Part Seven

313 9 2
                                    

Allystaire's POV

Kinabukasan, pinayagan din ako ng doktor na pumasok. Pero may benda pa rin. Para tuloy akong timang. Habang nagkaklase si Ma'am Gessa, wala akong gana. Ayoko talaga sa history. To be honest, mababa ang grades ko sa history. Sa iba ako bumabawi lalo na sa Math at English. Kunwari, nagte-take notes ako pero ang totoo, kung anu-ano lang ang isinusulat at idina-drawing ko.

"Allystaire, okay ka na?" Biglang tanong ni Ma'am.

"Opo." Sagot ko.

"Mabuti naman." Ngumiti nalang ako.

*kriiiiiiiing*

Ayan na. Ayan na ang tunog na pinakahihintay ng lahat. Ang tunog na makapagpapalambot ng mga puso ng bawat isa. Ang tunog na nagpapangiti sa mga---

"Huy, tara na!" Marcy I got back to reality nang sampalin ako ng mahina ni Marcy at sinabing papunta na.

"Ayan na." Tinabi ko na yung notebook at libro ko saka sumunod sa kanila-- Bat kasama namin yang dalawa? Nevermind. Tumakbo ako ng bahagya para makahabol sa kanila.

"Ang epal nung tatlo."

"Oo nga. Bakit kasama nila si Matthew and Jester?"

"They're friends, sabi nung kaklase nila."

"I see, si Jester din daw ang nagdala dun sa maliit sa clinic?"

"Oo daw e. Kainggit."

Nakakainggit bang tumama ang ulo mo sa pader ng pagka-lakas lakas?! Sapakin ko kayo e.

Humanap kami ng table at mabilis naman kaming nakaupo. Katabi ko si Ange at Marcy tapos kaharap namin yung dalawa. Katapat ni Marcy si Matt at kaharap ko naman si Jester.

"Si Jester at Staire na ba?"

Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko. Si Jester naman, natigilan lang sa narinig mula sa kabilang table.

"Maybe, did you see their pic together? Yung pinost ni Matt!"

"Ah oo, binuklat ko isa-isa yun at nakita ko nga."

Napaka-chismosa ng mga tao e, noh? Lahat nalang, pinag-usapan. Baka maging famous ako nito.

Weeks passed. Lagi kaming magkakasama. Kami nina Ange at Marcy... At sina Matt at Jester. Pero, hindi pa rin makausap ng matino si Jester. Psh. Kasalukuyan andito sa gymnasium ang buong section namin dahil PE namin ngayon. Iniintay nalang namin si Sir.

Lumayo muna ako sa kanila at naisipang manood sa mga juniors na nagvo-volleyball. In fairness, magagaling ang mga lalaking to. Nakaka-dig ang karamihan para lang hindi lumapat ang bola. Nakakatakot pa yung mga mukha habang naglalaro. Yung isa, mukhang lumaklak ng suka. Pero yung isa naman, naka-poker face. Parang si Jester lang. Baka isa pa tong 'tss' boy.

Bigla namang nag-spike yung mukhang lumaklak ng suka. Wow ang lakas nun ah. Pero hindi ko napansing sakin papunta ang bola. Papikit na sana ko pero may humarang sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sinalo niya ang bola gamit ang mga kamay. Saka pumihit paharap sakin.

"Matatamaan ka na naman." Medyo masungit ang tono ng boses niya.

"J-Jester." Nauutal kong sambit dahil bahagya akong nagulat sa di maipaliwanag na dahilan.

Humarap ulit siya sa juniors sabay bato ng bola. "Crap, man!" Sabay alis ni Jester.

Speechless. Nilingon ko ang mga kaklase namin at nakangiti sila ng nakakaloko. At tuluyan nang kumawala sa mga labi ko ang ngiti ko. Puta.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon