Part Forty Eight

181 4 0
                                    

Allystaire's POV

Pagkatapos naming maglinis, pumasok na kami sa kwarto at nagpahinga. Habang mga nakahiga kami nina Ange at Marcy ay kinwento ko sa kanila yung narinig ko kanina.

Sana ako nalang.

Sana ako nalang si Eunice. Wala pang isang buwan, namimiss na agad ni Jester si Eunice. Ako ay tatlong taon na. Hindi man lang yata ako namiss. Kakakain lang namin ng almusal at ang tahimik namin. Hindi ako sanay.

Dahil wala naman na kaming gagawin ngayon ay ngayong umaga na kami uuwi. Dapat kasi hapon pa.

"Saglit lang daw guys. Magpapagasolina lang daw yung driver." Ani Ange. Heto na naman ako at palihim na tinitingnan si Jester. Hindi na kasi tulad ng dati na nakakalapit pa ko sa kanya at kinakausap siya. Ngayon ay mas naging cold siya.

*bzzzt*

Tumatawag si Papa. Mabilis ko naman iyong sinagot. Pag si Papa kasi ang tumawag at hindi mo nasagot ay magagalit yun. Pumunta muna ko sa may tabi ng swimming pool saka sinagot yung tawag.

"Pa."

"Allytaire anong oras kayo uuwi?"

"Maya maya lang Pa, paalis na din kami dito." Sagot ko. Naramdaman at narinig kong nagvibrate yung phone ko habang nasa tenga ko pa din. Siguro may nagtext.

"Nilock mo ba yung apartment? "

"Of cowz!" Makulit na sagot ko.

"You should alway---"

"WOOOOOY!" Sigaw ko. Puta! Nahulog yung phone ko sa pool!

Kapag minamalas ka nga naman! Muntik na kasi akong madulas pero nakatayo din naman. KASO YUNG CELLPHONE KO NAG-SWIMMING. Nakita ko ang mga kaibigan ko na papalapit at lahat sila tumakbo papunta sakin maliban kay Jester.

Papalapit na sila pero wala na kong nagawa kundi tumalon. Hindi ako magaling magswimming pero marunong naman ako. Slight?

**

Matthew's POV

Nanlaki ang mga mata ko, siguro naming lahat, nang biglang tumalon sa pool si Staire. Pero mas nanlaki ang mga mata namin when we noticed her drowning. Bakit ba kasi siya tumalon don?! Malalim yung part na yon!

"STAIRE!"

"OH MY GOD!"

"STAIRE! STAIRE!"

Napalingon ako kaagad kay Jester nang makita siyang akmang tutulungan si Staire pero nakatalon na si Andre. Hindi ko na pinansin yun dahil mas mahalaga si Staire.

We panickedi. Lalo na sina Marcy at Ange. They're teary-eyed na. Hindi lang natuloy dahil nasagip kaagad si Staire. Pano nalang kung may nangyaring masama sa kanya?

"BAKET KA TUMALON?!" Nag-aalalang sigaw ni Marcy. Ubo lang nang ubo si Staire at hindi pa makasagot.

"Ugh hindi mo abot yan! You almost died!" Ange pinched Staire's arm.

"Nag-aalala ka ba o nang-iinsulto?" Natatawang sagot ni Staire at umubo ulit habang hinihimas ni Andre ang likuran niya.

"Ikaw talaga, muntik ka na ngang malunod, tumatawa ka pa. Halika, magpalit ka na." Si Andre.

Naging malapit din silang dalawa simula nang umalis si Jes. Andre was always there for her. I want to hate him, honestly, because Team Jestaire ako. But I couldn't. He's too good.

Pumasok muna sa loob sina Staire at Andre habang naiwan kami dito sa poolside. "Oh God. What was she thinking?" Hindi na maiwasan ni Ange ang maiyak.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon