Part Thirty Seven

232 5 0
                                    

Allystaire's POV

"Staire! Buti naman napadalaw ka." Nakangiting salubong sa akin ni Ate Jade pagkabukas niya ng pinto. Nakarating na kami dito sa Syzm Building ni Jester. "Wait. Oh my God. Why are you two together, huh?" She giggled. Naglakad na papasok ng unit si Jester at nilagpasan si Ate Jade. "Hey! Ano? Bakit kayo magkasama ng kayong dalawa lang?" Tanong niya sakin at hinila ako papunta sa may sofa. Magkapatid nga sila. Ang hilig nila manghila.

Hindi ako makasagot sa mga tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakahiyang sabihing nag-date kami. Unang una, nakakahiya. Pangalawa, grade ten palang kami. Pangatlo, hello? Nakakahiya. Pang-apat, kapatid siya ni Jester. Panglima, nakakahiya! Pang anim, nakakahiyang sabihing date yun kung di naman seryoso.

"Nag-date kami, Jade." Poker face na sagot sa kanya ni Jester at umupo sa sofa sabay binuksan niya yung tv.

"Omg!" She giggled. Umupo kaming dalawa sa stool sa dining area. Hindi ako makaimik. "Is it your first time?" Tanong niya sakin.

"Uhh?" Napataas ang dalawa kong kilay. I don't know but it didn't sound good. Parang medyo awkward yung tanong niya. O ako lang to?

"Oops, let me rephrase my question." She laughed. "First date mo ba ang kapatid ko? First date niyo ba ngayon?"

"Ah first date ko siya, Ate. Pero.. "

"Pero?"

"P-Pangal---?" Natigilan ako.

"Really? Omg. Binata na talaga ang kapatid ko!" Natawa naman ako. "Alam mo ba, ikaw din ang first date niya?"

"Talaga?"

"I know! E wala pa naman kasing babaeng ka-close yan kahit classmates niya sa States. And I know my brother too well. Another thing, kahit grade ten palang kayo, it's okay. Date lang naman e."

Ilang sandali pa ay napapakamot na ako ng ulo. "Utang na loob Ate Jade. Gabi na oh. Tapos na din tayo mag-dinner. Uwi na ko." Pagmamakaawa ko kay Ate Jade. Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa sala at hindi niya talaga ko pinapauwi.

"E kasi I'm worried. Iisa ka lang sa inyo. What about dito ka nalang matulog?" She smiled.

"Eh?"

"Right! Wag kang papalag. Tatawagan ko ang Mommy mo, ha. Give me her number at ipagpapaalam kita."

"Jade!" Reklamo ni Jester.

"It's final. Sa sofa ka matutulog! Sa room mo matutulog si Staire." Ate Jade proclaimed.

Pano kaya napapayag ni Ate Jade si Mama? Strikto iton pagdating sa mga overnight sa ibang bahay. Never pa kong nakitulog maliban sa bahay ng mga kamag-anak ko.

Bubuka palang ang bibig ni Jester nang magsalita ulit si Ate Jade.

"Don't try to complain again Jester or else your credit card will be cut off. Be a gentleman! Lalo na kay Allystaire!" Medyo natawa ko dahil itinaas ni ate Jade ang kamao niya.

"Hoy kayong dalawa." Tawag ko sa kanila. Nagtatalo kasi sila sa harap ko. Tahimik lang ako na nakaupo sa single couch na paborito ko at medyo nahihilo ako sa kanilang dalawa. "Tumigil na nga kayo. Ako nalang sa sof---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang umimik si Jes.

"Ako na." Kitang kita ko kung pano'ng ngumiti si Ate Jade. Ang gulo din ng takbo ng utak ni Jester.

"Oh sige na, let's better get fix ourselves before sleep. Ay, do you want to watch a movie?" Ate Jade asked.

Nandito na kami sa sala at nagmo-MoMa. Movie Marathon. Kasalukuyan naming pinapanood yung movie ni Angelica Panganiban. Yung 'That Thing Called Tadhana'. Tawa nga kami nang tawa sa part na nagbabawas ng gamit si Angelica. Well, except Jester na mukhang tulog na sa kabilang sofa. Tabi kasi kami ni Ate Jade dito sa isang sofa.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon