Part Thirty Nine

219 4 0
                                    

Matthew's POV

"Bro, pakibuhay nga ng wifi." I asked Jester. Nakatambay lang kami ngayon dito sa living room. Katext ko si Marceline while Jester is watching tv. Kaso nagpaalam na si Marcy kasi paexpire na daw load niya. Sabi ko kung gusto niya ng pasaload e ayaw naman. Marunong ako non kasi si Mommy, pinapasaloadan ko yun dati noong nagva-vacation kami dito sa Philippines when I was still a kid.

Naisipan kong mag-online muna to kill time. Hindi ko naman makausap si Jester dahil napakadaldal niya. "Bro, bukas na ba?" Tanong ko kay Jes. No Internet Connection pa din sa phone ko.

Nakabusangot ang mukha na binuksan niya ang pldt wifi.

Scroll.

Scroll.

Karamihan sa newsfeed ko are my friends and relatives in the States. I'm a pure Filipino, by the way. My parents met there and lived there for good. Then I met Jester who's my dad's american bestfriend.

Allystaire Dy was tagged in a photo.

Andre Torres with Allystaire Dy
Finally saw her again <3

Woah. "Tsk tsk."

Andre posted a picture of Staire eating ice cream. Marami na ang nag-react. Karamihan ay puro love. Tapos may tatlong angry. I added him first then faced Jes.

"Jes, nakita mo na to?" Tumingin lang ito saglit  sa phone ko at binalik ang tingin sa tv.

"Ngayong pinakita mo na, then yes." Sagot niya. I hissed.

Lumipat ako sa katabi ni Jester at pinigilan ang  tawa. Kunwari akong may idinial sa cellphone. "Hello?" I crossed my legs. "Bro hahahahaha nagSESELOS ka sa don sa kasama nung girlfriend mo?" I secretly made a way to literally get closer to Jester. Damn natatawa na talaga ko sa sarili ko. Bigla namang lumakas ang tv at napansin kong nilakasan ni Jester yon gamit ang remote. "Uh hello? Chapi ka chapi ka!" Tumayo na ko at pumasok na sa kwarto ko.

**

Allystaire's POV

Nakaupo lang ako ngayon dito sa bench sa may bakuran ng bahay. Mga mag-iisang oras ko na ding katext si Andre kasi hindi siya tumitigil kahit halos wala na akong reply sa kanya. Medyo tinatamad ako pero magreply daw ako. Ayoko na. Pasensya ka na Andre, tinatamad na talaga ko. Iniinterview lang naman ako e. Sinabi ko nalang na padead batt na ko.

Ilang sandali ay nakita ko si Mama na palabas ng bahay. Tumayo na ko at nagsuot na ng tsinelas. Saka ko hinabol si Mama.

"MAMA!"

"Anak naman, pakihinaan ang boses." Tugon niya bago pa niya mabuksan yung gate.

"San ka?" Tanong ko habang nagtatali ng buhok.

"Idedeliver ko yung cake saka cupcakes sa condo diyan."

"S-Sang condo?" I immediately asked. Baka kasi sa Szym. Baka sakaling makita ko pa si Jester ngayong araw.

"Sa Szym. Bakit? May crush ka don?" Nagulat ako sa tanong ni Mama pero hindi ko naman pinahalata.

"Eh? Wala! Sasama lang ako." Strikto si Mama pagdating sa mga boys. Kahit crush crush lang ay ayaw nito.

Kaya nga simula noong elementary ako, kapag nagkakacrush ako ay walang alam sina Mama at Papa.

"Ikaw Allystaire ha. Siya sige, pumasok ka na sa van. May nakalimutan pa nga pala ko sa loob." Ngumiti lang ako at lumabas na ng bahay.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon