Allystaire's POV
Ngumiti ako at napaikot ikot. Marunong na ko! "Jester! Marunong na ko!" Tuwang tuwa kong sambit. Si Jester, nakatayo lang sa may counter at bitbit yung hoverboard na blue. Mabilis akong bumaba mula sa hoverboard at lumapit kay Jes nang marealize kong wala akong pambayad nito.
"Wala akong pambayad." Sambit ko ngunit hindi siya sumagot at sumakay lang sa hoverboard nito.
"Bayad na. Now let's go." Hindi na ko nakaimik at dali-daling sumakay na sa hoverboard na red at sinundan palabas si Jester. Mabilis ko naman siyang nakita.
Nakakamangha, hindi ko akalaing marunong na ko nito. Kanina kasi ay napipikon na ko sa sarili ko dahil ang hirap hirap.
Ngayon ay magkasabay kami ni Jester na naglilibot ngayon sa mall habang nakasakay sa hoverboard. Para sakin, sweet tong tingnan. May ilang tumitingin sa amin kaya medyo nakakailang pero dinedma ko na lang. Ilang sandali pa, naisipan kong bumili ng waffle sa Waffle Time. Hinila ko yung sleeve ng polo ni Jester.
"Bili tayo ng waffle. Gusto mo? Libre kita." Hindi na naman siya sumasagot. "Ano? Tara na. Nakakatakam na yung amoy oh. Saka ikaw ang nagbayad nitong hoverboard. Kahit man lang dito, makapagbayad ako." Dugtong ko. Hindi pa rin siya sumasagot kaya hinawakan ko na yung kamay niya at hinila. Chumachansing na din ako. Pero naman kismo sa kamay ako nakahawak. Bale ang hinihila ko e yung hinlalaki niya.
Bumili ako ng limang waffles na hotdog ang laman. Pagkatapos kong bumili ay inabutan ko si Jester ng dalawa.
"Don't be shy to give me three that means I love you." He smirked. Parang ngayon ko lang siyang nakitang nag-smirk o hindi?
"Ang kapal naman ng apog mo." Mahinang sagot ko. Pagkatapos naming ubusin yon ay sumakay na ulit kami sa hoverboard. Bumaba kasi muna kami at umupo sa hagdan habang kumakain. Bigla ko namang naalala yung apat. Naiwan nga pala sila. "Jester tapos na ata yung movie. Di pa ba tayo babalik?" Tanong ko.
"Ayoko pa." Walang emosyon niyang sagot at umabante na kaya sumunod ako.
"Bakit ayaw mo pa?" Tanong ko pa. Napatigil naman siya.
"Tss. Don't you want to be with me? Ayoko pa ngang bumalik." Sagot niya ng may bahid ng inis.bAnong problema niya? Nagtatanong lang e. "What's funny?" Pagsusungit niya nang makitang nakangiti ako.
"Wala. Tara, libot pa tayo." Hinila ko na siya sa braso.
"Look oh. Ang cute naman nung couple!" Dinig kong sabi ng isang babae sa may gilid. Nagdiwang ang mga lamang-loob at puso ko dahil sa narinig ko.
Binitiwan ko na si Jester at nagpatuloy sa pag-abante. Hindi ko naman masabing paglalakad e dahil nakasakay kami dito sa bagay na to.
Nag-vibrate yung phone ko bigla. Actually kanina pa to. Hindi ko lang pinapansin. Istorbo sa amin e.
"Jester/Staire!" Sabay kaming lumingon ni Jester sa likuran. Nandyan na pala ang mga damuho. Lumapit kami kasabay nila na lakad-takbong papalapit din samin. Bumaba na si Jester sa hoverboard at binitbit yon at ganun din ako.
Ang lakas naman makapang-libre ni Jester. Parang wala lang sa kanya na nagbayad siya nito.
"Woah. Nawala lang saglit, may hoverboard na." Matt said.
"I knew it! Magkasama kayo." Nakangisong saad ni Ange na dinuduro pa ko. Sasagot na sana ko nang si Marcy naman ang nagsalita. Hindi ba ko pwedeng magpaliwanag?
"Pupunta kunwari sa restroom si girl tapos susunod na si boy tapos tatakas na."
"Mga ulol. Hindi ganon yon." Sagot ko sa kanila. Napalingon naman ako kay Andre na walang imik at pangiti-ngiti lang sa tabi ni Ange. Yung mukha niya parang naiilang. Nang mag-alas sais na ay napagdesisyunan naming umuwi na din since tinatamad na din kami.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)