Party Forty Six

205 2 0
                                    

Matthew's POV

No one's speaking. Lahat kami ay tahimik lang at nagpapakiramdaman. Nanatili kami sa likuran ni Staire. Napakamot ako ng ulo at napa-aray nang panlakihan ako ng mga mata ni Marcy at ni Ange. Bumulong ako na sorry na mamaya na ko mage-explain.

Binalik namin ang atensyon namin kina Staire. Diretso ang tingin ni Jester sa kanya. Ang awkward ng atmosphere dito. Finally he came back.

"L-Long time n-no see." Medyo mahinang sambit ni Staire.

Nabigla siguro siya. Ang tagal niya kasing naghihintay at ni isang paramdam from my best buddy, wala. Hindi pa sya pinansin noon. Syempre masakit yon. Then bigla nalang niya makikita nang wala man lang siyang ideya na mangyayari?

Jester just nodded. Nakakainis siya. Won't he even say something?

Pinisil ni Marcy ang braso ko kaya tumingin ako sa kanya. She threw me a look saying I should do something.

"Ahh Staire, may bago akong CD. Tara MoMa." Pag-aaya ko. That was lame but I can't think of anything else. Lumapit si Andre sa kanya at inalalayan. Tahimik lang kaming umupo sa sofa. Si Staire ay parang wala sa sarili. Pero maya-maya lang ay bigla siyang umakto na parang normal lang.

"Ano na guys? Asan na yung CD?" Nakatingin lang kami kay Staire at nakikiramdam. "Napipi na?" She raised her eyebrows. Kitang kita na pinipilit lang niya umakto ng normal.

"Ah here. Kingsman. Secret Service." Inabot ko sa kanya yung cd. Nang mag-play na ang movie ay naupo na kami sa sofa. Pasimple kaming tumitingin kay Staire checking if she's okay.

I'll talk to him later. Ano bang nangyayari sa kanya? Yes, masungit and cold siya. Pero hindi siya ganyan dati. Siguro kung walang nagbago sa kanya ay lumapit na siya sa amin ngayon at nakiupo. O di kaya ay babati kahit maikli lang. E kung makatingin siya, akala mo hindi niya sila kilala.

**

Allystaire's POV

Nakatayo siya sa may stool at umiinom ata ng tubig dahil may hawak siyang baso at pitchel. Hindi ako makaimik nang maayos nang makita siya sa harap ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Ngingiti ba ko o hindi. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Lumunok ako para makaakto ng normal.

"L-Long time n-no see." Nautal pa din ako. Pero bakit g-ganyan siya makatingin? Wala kang makikitang emosyon sa mga mata niya. He's always been emotionless but not his eyes. Makikita mong may mga sinasabi ang mga mata niya sa'yo. Dati.

Pagkatapos naming manood, nag-aya nang umuwi si Ange at Marcy. Hinatid kami ni Andre sa apartment ko. Tatambay daw muna yung dalawa. Nasa kwarto ko na sila Ange at Marcy ngayon.

Naisipan kong kumuha muna ng cake sa ref para may makakain kami. Pagpasok ko ay tahimik lang yung dalawa habang nakaupo sa kama.

"Oh? Bat ang tahimik niyo? Umutot kayo?" Medyo natawa ako sa tanong ko. Pero yung dalawa ay nanatiling tahimik. Pinatong ko yung cake sa mesa at tumabi sa kanilang dalawa.

"We know you need us right now." Sambit ni Ange. Parang alam ko na kung san mapupunta ang pagtambay nila dito.

Marcy sighed. "Ok ka lang?"

"Sa pagiging vocal mo, ngayon ka ba hindi magsasabi samin?" Ange pouted.

"Ok lang ako." I smiled. "Nabigla lang talaga ako."

"Pero bakit parang may iba kay Jester?" Si Marcy.

"Napansin ko din yun." Pagsang-ayon ni Ange sa kanya.

Ilang saglit pa bago ako umimik. "Parang hindi niya na tayo kilala. Parang hindi tayo barkada dati. Sa tingin pa lang niya, makikita mo na yon." Humiga ako at niyakap si Flami, yung malambot kong unan.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon