura ko kanina sa kanila. Tapos sumigaw pa po ako. Ang balak ko naman po talaga, rerespetuhin ko parin po sila e. Gaya po ng sabi ni Jester. Kaso lumalabas po sa bibig ko. Lord sana po hindi na po sila magalit sakin. Sana maintindihin nila ko."

Kung hindi man, sana magbago man lang ang pakikitungo nila sa mga magulang ko. Kahit wag na ko. Sanay naman na ko. Saka malakas ata to. Pero si Mama, hindi. Hindi nga niya alam na nakita ko siyang umiyak noon sa cr pagkatapos niyang maka-kwentuhan sina Tita Helen e. Seeing my mother cry, breaks my heart. Bigla na namang pumasok sa isip ko si Jester.

"Nagawa ko na, Jester." Mahinang usal ko at napatawa ng mahina. Pero sino kaya si Jade? "Aa!" Usal ko

Nakarinig naman ako ng ingay. May isang grupo ng binatilyo na naglalakad. May naka-yosi pa nga e. "Pare, chic oh." Sambit nung nasa dulo nang mapatingin sakin.

Kahit di ako kagandahan? May mga bumabati pa ring ganyan na di ko naman kilala. Baka nga nanlalabo mata e.

"Hi, ate!" Bati nung isa. Hindi naman sila tumitigil sa paglalakad pero sakin lahat sila nakatingin. "Pwede mahingi number mo?" Tanong pa nung isa.

"Ulol!" Sigaw ko. Medyo nagulat sila pero agad din silang naka-recover.

"Suplada si ate. Ma-rape sana siya diyan tara."

Ano daw? Humarap ako sa kanila nang di tumatayo. Nakalagpas na kasi sila sa akin at nasa parteng kaliwa ko na.

"Tangina mo with feelings! Madapa ka sana!" Sigaw ko. Nang tuluyan silang makaalis, tumayo na ako at nagpagpag ng---

"Tss."

Napatigil ako. Bigla nalang kasi ako nakarinig ng boses pagkatayo ko. Hinanap ko agad kung san nanggaling gamit ang mata ko pero wala akong nakitang tao.

'Tss' kasi yung sinabi e. Posible kayang si Jester yun?

Diretso akong bumaba ng hagdan. Nakita ko si Lola na kumakain. Nang tuluyan akong makababa, dumiretso ako agad palabas. Alam ko namang maiintindihan ako nina Mama at Papa e.

Habang naglalakad ako, nilipat ko muna yung bag ko sa harap ko at kinuha ang wallet ko. "Bayad sa jeep..." Usal ko habang hinihiwalay ang barya at binibilang ang pera ko. "Pang-merienda..."

"Psst! "Staire!" Nakita ko si Ange at Marcy na nasa kanto.

"Woooy!" Masiglang sigaw ko sabay lapit sa kanila pero biglang nagbago ang mukha nila.

"Ayan ka na naman e." Ani Marcy. "Magpapakasaya ka na naman kahit malungkot ka." Tiningnan ko lang sila na nakatagilid ang ulo at naka-half smile.

"Ano namang mali don?" Sagot ko.

"Tita Jean told us what happened." Ange sadly said.

"Kaya pumunta kaming dalawa dito ngayon." Dagdag ni Marcy.

"Aa tara na pumasok! Drama nyo!" Aya ko. Natawa naman sila. Sweet naman ang dalawang to kaya maswerte din ako sa kanila. Nagsimula na kaming maglakad papuntang sakayan ng jeep. Masaya ako dahil lagi silang andyan para sakin. Kahit pare-pareho kaming may topak, masaya naman kami. Alam nga ata namin buong buhay ng bawat isa.

Pagpasok namin ng classroom ay sinalubong kami ni Matt. "Guys!" Bati niya.

"Matt!" Bati pabalik ni Marcy. Nagtinginan kami ni Ange at nagngitian.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon