Part Sixteen

205 6 0
                                    

Allystaire's POV

Modern ang interior ng kwarto niya at ang ganda. Black and white tsaka gray ang kulay. Andito palang ako sa mismong pinto at kapapasok ko lang pero makikita mo na agad ang design ng condo. Saka ang linis kaya kaaliwalas tingnan. "You own this?" Tanong ko kay Matt.

"Ah no. Jester does. Bigay sa kanya to ng Ate niya." He answered. May ate pala si Jester. Pumasok na ko at umupo sa couch. Pagkatapos ay sumandal sa patungan ng kamay. Kumabaga, nakatagilid ako at sa handle sumandal.

"Gusto mo bang sumasandal diyan?" Tanong ni Matt na galing sa isang kwarto.

"Huh? Oo." Medyo taka kong sagot.

"Pareho kayo ni Jester." Nakangiti niyang sabi habang binubuksan ang ref.

"Talaga?"

"Mm yeah." Napangiti ako habang naktagilid pa din sa pagsandal. "Ah Staire, iwan muna kita ha. I have something to buy." Paalam ni Matt habang may kinukuha sa bag niya.

"Ha? Edi mag-isa ko dito?" Napabangon ako.

"Gusto mong pizza pagbalik ko?"

"Alis na." Diretso kong sabi sabay sandal muli.

He chuckled. "Sige, Jester will arrive naman na in a few." Tumango nalang ako. Pagkasara niya ng pinto ay tumayo ako. Asan kaya yung remote? Gusto kong manood ng tv. Ang laki kasi. Habang nililibot ko ang tingin ko sa sala ay pansin kong, wala man lang mga picture frame dito. Sayang, gusto ko sana makakita ng picture ni Jester noong bata pa siya.

Kinuha ko ang remote na nasa baba pala ng couch. Tapos binuhay ko yung tv. Ang laki naman sobra nito. 60 inches ba yung ganto? Samin flat screen din naman, pero yung tama lang. Di maliit, di malaki.

I grabbed my phone from my skirt's pocket.

To: Ange, Marcy
Mga ineng! Andito ako sa condo nina Jester.

*bzzzt*

From: Ange
Omg. Ikaw ha! Kalma lang, maghunistili ka. Wag mo siyang ra-rapin.

To: Ange
Gaga hahaha

*bzzzt*

From: Marcy
Hahaha moment yan Staire!

To: Marcy
Hahaha

Biglang bumukas ang pinto kaya halos mahulog ko yung cellphone ko. "Pizza ko?" Excited kong harap sa pinto sabay ng pagbangon ko mula sa couch. Nakatalikod kasi to sa pinto.

"What?" Taka niyang tanong.

"Wala. Akala ko si Matt ka." Pekeng tawa ko. Tinabi ko na ang phone ko at saka sumandal ulit. Naglalakad si Jester sa harap ko nang mapatigil at mapatingin siya sakin. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Tss." Singhal niya.

Pinapanood ko lang siya habang kung ano-ano ang ginagawa. Lakad dito, pasok don. May kinuha dito, may kinuha don. Nilibot kong muli ang mga mata ko sa paligid. Wow, may xbox at wii. Ang ganda din nung mga shelves na may mga naka-display. Nilingon ko ulit si Jester. Umupo siya sa dining table at mukhang seryoso.

"Hey, come here. Ako lang gagawa?" Mahinahon pero masungit niyang sabi.

"Ayan na oh. Papalapit na!" Masungit ko ring sambit.

"Tss."

"Hatiin nalang natin sa dalawa. Ako yung magpapaliwanag nung isa. Ikaw naman dun sa isa." Suggestion ko habang pinapaypay yung papel sa mukha ko. Hindi siya sumagot. "Oo, Staire. Ang ganda nung suggestion mo. Sige gawin natin!" Sagot ko sa sarili na binubuka buka pa ang kamay na tila kinakausap ito.

Katahimikan. Tiningnan ko siya dahil hindi ko din naman mapigilang sulyapan siya. Kunot-noo siyang nakatingin sa papel na hawak hawak niya. Mga trenta minutos kaming walang imikan at busy sa kanya-kanyang ginagawa. Maya maya, nakaramdam ako ng uhaw.

"Huy painom naman ako. Nauuhaw ako." I poked his arm. Salubong ang kilay niya akong tiningnan.

"Sa ref." Walang emosyon niyang tugon at ibinalik din agad ang atensyon sa ginagawa.

"Salamat."

Yung mga ganitong ref ang pangarap kong ref. Yung maraming laman. Naghanap ako ng tubig hanggang sa mag-hugis puso ang aking mga mata dahil sa nakapukaw ng atensyon ko. Yakult! Mukhang iisa na. Hingin ko nalang kaya? Ok lang naman siguro. Kinuha ko na iyon at sinara ang ref. Binubuksan ko na yun habang bumabalik sa upuan. Mahirap na, baka tumanggi pa. "Sakin nalang to ah." Paalam ko. Iinumin ko na sana nang lumingon siya at nanlaki ang mata. Saka patakbong lumapit sakin.

"That's mine!" Agaw niya sakin nung Yakult. Medyo nabubo pa nga e.

"Eh! Akin nalang. Nabuksan ko na nga oh!" Inagaw ko rin sa kanya.

"No." Inagaw niya ulit.

"Akin nalang."

"Hindi pwede."

"Ang damot mo!" Mataray kong sigaw at kunwaring nagdadabog pabalik sa dining table. Ang damot. Humalumbaba nalang ako at binasa yung gawa ko. Hanggang sa may pumatong na baso sa harap ko. Nilagyan ni Jester yung baso ng kalahati nung Yakult.

Umupo na din siya at tinuloy ang ginagawa. Habang di pa siya nakatingin, kinuha ko na yung baso at ininom ang yakult. Bibigyan naman pala niya ko e.

Bigla namang bumukas ang pinto ng condo. "I'm here!" si Matt. "Oh pizza." Nakangiting sabi niya at pinatong ang Yellow Cab na pizza sa lamesa.

"Shalamat." Sabi ko habang ngumunguya.

"Sige sige, pasok muna ko sa kwarto."

"Ay teka!" Habol ko sa kanya saka nilumod ang nginunguya. "Di ba kayo gagawa nung partner mo ng report niyo?" Tanong ko.

"Sabi ni Robi, siya na daw e. Bigay niya nalang sakin bukas." Sagot nito.

"Ah sige." Umupo ako ulit at tinuloy ang ginagawa ko. Ayan na, last sentence na. Malapit ko nang marating ang aking mithiin. "Tapos na ko!" Nakangiti kong sambit nang matapos ako at inabot pa ang yellow pad kay Jester pero salubong ang kilay nito at naka-krus ang mga braso.

"Tagal mo." Walang emosyon nitong sambit. Kanina pa ba siya tapos?

"Sagutan na natin yung questions." Sabi ko. Inabot niya sakin ang papel niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Answer it. Kaya mo yan." Naningkit ang mga mata ko ngunit binawi ko din agad.

"Tamad mo."

"Tagalog!" Medyo pasigaw niyang sabi. Okay, naiintindihan ko na. Ay oo nga pala, kahit pilipino to at nagtatagalog ng diretso, di naman nito alam ang tungkol sa subject na Filipino kasi nga abroad siya nag-aral. Magsasalita palang ako nang mapatigil ako.

Naka-pout siya. Kaya siguro madali siyang natapos kasi nga, mahirap para sa kanya. Napansin ko ding kaunti lang ang sinulat niya. Pero ang ganda lang ng penmanship niya. "Psh sige na." Kunwaring napipilitan kong sagot. "Number one. Ano ang paksa ng talumpati? Number two. Ano ang iyong opinyon ukol sa estadistikang nabanggit sa teksto?" Pagbabasa ko. "Number three. Bakit dapat pag-aralan ang estadistika?" Dagdag ko. Tumingin ako kay Jester na nakatingin sa libro at nakakunot ang noo. Hindi niya siguro maintindihan.

"Ahm, akin na yang report mo. Dadagdagan ko. Tapos oo na, ako nang magsasagot sa mga questions." Sabay tayo ko. Pasalamat ka crush kita. Lumingon siya na tila parang naiilang.

"R-Really?" Tumango ako.

"Gabi na kasi." Palusot ko. Lumapit na ko sa bag ko at isinuot ito. "Bye." Maikli kong paalam at lumabas. Tingnan mo to, di man lang naisip na ihatid ako kahit sa labas lang. Andito na ko papaliko sa kanto nang nag-vibrate ang cellphone ko.

From: 09*********

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon