Part Eighty Three

107 1 0
                                    

Allystaire's POV

Ngayong linggo ay binisita ako nina Marcy at Ange. Sinasabi nila na hindi daw ako kasing sigla ng dati. Si Andre naman ay hindi nila kasama dahil nasa Canada na ulit para tapusin ang kanyang master's degree.

Noong magpakita siya ulit sakin ay saglit lang ang itinagal niya rito sa Pinas. Hindi naman na siya nagpapakita ng mga bagay sakin katulad dati kaya nakumpirma ko na nakarecover na siya at wala na siyang nararamdaman sakin. Mabuti na iyong ganon.

"Gusto mo bang tawagan ko na sina Tita Jean?" asked Ange. Mabilis akong umiling.

Nang grumaduate si Jester, hindi ko alam na nagpunta siya sa probinsya. Kinausap niya sina Mama at Papa. Inamin niya na nanliligaw siya sa akin. Hindi naman nagalit sina Mama.

Pinaalalahanan lang nila ko na maging mature sa pag-iisip ng mga bagay bagay at desisyon. At ang totoo daw ay mukhang mabait si Jester at matino. Nagulat nga ako dahil dati daw noong high school pa lang kami ay napansin na nilang may gusto ako kay Jester. Pero proud daw sila dahil alam ko ang limitasyon ko at priorities.

Ngayon ay nandito na ako sa office ni Mr. Ballesteros para ipasa ang plates ko. Pinagpuyatan ko tong plates na to nagkasakit pa ko. "In a month, gagraduate ka na Staire. Congratulations."

I smiled. "Thank you po, Sir."

"I've been eyeing on you since last year. May potential ka."

Umuwi ako sa bahay at agad na humarap sa laptop ko. Hindi siya online. Naisipan ko nalang na panoorin ang mga pictures namin. Namimiss ko na talaga siya.

A notification suddenly appeared. Galing kay Eunice. Nakakapagtaka naman. Ngayon lang yata kami magkakausap ulit.

I opened our conversation pero... mga pictures nila ni Jester ang nakita ko na sinend niya. Mayroon silang selfie kung saan nakaupo silang dalawa sa isang sofa. Meron din na kasama nila si Matt. May napansin pa akong isang nurse sa likod nila.

Bakit kailangan niya pang isend yan mismo sakin? Nananadya ba siya? Baka gusto niyang iwagayway ko ang petite niyang katawan?

But I sighed. I feel like I just lost. Pero syempre hindi.

Kasama ni Jester si Eunice sa States. Si Eunice ang nandoon ngayon para samahan siya i-imbes na a-ako. Pumikit ako ng mariin dahil sa naiisip ko. Dapat ako yun e. Dapat inaalagaan ko siya ngayon. Kailan pa niya nakakasama si Jester sa States? Bat hindi sinasabi sakin ni Jester?

I have a gut feeling na gusto niya pa si Jester hanggang ngayon. Ang mga babae kapag may hinala, madalas tama. Lalo na kung nararamdaman talaga nila.

Cinlick ko ulit yung selfie nilang dalawa. Tangina Eunice hintayin mo ko dyan gagraduate na ko, ako na ulit sa pwestong yan.

Another week passed. Jester sent me a message and I quickly opened it.

How are you little girl? I want to attend to your graduation day but I can't. I'm still excited though. Because finally sasagutin mo na ko. Won't you?

And about Eunice. Napag-usapan na namin ang tungkol sa nangyari noon. She said she was hurt but she's okay now and she's happy for us. She came last week. Concerned lang siya so she always come here to visit me. She's still a friend. Pero kung hindi okay sayo, I can tell her to stop. But I'm assuring you I'm not doing anything. You are the only one, Staire. Been loyal.

Don't worry about me. I'm taking care of myself. I'm afraid you'll kill me instead kapag hindi ko iningatan ang sarili ko. Okay naman ako, trust me I know. I'm not malala.

We couldn't talk much because your day is my night and, my day is your night. I miss you so bad so get here quick. I'm not as patient as what you think I am.

Agad akong nagreply.

-Jester! Nakakamiss ka naman e. Sayang nga wala ka sa graduation ko. Pero syempre mas gusto ko na nandyan ka at nagpapagaling. Wag ka ngang excited sa 'oo' ko haish ano ba hahaha.

At kay Eunice naman. Ayoko sanang magsalita ng masama kasi mabait naman talaga siya pero iba lang kasi ang pakiramdam ko. Pero sige para sa'yo nevermind. Naiintindihan ko na nandyan siya palagi. Kahit hindi talaga okay sakin. Sige lang, para may nagbabantay sa'yo.

Kung pwede ko lang languyin yang America nilangoy ko na e. Kaya lang baka mangitim ako.

At kung usapang loyal naman, e ako pa din ang panalo. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Miss na miss na kita gago nababaliw na nga yata ako nakikita kita palagi pero hindi pala.

Niyakap ko si Mama at si Papa nang nakangiti. Teary-eyed na nga si Mama ang iyakin talaga. "May archi na kayo!" I laughed. Today is my graduation day. Finally.

Kagabi, I told them everything. Pati yung tungkol sa sakit ni Jester. Naintindihan nila ko kaya pumayag sila na pumunta ako sa States. Aasikasuhin ko lang mga kailangan ko para masundan ko na si Jester.

Inayos ko ang toga ko at tumakbo kay Mama. Kinuha ko ang picture frame na may litrato ni Jester sa bag niya tapos pumwesto ako para magpapicture kay Ange. Pumose ako ng iba-iba habang hawak pa din ang picture frame. Isesend ko kay Jester yung mga pictures.

"One, two, three!"

Umuwi kami at nag-celebrate sa apartment kasama sina Ange at Marcy. Magsle-sleepover din sila dito.

Alas onse na ng gabi ng magdecide na sina Mama at Papa na magpahinga na. Hindi muna ako sasama sa kanila pauwi sa probinsya sa isang araw. Kami namang tatlo ay nagbihis muna at tumambay dito sa labas ng gate. Umupo kami sa bench nang tabi-tabi. Sa gitna ako pumwesto.

"Nakakatuwa kayo ni Jester e noh? Ang loyal niyo sa isa't isa kahit hindi official." Ngumiti ako sa sinabi ni Ange. "You know he's the one if he's loyal when it's unofficial." She added.

"Sana nga lang hanggang dulo yon." Biro ni Marcy.

"Ako sigurado akong wala na kong mamahalin pang ibang lalaki. Si Jester lang. Sana ganon din siya." Sambit ko.

"Ano ka ba. Sigurado ako ganon din siya sa'yo. Trust him." Ange comforted me.

"Kitang kita naman na mahal ka niya e." Dugtong naman ni Marcy.

"Tiwala ako sa kanya pero kay Eunice wala." Diretso kong sagot. "Swear ayaw ko talaga siyang pag-isipan ng ganon dahil napakabait niya pero hindi ko naman maiwasan. Iba pakiramdam ko e."

Nandito na ko ngayon sa loob ng eroplano. Inayos ko ang neck pillow ko and a love song is playing on my earphones. Mahabang byahe to. Nakatigil pa ang eroplano pero parang ang sama na ng pakiramdam ko. Ganito talaga ko sa tuwing bumabyahe pero hindi naman ako nagsusuka.

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong may umupo na sa katabi ko. Isang batang lalaki na parang ang putla putla. Tumingin siya sakin at ngumuso.

Ngumiti ako. "Hello."

"Hello din." He answered with a blank face.

"Sino kasama mo?" Tinuro niya ang katapat na upuan. Mukhang mga magulang niya. "Ako pala si Staire."

"Lance." Kahit na suplado siya ay natutuwa ako.

"Ang gwapo gwapo mo naman." Ngayon ay ngumiti na siya. Naalala ko si Jester sa tono ng pananalita niya. Walang emosyon magsalita. Pero ngumingiti din naman pala.

After ten minutes ay nag-take off na ang eroplano. Nag-unat ako saglit at saka pumikit. See you, Love.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon