Part Twenty Four

187 4 0
                                    

Matthew's POV

Bakasyon pa lang, pinabalik na kami sa States. Dalawang araw na rin kami dito. And it's only been two days but I miss those crazy girls already. It's my freakin' first time to be actually close friends with girls. Lalo na si Jester, I freakin' swear.

I bet, Jester does too. Tinanong ko siya noon kung namimiss din niya ba yung tatlo. Tumango lang siya. Nahihiya pa ang gago.

Last time, sabi ko sa kanya, "I miss them especially si Marcy. Pagbalik ko talaga, aamin na ko dude."

"Goodluck." He answered briefly.

"Thank you, thank you." Tatango-tangong pasasalamat ko.

"Tss." Singhal niya. Tiningnan ko siya at muling nagsalita.

"Ikaw Jes? Who do you miss the most?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Naghahalo kasi siya ng inumin niya pero dahil sa tanong ko ay may natapon dito. He's just like that. Being blank and cool as well is his nature. Pero mabait yan.

"Wushuuu, alam mo kinilig talaga ako nung moment nyo nung recog day." Sambit ko habang nagtatanggal ng medyas. Nilingon ko siya para sana pasagutin kasi wala na namang imik but I think I don't need to. I caught him smiling. "Ano ngang sabi mo? I'll miss you ba? Oh my god Jes—" Umilag ako kaagad sa ibinato niyang tsinelas.

Naalala ko, noong Valentine's Day, nagpaiwan siya sa labas ng gate. Bibili daw siya nung isaw. Who would believe him e hindi naman siya kumakain nun. Sinilip ko lang siya. Nasa tago siyang parte kaya di mo siya agad makikita. Nasa may mga halaman.

Hanggang sa nakita kong lumabas siya at lumapit sa isang babae at sinabayan to sa paglalakad. I almost gasp when I saw that it was Staire.

Right now, I really wanna go back to Manila. Kahit bakasyon lang kami dito, gusto ko nang bumalik agad. Pinayagan kami ni Jester na mag-aral sa Pinas ng senior high dahil naging independent daw kami. Saka nakiusap ako e. Ako pa? Malakas ako kay Mommy e.

*ting!*

Sinara ko ang laptop ko at tumakbo papunta sa office ni Mommy. Binuksan ko na ang pinto nang hindi kumakatok.

"Oh? Yes, son?" Tanong nito pagkakita sakin.

"Uhm." Umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.

"Mom, diba you said naman that I'm independent? You're proud of me because I can take care of myself pala." Ngiting-ngiting sabi ko.

"Matthew, drop it."

"Can I go back to Manila?" Diretso kong tanong. She sighed.

"But I miss you, son. I want to be with you kasi you've been gone for months."

"Mom, I missed you too. So much. But we can hang-out tomorrow! After that, I can go back na."

"That's what my baby want. So... Okay."

"Yes! Thanks mom! You're the best." I kissed her cheek. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at nag-coat.

"Rick, let's go." I called our driver. I immediately dialed Jester's number and closed the car's door.

"What?"

"We're going back to Manila!"

"Don't shout." His voice is kinda annoyed.

"Ok. Jes, we're going back to Manila." Seryoso at mahina kong sabi at inend ang call. Maya-maya lang, tumigil na ang kotse sa harap ng bahay nina Jester.

"Good Afternoon, Sir Matthew." Bati ng security guard at ngumiti naman ako.

"Where is he?" Tanong ko sa maid pagpasok ko ng pinto ng mismong bahay.

"He's at the garden, Sir." Tumango ako at lumabas sa pinto saka lumiko papuntang garden. Nadatnan ko si Jester na nasa hanging couch ata tawag dun at nakapikit.

(Pakitingnan nalang po yung picture. Parang ganun po yung hinihigaan ni Jester.)

I excitedly ran towards him. "Jester!" Tumabi ako sa kanya. Nagulat pa ang loko. Kumunot ang noo niya at inis na tumingin sakin.

"Too much noise."

"May sasabihin ako." Ngiting-ngiti kong sabi na tila hindi pinansin ang sinabi niya.

"What is it?." Pumikit siyang muli.

"Ayaw mo ata e. Sige ok lang. May sasabihin sana kasi sa'yo si Staire." Tapos tumalikod ako.

1...

2...

3...

"Ano daw?"

Humarap ako ulit sa kanya. Nakahiga siya at nakapikit pa rin. "Wala. Joke lang. Pero makakabalik na tayo sa Pilipinas!" Masaya kong sabi. Hindi siya gumalaw o umimik. Minulat niya ang mga mata niya at bumangon tapos kinuha niya yung cellphone niya na nakapatong sa unan.

"When?" Walang emosyong tanong nito.

"Basta this week. Magha-hang out pa kami ni Mom."

"Son, can't you really stay?" si Mommy.

"Mom."

"Hay. Ano pa bang magagawa ko? E mukhang miss na miss mo na yung mga kaibigan mo dun." Ngumiti ako. "Sige na, magpahinga ka na. Thank you for today. Nag-enjoy ako ng sobra."

"Sige, Mommy. Uh, where is Dad?" Tanong ko

"He went to LA yesterday. Why? Do you need anything?"

"Nothing. I just asked."

"Kelan ang flight niyo ni Jester?" Tanong ni Mommy habang papalapit sa pintuan.

"Sa isang araw po." Sabay higa ko at binuksan ang tv gamit ang remote.

"I see. Ingat kayo. Say hi to Marcy for me." Pahabol niya nang maisara na niya ang pinto. Natigilan ako.

P-Pano niya...

Damn Jester.

Pagkagising ko ay naligo agad ako. Nagpahatid ako sa driver namin papunta kina Jes. Tomorrow is our flight pauwi sa Philippines. Naisip kong hindi muna sabihin dun sa tatlo na sa Pinas na ulit kami magbabakasyon. I want to surprise those girls.

"Sir, wil I wait for you?" Tanong ng driver.

"No need. Go ahead." Lumabas na ko ng kotse at pumasok sa bahay nina Jester. Para namang walang tao dito. Where are you, people?

Baka nga hindi na nagkikita-kita ang pamilya nila every single day kasi laging busy ang mga magulang ni Jester. Nasa office palagi. Pero close naman sila. Kaya siguro lumaking tahimik si Jester kasi wala siyang nakakausap dito. Ang ate naman niya, nasa New York. Model yun. Actually, dumalaw siya kay Jester sa Pinas last time. I went inside his room and I heard noise from the bathroom.

What the. Napahalaklak ako. Umupo ako at nilapitan yung mga luggage. Bigla namang lumabas si Jester na nakabihis na ng t-shirt at shorts.

"Hey! Don't you know how to knock?" Masungit niyang sambit.

"Putcha pare! Kunwari ka pang pa-okay okay lang kahapon. It seems like you're more excited than I am. Kelan ka pa nakaimpake, ha?" Tawa ako nang tawa. E kasi naman, nakita ko na naka-impake na siya. E ako nga, hindi pa e. Mamaya pa lang.

"Just shut up. Busy lang ako mamaya kaya inagapan ko na." Pumasok ulit siya sa bathroom.

"Are you kidding me? E wala ka namang ginagawa dito."

"SHUT UP!"

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon