Part Fifty Three

156 2 0
                                        

Allystaire's POV

"Babye!" Masigla akong kumaway habang sumasakay si Jester sa kotse na sundo niya. Pinanood ko lang lumayo yung sasakyan hanggang sa hindi ko na iyon nakita. "Hmp, hindi man lang nagbabye." Kunwaring nagtatampong sabi ko.

Napahawak ako sa lips ko. Yung first ko, wala na. Kaya lang, first year college pa lang ako. Tapos may first kiss na ko agad? Hindi naman ako katulad ng mga haliparot na grade seven pa lang e may kahalikan na jusmiyo.

Pumasok na ko at humiga sa sofa. Itinaas ko din yung mga binti ko saka inalala yung mga nangyari kanina.

Hindi mo talaga maiintindihan ang mood swings ni Jester. Minsan, dedma lang siya o magsusungit pa pero papunta punta naman dito at mag-aaya sa kung saan na akala mo e close na close kami. Nasa gitna ako ng pag reminisce ko nang nag-ring yung phone ni Andre. Nilagay ko na din nga pala yung sim ko dito.

"Ange."

"Staire? Staire. We need you right now. Please, Andre needs you." Umiiyak na sabi ni Ange. Nag-panic ako bigla at napabangon.

"B-Bakit? Anong nangyari sa kanya?" I panicked.

"Dito, sa apartment namin. Please punta ka dito. Sayo lang yun makikinig e. Ayaw niya ring kumain. Iyak lang siya nang iyak."

"Bakit ba? Anong nangyari?!" Tumayo na ko at ni-lock ang bahay. Saka ako lumabas at pumara ng taxi.

"H-His sister passed away. Kanina lang. Si Holly." Napatakip ako ng bibig. Si Holly yung nakababatang kapatid ni Andre na matagal nang nasa hospital dahil sa cancer. Sinama ako dati ni Andre para bumisita. And Andre loves her so much.

Dali-dali akong nagbayad at bumaba ng taxi. Tumakbo ako papasok ng apartment nila.

"Andre?" Kumatok ako at ilang sandali lang ay pinagbuksan ako ng pinto ni Leila, yung isa pa nilang pinsan na kasama dito sa apartment nila. "Nasan siya?" Tanong ko kay Leila.

"Nasa taas." She sadly smiled. Umakyat na ko at nakita ko si Ange na nasa upuan sa labas ng mga kwarto. Nilapitan ko siya.

"Staire." Sambit niya habang hawak hawak ang mga kamay ko. Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ni Andre at kumatok.

"Andre. Ako to. Pwede ba kong pumasok?" Inintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig. Tiningnan ko si Ange saka dahan-dahang pinihit ang doorknob hoping na hindi ako pipigilan ni Andre.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig sa gilid ng kama niya. Dahan dahan akong tumabi sa kanya. Iniharap ko ang mukha niya sakin at bigla nalang siyang umiyak. Isinandal ko ang ulo niya sa may balikat ko.

"Sh-She left me." Gumagargal ang boses niya.

"Shh. Ayaw niya nang nakikita kang ganyan." Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Ni wala nang nagsasalita. Yakap yakap niya lang ako. Hindi pa din siya tumitigil sa paghikbi hanggang ngayon. Ang alam ko lang, kailangan ako ngayon ni Andre. Bigla kong narealize na... Ang sama ko. Nakakalimutan ko na si Andre.

Hindi ko na siya nasasamahan. Ni hindi ko na kami nagda-'date'. Naiinis ako sa sarli ko. Masyado yata akong nalilibang kay Jester.

"Sorry ha. Babawi ako sayo, pangako. Pag okay ka na, magdedate tayo ulit. Okay? Tayong dalawa lang." Naluha na ko pero pinunasan ko agad iyon. Tumango-tango lang siya at medyo tumatahan na siya. Nalulungkot ako para sa kanya. Alam kong sobrang mahal na mahal niya si Holly kaya sobrang sakit nito para sa kanya. "Kumain ka na. Kukunin ko lang yung pagkain mo." Tatayo pa lang ako pero hinawakan niya yung kamay ko at tumingin sa mga mata ko. Grabe. Parang binibiyak ang puso ko.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon