Part Thirty One

216 4 0
                                        

Allystaire's POV

DAY SIX

Nandito lang kaming tatlo ni Ange at ni Marcy sa kwarto at nakahiga sa kanya-kanyang kama. Katatapos din lang namin kumain.

Time check. 10:19 AM

Nagpakwento sina Ange at Marcy kung anong nangyari sa amin ni Jester kahapon sa zoo. Ang sabi ko sa kanila, hinabol kami ng zombies kasama yung tatay ni Su-an. Tapos kami lang dalawa yung naka-survive at nag-kiss kami sa huli. Wala akong ibang nakuhang sagot kundi batok.

"Tara muna sa labas." Yaya ni Ange. Sumunod kami at nang makarating kami sa sala ay nandoon sina Matt at Jester na nakaupo at nagkukwentuhan. Umupo din kami tapos may nag-doorbell.

"Ako na." Matt volunteered. Tumayo ako saglit at naghanap ng CD na nasa ibaba ng tv. Magandang mag-movie marathon ngayon tutal wala pa kaming balak gawin.

"Uh hi!" Bati ng isang lalaki habang pumapasok. Mukhang kaedaran lang namin ito. Pero hindi siya ang tinitingnan ko kundi yung mga dala niya. Nakakatakam yung pizza.

"Andre?" Bahagyang nagulat si Ange. Lumapit ito doon sa lalaki. "What are you doing here? Kelan ka pa andito sa Pinas?" Tanong ni Ange.

"Kakauwi ko lang kahapon. I just came to visit. Sabi kasi ni Daddy, andito ka daw and I should visit you."

"Ah. Barkada ko pala. Guys, pinsan ko. Anak siya ni Tito na may ari ng bahay." Humarap sila sa amin.Tumayo si Matt at nakipag-fist bump.

"Matt, bro."

"Andre." Ngumiti si Andre. Ang cute niya lalo at singkit saka maputi. Matangkad din siya at bagay sa kanya ang isang dimple sa kanang pisngi nito.

Sumunod si Marcy na nagpakilala. "I'm Marcy." Nakangiting sambit ni Marcy at nagshake hands sila.

"Andre." Tumango lang si Jester at sabay sabi ng pangalan niya. Maghahanap na sana ako ulit ng cd nang mapatingin sa gawi ko si Andre. Tumitig siya sakin kaya bigla akong nailang. Awkward nalang akong ngumiti pabalik para naman hindi siya mapahiya.

"You are?" Tanong niya sakin.

"Staire." Sagot ko sabay wave. Hindi naman ako suplada para hindi siya pansinin.

"Nice name." He commented at ngumiti na naman. Tumango ako. Kumunot ang noo ko dahil ang tagal niyang nakatingin sakin. Ngumiti ulit ako pero awkward na.

"A-Ah wow, pizza!" Saved by Ange.

"Ah yep, para sa inyo." Inabot ni Andre kay Ange yung pizza at tumingin na naman sakin. Gusto ba niyang dukutin ko yung mga mata niya? Bakit ba siya nakatitig sakin? Mabuti nalang at lumapit sakin si Jester at kinuha  yung lagayan ng CD mula sa kamay ko kaya sa kanya napunta ang atensyon ko. At mabuti nalang din kasi nakaharang siya kay Andre. Aakalain mong sinasadya niyang harangan si Andre pero syempre hindi.

"Maupo ka muna Andre. Gusto mong kumain?" Tanong ni Ange sa kanya.

"Uh no thanks. Kakakain ko lang e." Nanatili ako sa tabi ni Jester. Napansin kong paulit ulit lang ang pagbuklat nito sa mga cd. Naulit doon sa una niyang nakita. Pero tinuloy niya ang pagiisa-isa ng mga iyon.

LUNCH. Tinutulungan ko ngayong magluto si Jester ng tanghalian. This time, ako naman yung naghiwa. Pinagbati din niya ko nung mga itlog.

"Wow, that smells good." Biglang dating ni Andre. Hindi umiimik ni humarap si Jester at patuloy lang sa ginagawa niya. Ang suplado niya talaga.

"A-Ah luto ni Jester." Ako na yung sumagot. Kawawa naman si Andre kung walang sasagot.

"Really? Nice." Andre commented.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon