Part Eleven

202 6 0
                                    

Allystaire's POV

Parang gusto kong magkaron ng camera ang mata ko sa tuwing makikita ko siyang ngumiti. Unang una, madalang siyang ngumiti. Pangalawa, hindi ko na alam basta nakakatulala.

"Matapang ka?"

"O-Oo naman! Kaya ko na nga kanina. Sadyang dumating ka lang."

"Tss. You can't even get off him." He tucked his hands in his pocket while looking at me.

"E-E kasi malakas siya!"

"Why are you here kasi?" Tanong niya at ipinasok na naman ang kamay sa mga bulsa niya. Hala siya... Why are you here kasi? Bading.

"May pinapakuha sakin si Ma'am." Kamot-ulo kong sagot.

"Tara." Tuloy-tuloy lang siyang naglakad kaya sumunod na ko. Tumigil siya sa harap ng faculty. "Bilis." Masungit niyang sabi.

Nang makuha ko na yung class record ay lumabas ako agad, ni hindi nagbago ang pwesto ni Jester nang madatnan ko siya.

Bakas sa mga mukha ng mga kaklase namin ang panunukso. Lumapit ako kay Ma'am at inabot ang class record. "Thanks." I bowed a little.

Pinagpatuloy ko na ang pagsulat ng essay nang bumalik ako sa upuan ko. Hindi naman sa sobrang hirap nitong paggawa ng essay kaya lang parang wala ako sa mood sa pag-isip ng mga ganito ngayon.

"Okay, I'll go ahead. Class dismissed." Ma'am declared. Tinupi ko ang papel ko at isiningit sa libro. Mamaya ko na gagawin to sa bahay tutal tingin ko ay sisipagin ako mamaya.

Inulit ko ang pagkakatali ng buhok ko. Lagi akong nakatali kasi ang banas tsaka maaliwalas kapag ganun. Pero minsan minsan naman, naglulugay ako.

"Aww I really like your hair!" bati ni Raizza sa buhok ko. Kulot ako at malambot ang buhok ko. Minsan lang ito magbuhaghag kapag di maganda ang nagamit kong shampoo o conditioner. To na nga lang maganda sakin, pababayaan ko pa ba? Tapos nagpabango ako ng cologne. Hindi ako gaanong mahilig sa mga perfume. Ang tapang e. Tsaka nakakatamad mamili. E yung cologne na gamit ko, alam ko na yun mula bata pa ko. Kaya mabilis kong nabibili.

"Staire, pengeng pulbo!" sabay kuha niya ng pulbo ko. Si Marcy, hindi siya ganoon ka-kikay tulad ni Ange pero concious siya sa katawan niya.

"Pano pa ko tatanggi e kumuha ka na?" Sarkastiko kong tanong kay Marcy.

"Hehe sorna. Mabait ka naman diba?" Tugon niya.

"Penge." Biglang dating ni Ange. Si Ange naman, siya ang kikay sa aming tatlo. Mahilig siyang mag-dress o di kaya yung talagang maporma.

"Ate sino ka?" Seryoso kong tanong sa kanya na kunwaring lumalayo-layo pa.

"Kilala ka po ba namin?" si Marcy.

"Marcy, tara na. Ate di ka po namin kilala." Ngumuso si Ange.

"Letche kayo." Usal niya.

"Pero sino ka nga?" Biro ko pa.

"Ano ba." Sabay sabay na naman kaming lumabas. Marami pa rin ang nagbubulungan dahil nga sa lagi naming kasama sina Matt at Jester pero wapake. Kebs lang.

"Staire." Pagtawag sakin ng isang pamilyar na boses. Yung boses pa lang, ang gwapo kainis. Tumingin ako sa kabilang dulo. Magkabilang dulo kasi yung pwesto namin. Huh? Bat biglang nawala yun?

Baka naman imagination ko lang na tinawag niya ko? Maglalakad na sana ako ulit pero di ako nakaalis. Naiiwan yung bag ko e suot ko yun. Nilingon ko ang likuran at nagulat. Nakatingin lang siya wearing his usual poker face.

"Sus tara na, intayin nalang natin yang dalawang yan sa baba." Nanunuksong sambit ni Ange na niyayaya sina Matt at Marcy.

Hawak niya yung bag ko kanina kaya di ako makaalis. "Bag mo bukas." Sinilip ko iyon pero sarado. "Tss syempre kanina." Masungit na sambit niya. "Nasara ko na."

"A-Ah okay." Tanging nasagot ko. Naglakad siya ulit at naiwan ako. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Pero bigla siyang tumigil at lumingon ulit sakin. Bumuntong hininga siya saka lumapit sakin at hinila ang bag ko.

"H-Huy!" Mahinang sigaw ko habang kinakaladkad niya ko.

.
.
.
.

"Tara na, di kita iiwan."

Tara na. Di kita iiwan.

Tara na. Di kita iiwan.

.
.
.
.
.

"Ay aray." Pag-aray ko nang medyo bumangga ako sa bench. Dun nalang ako bumalik sa reyalidad na hinihila niya parin ako sa bag. What a gentleman.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon