Part Eighty Two

101 1 0
                                    

Allystaire's POV

Tulala akong nakikinig kay Ate Jade. Nakaupo kami dito sa labas ng kwarto kung nasaan si Jester.

"He was born with Tricuspid Atresia, congenital. He had blue-tinged skin and always had trouble breathing. Madaling mapagod. I'm sorry if we didn't tell you 'bout this sooner. Jester wanted to have a normal life kaya hindi na kami gumawa ng ano mang bagay na makapagpapaalala sa kanya ng kondisyon niya. Si Matt lang and our family knows about it." Ate Jade held my hands when my tears started streaming down my face.

"He had medications and surgeries all his life, until he turned seven. Our parents decided to risk Jester's heart. Mom and Dad agreed to let him undergo a surgery na sa kanya pa lang unang gagawin. It was proposed by a doctor. Ang sabi niya, ten percent lang ang chance na maging successful ang surgery. Hindi proven sa actual person yung surgery na sinasabi nila. I was mad because they used my brother with no assurance na safe siya. They said it could help him live a normal life, a long-term cure for tricuspid atresia though complications might occur later in life. I prayed na kayanin ng kapatid ko. And he did. It was successful. He was so lucky dahil so far, out of fifty people who underwent that surgery, only four survived. Including him."

"He was so happy when we told him na magaling na siya." I sadly smiled. "Nagagawa na din niya yung mga gusto niyang gawin. He even called us one time para lang sabihing pinagpawisan siya first time dahil tumakbo siya sa buong bahay. A month after Dad told him to go back to States when you were in high school, complications started to happen. Dinala namin siya sa hospital kung saan siya inoperahan fourteen years ago. Simula noon, he took his medications again just like what he used to do. Every year nagpapaopera ulit siya. Kaya hindi na rin siya nakabalik agad sa Manila."

"Then when you came back from Korea, Dad let him live here again. I know he was so happy dahil mababalikan ka na niya. He told me about it. Na you're waiting for him. A year passed na hindi siya nagpaopera. Hindi siya bumalik sa States dahil ayaw niya daw umalis. That might be the reason why this happened." Umaagos ang luha ko pero tulala pa din ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil halo-halo na. Lungkot, guilt, takot, sakit.

Kararating lang ni Ate Jade galing sa States. Dumiretso siya sa condo pero nadatnan niya si Jester na walang malay.

Mabigat ang bawat yapak ko habang papalapit sa kwarto kung saan naroon siya. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at pumasok. Nasasaktan ako ng sobra na nakikita ko siyang nakahilata sa hospital bed at halos tunog na lang ng machine sa tabi niya ang naririnig ko.

"O ano?" Umupo ako sa gilid niya. "Hindi mo ko masungitan ngayon noh?" Gumagaralgal ang boses ko. I wiped my tears as I looked at my necklace. Hinubad ko iyon at dahan-dahang isinuot kay Jester. "Magpagaling ka ah." Hindi ko na napigilan at umiyak akong muli. "Maririnig mo pa yung 'oo' ko Jester."

Huminga ako ng malalim. "Bakit hindi ka bumalik noon sa States? Dapat nagpaopera ka e baliw ka. Babalik ka nalang agad pagkatapos." Umiiyak na pinapagalitan ko siya kahit natutulog siya. "Edi sana wala ka dito ngayon. Kung dahil sakin kaya hindi ka umalis, sana kinaladkad nalang kita kung alam ko lang." Pinunasan ko ang mga luha ko at niyakap siya. Pero umiyak na naman ako.

Naramdaman ko nalang na may humahagod ng likod ko. Dahil doon, humagulhol na ko sa iyak.

"Para kang bata umiyak." He said. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko.

"May kasalanan ka sakin." Sabi ko.

"What is it?"

I pouted. "Wala joke lang." Naiintindihan ko naman syempre kung bakit itinago niya ang tungkol sa sakit niya.

Hindi ako umalis sa tabi niya. Pinakain ko siya ng meryenda at hapunan. Tapos nanood kami ng movie sa laptop. Nandoon lang ako kahit nakatulog na siya ulit.

Humiga ako saglit sa sofa at hindi ko na namalayang nakatulog pala ko. Nagising lang ako nang gisingin ako ni Ate Jade. "Staire? Go home and take a rest." Umiling ako.

"Okay lang ako Ate. Dito muna ko."

"O-O sige. I'll buy you food."

Ayokong umalis. Bukas ng umaga ay dadalhin na ulit si Jester sa States at susulitin ko na ang oras na to para maalagaan siya. Hindi niya ko pinayagang sumama sa kanya. He made me promise to prioritize and finish my studies first bago ako sumunod sa kanya. Hindi ako pumayag noong una pero mapilit siya. Sinapak ko na nga e.

Nagising muli si Jester. He motioned na umupo ako sa hospital bed katabi niya. He held my hand at pumikit siya. "I'll rest, but don't leave. Stay by my side, for now." His voice is kinda weak.

He'll take his medications there. Bibisitahin siya ng doktor niya regularly. Mas magaling din kasi sa States kesa dito sa Pinas kaya mas gagaling siya kapag umalis siya. Sana bumilis pa ang oras. Sana makagraduate na ko para makasunod ako agad sa kanya sa States.

"Can I just stay? I don't wanna leave you again." Sambit niya nang hindi iminumulat ang mga mata.

"No. Aalis ka bukas. Magpapagaling ka don."

"I'll wait for you there." Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya.

Heto na naman kami. We'll wait for each other. I waited for him back then. Now he's the one waiting. For me.

Umiyak ako nang umiyak sa taxi pauwi. Kasabay ng pagpunta nila sa airport ay ang pag-uwi ko. Hindi ako sumama dahil hindi ko yata kakayanin na makita siyang umalis ngayon.

Hinawakan ko ang kwintas ko. Bago kami maghiwalay sa ospital ay isinuot niyang muli ito sakin at hinalikan ako sa noo.

Mamimiss ko siya pero kailangan niyang umalis para magpagamot. Mas gugustuhin ko ang malayo sa kanya kung ganito ang sitwasyon. Makakaapekto ito sa pagfofocus ko sa pag-aral pero sa tingin ko ay gagawin ko nalang iyong motivation para makasunod ako sa States.

Lumipas ang isang buwan. Sobrang miss ko na si Jester. Maya't maya ay naaalala ko yung mga panahon na lagi kaming magkasama. Sobrang miss ko na din ang boses niya. Minsan naririnig ko siya na tinatawag ang boses ko pero sa tuwing lilingon ako, wala akong nakikita. Gustong gusto ko na siya yakapin pero wala akong ibang magawa.

Naaalala ko yung pang-iidap namin sa isa't isa...

Yung kapag pinapagalitan niya ko...

Kapag nagluluto siya ng kakainin namin...

Sa tuwing guguluhin niya ang buhok ko...

Lahat mamimiss ko pero alam kong uulitin pa namin yon pag magkasama na kami ulit. Sana gumagaling na siya. Once a week ko lang siyang nakakausap at hindi sapat yon pero kailangan kong unawain. Ang sabi ni Ate Jade ay wala pa gaanong nagbabago pero okay naman daw si Jester.

Pero nag-alala ako ng sobra hanggang ngayon dahil nawalan ulit ng malay si Jester nang madatnan sa garden. Ngayon ay ilang araw na siyang nasa ospital. Noon kasi ay sa bahay siya binabantayan ng mga nurse at binibisita ng mga doktor.

I slowly lifted my hand as if I can feel his face. I stared at his eyes like what he always used to do to mine. I say, "I miss you." I saw his lips curve. But then his face slowly faded.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon