Part Fifty

202 3 0
                                    

Allystaire's POV

Ilang araw na din simula nang kumpleto at maayos na ang barkada. Magkikita-kita kami mamaya dahil manlilibre daw si Matt. Pero bago yon ay tutulungan muna namin siyang mag-ayos ng surprise niya. Monthsary na kasi nila ni Marcy.

Papunta ko ngayon sa restroom para magbihis. Friday ngayon at PE class namin kay Sir Mark. Sobrang tinatamad ako today. Mabigat ang ulo ko at gusto ko nalang magpahinga. Nakalimutan ko pa yung medicine kit ko. Nandoon yung paracetamol ko. Akala ko dahil lang sa gutom to pero pumuslit na ko kanina sa English class para pumuntang canteen, nahihilo pa din ako at parang nasusuka. Buntis ata ako.

Paglabas ko ng cubicle ay saktong nakita ko si Marcy. Kaklase ko nga pala siya sa PE ngayon. "Staire! Papunta ka na sa gym? Si Andre? Kasabay mo?" Tanong niya habang pumapasok sa isang cubicle. Kaklase din nga pala namin si Andre ngayon. Err talagang wala ako sa hulog ngayon.

"Oo pero di ko kasabay si Andre."

Ayan na naman, parang may umaakyat mula sa tyan ko papunta sa bibig ko. Na wala naman talaga. Nahihilo ako. Pero dapat pumunta ako sa PE class ngayon dahil baka mamaya may mahalagang performance ito.

"Sasabay sana ko e. Sige na, pakisabi din kay Sir Mark na malelate ako ng konti. Time na kasi e." Hindi na ko sumagot. Lumabas na ko ng restroom at naglakad na patungong gymnasium. Ang sarap iuntog nitong ulo ko. PE pa mandin ang subject tapos ganito ako.

"Pst." Lumingon ako sa likuran pero wala namang nakatingin sakin. Ako ba yung tinatawag? Baka naman hindi.

Nang umikot na ako ay napahawak ako sa dibdib ko dahil nasa harap ko na bigla si Jester.

"Aa nakakagulat ka." Sambit ko. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin gamit ang the famous poker face niya habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa niya. Anong problema nito?

Lalo akong naconcious dahil tumagilid ang ulo niya na parang ineexamine ako. "H-hoy, nakaka-concious na ah bakit ba?"

"You look pale."

"Ah, wala to. Masama lang pakiramdam ko. Sige na, may klase pa ko." Naglakad na ko palayo pero may nadidinig akong footsteps sa likuran ko. "Oh? Bat ka sumusunod?" Tanong ko at nagpamewang. Kahit may sakit ako ay hindi mo masyadong mahahalata sa kilos ko. Kapag nilalagnat ako ay nagagawa ko pa ding tumakbo. Maliban nalang kung masama talaga yung pakiramdam o lagay ko.

"Just go to your class." Ma-awtoridad niyang sagot kaya ginawa ko nalang. I smiled inwardly dahil nakakausap ko na siya gaya ng dati. Pero nakakalimutan ko ata na may 'Eunice' pa.

Nakarating na ko sa gym at buti nalang hindi pa sila nagsisimula. Nakita ko si Andre pero nakatingin siya sa likuran ko. Nang tingnan ko kung ano yon ay si Jester pala. Bakit ba siya nakasunod?

"Una na ko." Paalam ko kay Jester. Baka wala lang siya magawa at gusto niya lang maglibot.

Lumapit na ko kay Andre at ngumiti. "Huy! Earth to Andre!"

"Bakit late ka?" Tanong niya sakin at inakbayan ako.

"Ang bagal ko kasing kumilos kanina habang nagbibihis. Ano? Nagsimula na kayo?"

"Hindi pa. Nag-attendance lang. Don't worry, nasabi ko na kanina kay Sir na late ka lang." He smiled.

"Ah okay." Sa tuwing naka-akbay si Andre sakin, nanliit talaga ako.

"Dy!" Tawag sakin ni Sir Mark na katabi ngayon ni Jester. Bakit sila magkausap?

"Tara Andre." Pagsama ko kay Andre. Nag-lakad takbo kami palapit kay Sir.

"Ser." Tugon ko.

"Excuse ka ngayon sa klase ko. Mr. Vandorpe told me to excuse you. May sakit ka daw. And I can see it dahil maputla ka nga."

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon