Part Ninety Five

158 4 3
                                        

Allystaire's POV

Sobra sobra yung tibok ng puso ko ngayon na parang nakalimutan ko nang huminga. Can't even explain how excited I am to see him. Pakiramdam ko gusto ko nalang mag-teleport papunta sa harap ni Jester.

"Calm down, Staire." Natatawang sabi ni Matt. I bit my lip as my eyes wander through the place. Nasan na kaya siya?

Then I almost gasp when someone tightly held my arms and put it around his waist. Napangiti ako nang hawakan niya ang likuran ng ulo ko gamit ang kanang kamay niya at idiin sa dibdib niya. While his free hand is hugging me. Here he comes again.

"Haish ang bango." Sabi ko nang higpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ikaw ang baho mo." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sagot niya. Muntik akong mapasigaw nang hawakan niya ang parteng dibdib ko. Yun pala ay yung kwintas ko ang hinawakan niya. Tumawa siya dahil sa naging reaksyon ko. "Just checking. Baka nawala mo na."

Bumitaw din kami agad dahil aware naman kaming nasa public place kami. He helped me with my luggage complaining na ang dami ko daw dala. E puro pasalubong yung isang maleta don.

"I'll take a nap. Hindi ako nakatulog masyado." Matt yawned. Humiga siya sa backseat habang yakap ang neck pillow na ipinabaon sa kanya ni Marcy.

Pinagalitan ko naman si Jester nang makita ko sa kotseng nag-drive na naman siya mag-isa at walang kasamang nurse.

"You can't expect me to go everywhere with him. That sucks." He said in a husky voice. I still managed to be mesmerized by how his voice sounded and how he looks like right now driving while I'm nagging.

"Para sa safety mo yon." Sagot ko at nilabas ang rosary na baon ko. "Alam mo naman ang pwedeng mangyari e."

"I'll just bring him when I'm not feeling well."

"ANG KULIT MO."

"Para san yan?" He asked. Isinabit ko kasi ang rosary sa rearview mirror niya.

"Pansin ko kasi na wala kang rosary dito sa kotse mo. Dapat meron."

"So you were the one who put a rosary on my car sa Manila." Jusko ang cool niya kapag nakahawak siya sa manibela ng isang kamay lang.

I nodded. "Oo. Langya ka so hindi mo naisip na pwedeng ako yung naglagay non?"

"Akala ko si Manong." I glared at him.

Matagal-tagal din ang naging byahe namin dahil malayo ang bahay mula sa airport. Hindi ko din namalayang nakatulog pala ko. Just woke up when I startled because Jester gave me a smack of kiss on my lips. Ang sabi niya ay matagal na niyang gustong gawin yon pero hindi niya magawa dahil nasa Pilipinas ako. Nakaramdam ako ng hiya at nag-init ang pisngi ko. When will I ever be used to his kisses? At hindi pa din ako kumportable na iniisip ko ang ganitong bagay.

Days passed, muli akong pumasok sa firm as an intern or kung matatawag ko bang internship yon. Pero dahil wala akong trabaho ngayon ay sumama nalang ako kay Jester sa ospisina.

"Ang suplada mo." Sambit ni Jester habang nagpapikot ikot sa swivel chair nito. Para siyang batang sinusumpong.

"Love." I closed my books then put my legs down. Natigilan siya dahil sa sinabi ko.

"Say that again?"

"Tch." I rolled my eyes. "Love." Ngumiti siya bago muling nagsalita. "May sasabihin ako sa'yo. Hindi ko pa nakukwento sa'yo to—" I was cut when someone knocked.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon