Part Sixty Four

154 1 0
                                        

Allystaire's POV

DAY 3 in Seoul

Nag-unat ako ng katawan at nagkamot ng mga mata. Tinatamad pa ko bumangon dahil malamig kaya niyakap ko ang unan na nasa tabi ko at muling pumikit. Mornings like this are the be--

"Haish. Wake up, sleepyhead." Agad kong minulat ang mga mata ko dahil sa boses niya. Humarap ako sa kanya at nakita siyang nagkakamot ng ulo habang nakanguso. Mukhang kanina niya pa ko ginigising.

"Uy. Good morning." Bati ko pero hanggang maaari ay hindi ako masyadong lumalapit. Baka kasi maamoy ni Jester ang hininga ko na amoy laway pa. Bumangon na ako at saglit na itinabi sa baba ng sofa yung comforter na ginamit ko.

Tumayo siya at naglakad patungo sa dining area na kalapit lang ng living room.

"Morning." Walang emosyon niyang sagot. "Kumain ka na." Hindi ko maiwasan ang mangiti. Para kaming mag-asawa.

Kumunot ang noo ko nang maupo ako sa stool. Nasa harap ko siya at naghahain. "Wala kang hangover? Nalasing ka kagabi ah."

"I'm okay now." Saglit na tumahimik. "Mabigat ba?" I saw his lips curve a little habang nakatingin lang sa pagkain na sinasandok niya.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

"I'm pretty sure ikaw ang nagdala sakin sa sofa." He faced me.

"Ahh. Tch, oo ang bigat mo." Nagkunwari ako na naiinis.

"Binuhat nga kita pero I didn't complain." He said. He raised his eyebrows for a second at inabot sakin yung bowl na may lamang noodles. Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Sinimulan ko nang kainin yun pero natigil na naman ako dahil nakita ko siya sa peripheral vision ko na humalumbaba sa harap ko at nakatingin lang sakin.

"Wag mo kong panoorin." Sambit ko at sinubo ang noodles.

"Tss."

Ilang minuto na walang nagsasalita sa aming dalawa. Naalala ko tuloy yung napanaginipan ko kanina. Tandang tandang ko pa bawat pangyayari.

"Jester." Pagtawag ko sa kanya. "Napanaginipan kita." Lumingon siya nang sabihin ko yon.

"You did? Maybe you're thinking of me too much that you dreamt of--"

"Maraming puting bulaklak." I cut him. Nilagyan ko ng emotion ang pagkakasabi ko para makuha ko ang interes niya. Dahil maski ako ay interesado kasi weird yung panaginip. Parang may gustong ipahiwatig. "Ang labo pero alam kong mga bulaklak yon. Nakatayo ka sa isang lugar at nakatayo din ako medyo malayo sayo. Ngumiti ka sakin pero maya maya, binawi mo yon at, alam mo ba? May tumulong luha sa mata mo." Then he looked at me straight in the eyes.

"Anong klaseng panaginip ya--"

"Ang weird diba? Kahit kelan ata hindi pa ko nananaginip ng matino." Pagputol ko sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko. "Lahat nalang weird."

Pagkatapos naming kumain ay maghuhugas na sana ko pero sabi ni Jester mamaya nalang daw. Mamaya na din ako magliligo. Nag-toothbrush lang muna ako at naghilamos. Lumapit ako sa music player at kinonek sa bluetooth ko.

Now playing: Can't Stop The Feeling (Justin Timberlake) Cha Cha Version

Tumayo ako at sinabayan ang kanta habang sumasayaw ng chacha. Tumatawa ako dahil sa kabaliwan ko at hinarap si Jester na nasa kitchen stool. "Jester!" I laughed. "Cha cha tayo! Tara!" He tried to make a poker face pero napanguso siya dahil sa pagpigil ng ngiti at umiwas ng tingin. Tumatawa pa din ako hanggang ngayon at di tumitigil. "Ayaw mo? Bahala ka." Pinagpatuloy ko ang pagsayaw ko ng chacha habang tumatawa.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon