Part One Hundred

160 2 0
                                    

Allystaire's POV

"Aba ako pa ho mamaliin nyo." Napalo ko ang kotse ko dahil sa kainisan. Agad kong pinunasan ang bahaging napalo ko dahil pinakaiingat-ingatan ko to.

"Hoy miss. Wag kang matapang! Ang liit liit wala ka namang laban."

Aba't? "Hoy kahit matangkad kayo, wala akong pakialam! Mga lintek na to mukha namang adik." Mukhang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Nagpipigil na silang sapakin ako. "I-park niyo nalang kasi ng maayos wag kayong humarang diyan simpleng bagay nako! Nasa ospital yung kasama ko pupuntahan ko pa na-ka-ka-abala kayo! Maayos naman yung pakiusap ko sa inyo kanina ang yabang nyo lang!"

"Matapang ka ah—" The fattest one among them was about to hit me, though hindi ako natinag, when the security guard suddenly came.

"Anong nangyayari dito?"

"Kuya kita mo oh sasampalin ako oh!" Agad akong nagpaawa. Buti at hindi ako natawa. Nagulat yung lalaking ambang sasampalin ako at sinamaan ako ng tingin.

5, 4, 3, 2, 1. TAKBO!

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at humarurot matapos kong sipain yung lalaking sasampalin sana ako. Gago e.

Nang sa wakas ay nakaalis na ko sa parking area ng mall ay nag-drive na ako patungo sa ospital. Yep may sarili na kong sasakyan. Pinag-ipunan daw ito nina Mama at Papa.

"Sorry love kung nakipag-matigasan na naman ako at nag-transform sa pagiging attorney." Bulong ko habang nagda-drive. Paniguradong kung nandito lang si Jester ay papagalitan niya ko.

Fifteen minutes nang marating ko ang ospital. Kinuha ko sa backseat yung binili kong pagkain at lumabas ng kotse. I was about to step forward when I noticed my shoelace. Napangiti ako dahil itong sapatos yung binigay sakin ni Jester. Itinali ko ito at pumasok na sa ospital.

"Hellooooo!" Umalingawngaw ang boses ko. Binati nila ako nang nakangiti.

"Let me." Inabot ko naman kay GN yung dala ko sabay tapik sa braso niya.

"Waa ayan na ba si baby AC?" Excited akong lumapit sa kapapanganak lang na si Ange. Ngumiti ako kay baby Pia at tumitig siya sakin ng matagal. "Cutiee. Mabuti nalang kamukha ni GN." Naningkit ang mga mata ng Angelica.

"You got that right." Nag-apir kami ni GN.

"Staire anong dala mo? Food?" Andre asked while checking the bag out.

"Ang takaw." Pang-aasar ko.

"Look who's talking." Tumawa ako dahil sa sagot niya. "Di pa ko naglu-lunch e."

"Oo kain kayo. Nasan na si Lily?" I asked him.

Lily is Andre's girlfriend. Theee years na din sila. And they look so cute together. Lily is my co-worker and ako ang dahilan kung bat sila nagkakilala. Ako yung naging tagapagpayo at tumutulong kay Andre noong nanliligaw pa lang siya. Ayun sinagot na agad kaya tuwang tuwa ang loko.

Noong una, umamin na si Andre na kaya lang niya nagustuhan si Lily dahil nakita niya ako dito. Si Lily kasi ay may pagka-madaldal at palaban tulad ko. Pero, minahal din niya si Lily dahil sa kung sino at ano talaga ito.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon