Part Seventy Two

135 3 0
                                    

Allystaire's POV

3 weeks na simula nang bumalik si Jester sa States. Halos 3 weeks na din na hindi ko nakikita si Andre. Ang sabi ni Ange ay bumalik muna si Andre sa Canada. Kamusta naman kaya yon? Sana hindi siya galit sakin. Tinry ko siyang ichat kanina pero hindi siya nangse-seen.

Umuwi din muna kaming tatlo dito sa probinsya. Si Matt, ayon nag-fly muna sa States dahil pinapauwi saglit ng Mommy niya.

ting!

From: Marcy
Uy nag-chat sakin si Jes. Bat daw di ka nagrereply

-ANG MAHAL MAHAL NG LOAD PAG LONG DISTANCE KAMO BUSET
-Neng pakisabi sa messenger nalang mamaya kasama ko sina Mama e

Hahahaha sige sige.

Binilisan ko ang pagkain ko at nagpaalam na para pumunta na sa kwarto ko. Sabi ko ay inaantok na ko kahit hindi talaga. Agad akong humiga at binuksan ang data ko. May message nga si Jester. Buti active now siya.

Jester: Hey

Allystaire: soul sister

Jester: silly

Allystaire: Aanhin mo ang silly? Maanghang yon

Jester: Stop it baby

Saglit akong nanigas dahil sa pagtawag niya sakin ng baby.

Allystaire: Kamusta pala kayo ni Eunice?

Bigla ko lang naisip itanong. Saka hindi ko din alam ang irereply ko sa 'baby' niya.

Jester: She's too kind I don't want to hurt her.

For a second, kumirot yata ang puso ko. Siguro nga syempre special din si Eunice para sa kanya. Naisip ko din na parang ako si Jester dahil ganoon din ako kay Andre.

Allystaire: Alam ko

Jester: She's crying

Allystaire: Bakit?

Jester: I've been ignoring her since we came back here

Allystaire: Kausapin mo siya

Jester: I will. Don't worry

Tinitigan ko saglit ang nickname namin sa isa't isa. Ang plain. Noon kasi, tinanggal ko ang nicnkame namin sa isat isa na kapre at dwende. Ewan nainis lang ako nang sineen niya lang ako nung binati ko siya sa birthday niya. Ano kayang pangalan ko sa contacts niya? Love yung sa kanya tapos yung sakin baka Staire lang. Ngumuso pero biglang nanlaki ang mga mata ko.

Bigla kasing nag-request ng video call si Jester at bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ngayon lang kami magkikitaan ng mga mukha mula noong umalis siya. Mabilisan kong pinunasan ang mukha ko gamit lamang ang kamay ko yae na kung ano man ang itsura ko ang mahalaga hindi masyadong oily. Bumilang ako ng tatlo bago ko inaccept.

Napakagwapo na naman niya as usual. Naka-white shirt lang siya at medyo gulo pa ang buhok niya. Mukhang nasa kama na siya tulad ko. Kinagat ko ang labi ko dahil parang nahihiya ako matatawa na nga yata ako. But I have to act normal. Umaga doon at gabi naman dito.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon