Allystaire's POV
Parang babagsak na anytime yung mga mata ko. Ang sakit pa ng ulo ko pero hindi naman ako mainit. Dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil dito sa lecheng pinapagawa ng apat na mga prof. Kahapon ang sigla sigla ko pa e.
Nagsalamin ako gamit ang phone ko at tinitigan ko yung eyebags ko. "Nagsusumigaw." Bulong ko.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nung first day pero heto impyerno agad. Niligpit ko na yung gamit ko at inilagay sa bag ko. Ang bagal ko kumilos dahil mabigat ang pakiramdam ko.
"Una na ko Nicole." Paalam ko. Si Nicole mukhang zombie na.
Lumabas ako ng library at naglakad palabas ng building. Minasahe ko ulit yung ulo ko dahil ang sakit talaga. I checked my sched at vacant ako ng isang oras. May isang oras pa bago ang huling class ko today.
Ting!
Love <3
I'm free today ihahatid kita mamaya. Pupuntahan na lang kita.
Suminghot ako. "Jusko naman." Naiirita kong sambit. "Nagkasipon pa aa."
Nagtype ako para replyan si Jester.
-Sige :) San ka?
Walang pang isang minuto nagreply na siya.
Love <3
Tingin ka sa kaliwa
Taka akong tumingin. Nandon nga siya ilang metro lang ang layo. Ngumiti ako pero biglang nag-iba yung expression ng mukha niya.
Medyo mabilis siyang lumapit sakin. "Bakit ang putla mo?" I can hear sincerity.
"Nakakalimutan ko nang bumili ng vitamins ko sa dugo. Pero bibili na ko mama--"
"Bat ganyan ka magsalita? Are you alright?" He held my hand. Parang kahit masama yung pakiramdam ko, nakukuha ko pa ding kiligin.
"Ok lang ako. Sinisipon lang saka puyat kaya medyo masakit ang ulo ko--" Hinila niya ko at medyo nabigla ako. "Pabigla bigla ka nalang sa paghila." Reklamo ko.
Sa mercury drug pala kami pupunta. Katapat lang to ng Terra kaya agad kami nakarating. Napangiti ako habang pinapanood siya makipag-usap sa pharmacist at bumili ng gamot pati na din vitamins ko sa dugo.
Ang bigat pa din talaga ng ulo ko pero nakakaya ko naman. Nang sabihin na nung pharmacist kung magkano, nag-abot ako ng kay Jester ng pera pero dinedma ako at nilabas niya ang wallet niya. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan at inabot ko na sa babae yung pera ko. Nakakahiya naman kung magpapalibre pa ko ng mga gamot ko. Biogesic para sa sakit ng ulo, neozep sa sipon saka ferrous sulfate para sa anemia. Bumili na din siya ng baby wipes para daw sa sipon ko.
"Don't take them kung gutom ka." Bilin ni Jester.
"Wala ka bang klase?" Tanong ko sa kanya sabay singhot.
"Wala." I got skeptical kaya nilabas ko ang phone ko. May sched kami ng isa't isa. Sabi niya ibigay ko daw e. Kaya sabi ko ibigay niya din sakin yung sa kanya.
"Sinungaling. Late ka na Jester! Dapat di mo na ko sinamahan e." Inagaw ko sa kanya yung plastic na may lamang mga gamot.
"Tss. Appreciate it instead." He rolled his eyes.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)