Part Fifty Eight

191 3 2
                                    

Allystaire's POV

We're so happy that second semester finally will end soon. Second year na kami next school year! Grabe ang bilis lang. Nagcelebrate kami noong isang araw. Nalaman ko din na next school year ay babalik na ulit si Jester sa States.

Nakalimutan kong isang semester nga lang pala siya dito. Hindi ko maiwasang malungkot lalo at makakasama na niya ulit si Eunice don.

Tatlong araw nalang din bago ang birthday ko. Usually excited ako pero ngayon parang gusto ko nalang humiga sa kama ko at matulog.

Next week naman ay pagtatapos na ng semester. I still can't believe na natapos ko na ang first year ko sa college and I was independent dahil wala sina Mama at Papa para maging kasama ko sa bahay.

Umupo ako sa dining area at kumain ng waffles. Dinalhan ako ni Andre kagabi at sobrang na-appreciate ko yon.

"Yoohoo!" Tawag ng isang boses sa labas. Tumayo ako para buksan yung gate.

"Ate Jade?" Ngumiti lang siya. "Pasok, Te." Umupo kami sa dining table at pinakain ko din siya ng waffles. Pati ang pagkain niya ay napakaganda. Bakit ang pangit ko?

"Uh I came here to give my gift, personally." She smiled like she can't keep her feelings.

"Ha? Three days pa Te." Tugon ko.

"I know. Ibibigay ko na kasi tomorrow, I have to fly back to New York. Then I'll go home sa States." I pouted. "Aww don't be sad. Oh wait." May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin yon. Literal na nalaglag ang panga ko.

"Did you like it?" Humalumbaba pa siya sa table.

"A-Ate Jade." Nauutal kong sambit.

"Sabi sakin ni Ange and Marcy, dream mo daw ang makapunta sa Seoul. So, I got you that." Tumitig ako sa plane ticket na hawak ko.
"Ate Jade thank you." Maluha-luha kong sabi.

"You're welcome! Alam mo naman e. Love kita." She hugged me.

"Mas love kita, Ate!" Ultimate dream ko talaga ang makapunta sa Seoul. Bata pa lang ako ay pangarap ko na yon kasi yung perang gagastusin ko don ay pambayad ko na sa tuition. Mabuti nalang at hindi pa mae-expire ang passport ko. Kaya lang naman ako may passport a or pumunta kami dati sa Singapore para dumalo sa kasal ng pinsan ko. Nirerenew lang namin para in case of eklabu.

Tumayo ako at niyakap ng mas mahigpit si Ate Jade. "Thank you ulit Ate! Kahit mag-isa lang ako, siguradong maeenjoy ko pa din yun!" Nag-thumbs ako at bumalik sa upuan ko.

"Oh. You won't be alone." She smirked.

"Kasama magulang ko?" Nagtataka kong tanong.

"Uh sorry pero no e. Dalawa lang kasi nabili kong tickets. Is that okay?"

"Ano ka ba, Te. Maiintindihan nila na hindi ko sila kasama ngayong birthday ko. Third time na kaya to. Saka alangang magpabili pa ko sayo ng ticket?" Tumawa ako. "Sinong kasama ko? Ikaw ba? Waaa--" Yayakapin ko na sana siya pero hinawakan niya ko sa kamay.

"Baby sis hahaha wait. Hindi ako."

Nagsisimula na kong kabahan. Inaamin kong iniisip ko kung si Jester ba ang makakasama ko.

"Jester will join you." Ate Jade patted my head. Nalaglag ang panga ko. "I'm so excited!" She squealed. Makakasama ko s-si J-Jester sa Seoul sa birthday ko. Pucha ano pa bang hinihintay natin nasan na ang eroplano?!

"Hey, pag sinaktan ka niya don, lagot yang Jester na yan sakin." Bulong sakin ni Andre habang hila-hila yung maleta ko.

"OA mo." Tinulak ko siya ng mahina pero tumawa lang siya.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon