Part Ninety

117 1 0
                                    

Comment down kung ano sa tingin nyo desisyon ni Andre.

Suko na ba talaga siya o hindi pa?

Please comment down below.

**

Allystaire's POV

Hindi muna ako sumama kay Jester sa kompanya dahil nagpasama ako kay Yaya Matilda na mamili. Gusto ko sanang magluto para kay Jester. Siya nalang lagi yung nagluluto kaya ako naman ngayon.

Naisipan kong magluto ng may sabaw. Nabanggit kasi ni Jester noon na minsan lang siya kumakain ng sinabawan. May isang shop kaming nakita na nagtitinda ng filipino goods kaya swerte. Yung ibang ingredients na wala doon ay pinaltan ko nalang ng kung anong meron sa grocery store. Sana masarapan siya.

"If you need help, just call me okay?" asked Yaya Matilda. Ayokong tawagin siyang Matilda lang kasi hindi ako kumportable. Mas matanda siya sakin at sanay ako sa nakasanayan ko sa Pilipinas. Tumango nalang ako at ngumiti bilang sagot.

Sinuot ko yung apron na bigay ko kay Jester. Tapos tinali ko yung buhok ko. "Okay, let's go." Bulong ko sabay palakpak ng dalawang beses.

At dahil hindi ko forte ang pagluluto ay ilang beses akong napaso. Pawis na pawis na din ako pero binalewala ko na. Kailangan kong pag-igihan to dahil para kay Jester to. Nilagay ko na yung pinalambot kong noodles tapos dinagdagan ko ng konti pang vetsin. Kumuha ako ng isang kutsara ng sabaw non at tinikman. "Mm." Masarap na :)

"Are you alright?" Tanong ng dumadating na si Yaya Matilda.

"I'm done. Uh, here." Naglagay ako ng konti sa isang maliit na bowl at inabot sa kanya. Nakangiti niya iyong tinikaman. "How is it?"

"Mm, it's good! Jester will surely like it." Ngumiti ako ng pagkalaki-laki.

"Sana nga este I hope so."

Tinulungan na niya kong magligpit ng pinaglutuan ko. Tapos naglagay na ko sa lunch box kasi dadalhin ko to sa company susunod ako kay Jester.

"Staire?" Agad akong lumabas nang marinig ko ang boses ni Tita Bettina.

"Tita. Ang aga nyo po ngayon." Nag-bless ako sa kanya.

"Well, I'm with your Tito. We decided to take a day off." She smiled.

"Mabuti naman po." Ngumiti ako at bumless na din sa dumadating na si Tito Jesse. Nilabas ko yung tinabi kong sinabawan na para sa kanila. Nagustuhan naman nila mabuti nalang, kinabahan ako don.

Mabilis akong nagbihis at kumuha na ng cab. Thirty minutes nang makarating ako sa kompanya.

"Staire?" Lumingon ako sa gilid at nakita ko si Miguel. Nakakapanliit lalo tumabi sa kanya, mas matangkad siya ng kaunti kay Jester eh 6'2 si Jester.

"Miguel."

"Looks like you brought him food. Go ahead. Faster." He smirked. Parang may gusto siyang sabihin. Parang warning pa nga e. Dahil don, hindi ko alam pero binilisan ko ang lakad ko patungo sa elevator.

"She's Mr. Vandorpe's girlfriend, isn't she?" Hinihipan ko ang konting buhok na humaharang sa mukha ko. Kainis to pagkuwentuhan lang ako hindi nalang bumulong.

"That's what I thought. But what is Eunice doing here suddenly?"

I clenched my fist. Siguraduhin lang talaga ni Eunice na wala siyang ibang intensyon sa pagpunta dito dahil nako. Inunahan ko na sa paglabas yung dalawang chismosa at mabilis na naglakad patungo sa office ni Jester.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon