Part Thirty Six

242 4 0
                                    

Allystaire's POV

Nilipat lipat ko ang channel sa tv. Wala man lang bang magandang palabas ngayon? Bored na ko sobra. Kanina pa din ako lamon nang lamon dito sa kama ko ng kung ano anong merienda. Wala naman akong kasama dahil wala sina Mama at Papa kasi umalis. May aasikasuhin lang daw sa Cavite. Baka daw hatinggabi na sila makauwi. Ok lang naman sakin dahil sanay naman akong mag-isa.

Lamon. TV. Lamon. Kanta. Lamon. Higa. Cellphone. Lamon. TV. Napagtanto kong HINDI KO KAYANG MAG-ISA.

Tinry ko nang kontakin yung dalawang baklita pero ring lang nang ring ang mga cellphone nila. Asan sila? Ngayong kailangang kailangan ko sila? Muli akong humiga at nagmuni muni habang nakatitig sa beige na kisame ng kwarto ko.

Humiga akong muli at nagbukas ng cellphone ko. Kumanta kanta ako habang nagmumuni-muni.

*ting ting ting!*

May narinig akong kumatok sa bakal na gate namin. Sino naman kaya yon? Imposibleng sina Mama iyon dahil kakatext lang nila kararating lang nila sa Cavite. Walang gana akong sumilip sa bintana na nasa taas lang ng kama ko habang humihilab. Napaatras ako kaagad agad nang makita ko si Jester na nasa labas ng gate.

Anong ginagawa niya dito? Sumilip ako ulit sa bintana at nanlaki ang mata. Nakatingin na siya! Bakit ba siya nandito?

"B-Baket?" Tanong ko.

"Good Afternoon din." Walang emosyon niyang tugon.

"B-Bakit nga?" Tanong ko pa ulit. Pero hindi siya umimik at binuksan na yung gate. Nagtuloy-tuloy siya sa pag pasok. Sino may sabing pwede siyang pumasok?

Bumaba ako dali-dali ng kama at humarap saglit sa salamin. Aish ang gulo ng buhok ko! Nasaan ba yung pesteng suklay na yan? Ang burara ko talaga hindi ko na alam kung san ko nilalagay ang mga gamit ko. Dahil hindi ko naman yun mahanap ay bumaba nalang ako ng magulo ang buhok.

Inayos ko nalang saglit yung damit ko— naka pajama pa pala ko. Hanggang sa nakarinig ako ng tunog sa baba. Binuksan ko na yung pinto at bumaba ng hagdan. Naabutan ko siyang sitting pretty sa sala namin. Lumapit ako at magsasalita sana nang ibato niya sakin ang hawak niyang throw pillow.

"Aa." Asar na usal ko. Nang matanggal ko yung unan sa mukha ko ay wala na siya sa sofa.

"Pakain ako." Sambit niya. Bakit ba siya nandito? Lumapit siya sa ref at binuksan iyon. Kinuha niya yung isang galon ng Ice cream at binuksan iyon. Ano to, surprise visit?

"Bakit ganyan ang mukha mo?" He asked.

"Akin yan e." Sagot ko naman ng hindi umaalis sa pwesto ko.

"Come here. Let's eat." Umupo siyang muli sa sofa at ipinatong yung ice cream na Choco Toffee Crunch ang flavor sa center table.

"Spoon, please." Utos niya. Nakakahiya naman sa bisita kaya kumuha na ako ng dalawang kutsara at binigay sa kanya yung isa. Umupo na ko sa may tabi niya at kumain na din nung ice cream.

"Bat ka nga nandito?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"To visit you?" Nakagat ko ang kutsara ko dahil sa sagot niya. "I'm bored." Dagdag niya na ikinainis ko.

Nang maubos na namin yung ice cream ay tinakpan na niya yung lalagyan at saka tumayo. "Trash can?" Tanong niya.

"Ha? Hindi yan tinatapon. Hinuhugasan lang yan saka tinatabi. Pwedeng lagayan yan e." Tumayo ako at kinuha yung galon ng ice cream mula sa kamay niya. Saka ko ito pinatong sa lababo.

"Magbihis ka. We're going to..." Bitin niyang sabi at napatingin sa may taas. Anong meron sa kisame? Don ba kami pupunta?

"To..." Pag-uulit niya.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon