Part Four

315 8 2
                                        

Allystaire's POV

Sabado na! Gimik na naman to. Tinext ko na sina Ange at Marcy saka naligo. Gagala kami ngayong araw since wala namang mga activity na kailangang praktisin.

To: Ange, Marcy
Anek na? Kita nalang tayo sa entrance ng mall.

Pagkatapos kong maligo, nagpaalam akong pupunta lang kina Ange para gumawa ng project. Nag-short nalang ako ng maong at saka t-shirt, tapos sneakers. Pagkadating ko sa mall ay nandoon na sila. Napagdesisyunan naming manood muna ng sine bago umikot. "Sa horror tayo!" Suggestion ko.

"Eeee. Ayoko. Ikaw lang naman ang mahilig sa horror e." Ange complained.

"Nakakatakot." Marcy agreed.

"Alangan. Magtaka ka kung kinilig ka sa multo." Asar kong sabi. Hindi talaga nila hilig ang horror movies. Ako, sobrang matatakutin ako pero madami naman kami sa sinehan e. Saka ang exciting kaya ng horror movies.

"Malay mo, gwapo!" Biro ni Marcy.

"Gaga." Nang matapos yung pelikula, napasigaw ako ng mahina. "Gutom na talaga ko!"

"Tara Project Pie. Treat ko!" Ange grinned. Madalas talagang nanlilibre si Ange. Malaki allowance nyan e. Kapag alam din niyang kailangan mo, pauutangin o ilibre ka niya. Or alam niyang male-left out ka sa mga gimik, ililibre ka niya.

Matapos naming pumili ng pizza namin, naupo na kami sa six-seater na upuan. Last na atang vacant table na to. Mukhang punuan ngayon dito. Magkatabi silang dalawa at ako naman ay sa harap nila.

Dito sa Project Pie, ikaw ang pipili ng gusto mong toppings ng pizza. Tapos tatanungin nila ang pangalan mo saka ipapangalan sa tray. Parang sa starbucks. Saka bottomless yung drinks!

Maya-maya lang, tinawag na ang pangalan namin at kinuha na namin yung pizza. Oo, pangalan namin. Tigi-isa kami ng pizza. Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin habang kumakain, "Guys, nauuhaw pa kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo." Sabay na sabi nila.

"Naiihi ako." (¬‿¬)

"Walangya ka." Ange answered.

"Ew. Hindi ko pangarap ang uminom non."

"Haha sige na, cr muna ko." Paalam ko. Walang cr dito sa project pie kaya naki-cr muna ko sa kabilang fast-food. Pagbalik ko, napatingin pa ko sa kaharap na mga stalls kasi ang sasarap ng naka-display. Nasa entrance palang ako ng Project Pie pabalik nang

☉_☉

Lumapit ako pero normal lang ang reaksyon ng mukha. Tinawag ako ni Marcy at mga nakangiti sila maliban sa isang unggoy. Naalala ko tuloy yung kahihiyan ko sa canteen.

"Wala na daw silang maupuan e. Puno." Paliwanag ni Ange.

"Okay lang ba?" Tanong naman ni Matt. Tch, nakakahiya naman syempre tumanggi. Tsaka syempre, mabait naman ako e. Tsaka punuan naman talaga. Tsaka isa pa, tatanggi pa ba ko e nakaupo na sila?

"Ah oo ge. Sige lang." Pormal kong sagot.

"Thanks." Matt smiled. Teka. Wag nila sabihing sa kanya ako tatabi?

Six-seater na table:
---Matt ---Marcy ---Ange
---Jes    --- wala ---wala

Pero may isa namang pagitan. Pero kahit na. Dadalawa pa rin kami e asar na asar ako dyan. "Excuse." Pakikiraan ko kay Jester. Pero tumingin lang siya sakin bilang tugon. Magsasalita sana ako ulit pero natigilan ako nang tumayo si Jester at lumayo sa dadaanan ko. Pagkadaan ko ay bumalik na siya at muling umupo. Nagsimula na kaming kumain ulit matapos ng kaunting pag-uusap. Nagkukwentuhan sina Matt at yung dalawang babae samantalang kami ni Jester ay walang imik.

Hindi ganito ang inaasahan ko sa sabado gimik na to talaga e. Nakakaasar.

"Kate! I found my forever. Ang gwapo nila."

"Oh my gosh."

"Ano kayang name nila?"

(一_一) Pati ba naman dito makakarinig ako nyan? Nakakairita. Asar kong tiningnan ang mga babaeng nagbubulungan sa kabilang table at hindi ako nagkamali. Kay Jester at Matt sila nakatingin. "Tch." Singhal ko. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Jester/Staire." Sabay sabay nila kaming tinawag ni Jester dahilan para sabay din kaming tumingin sa kanila.

*click!*

Tiningnan ni Matthew ang phone niya at ngumiti. "Yees. Ang galing ng kuha mo Matt." Marcy commented.

"Aw ang cute!" Pumapalakpak pa si Ange.

"Pinicturan nyo ba kami?" Asar na tanong ko sa tatlo.

"Tss. Obviously." Sabat ng gunggong. Asar na asar kong tiningnan si Jester.

"Wag mong ipapadelete yan kundi babayaran mo ko sa pagkain mo." Ange warned me. Threat yon dahil threatened ako! Buti na yung libre yung pagkain ko. Nothing is better than free food.

"Jes, look. Cute diba?" Pinakita pa ni Matt ang phone niya sa mismong mukha ni Jester. Sinilip ko naman yon dahil curious na din ako baka cute nga.

O_O

Para kaming walang kamalay-malay ni Jester dun at parehong nakatingin sa camera. May amos pa ko ng pizza sauce sa may labi. Tapos siya naman, naka-poker face habang hawak sa isa niyang kamay ang pizza. Parang nakaramdam naman ako ng tuwa. Ang cute nga. Nilingon ko si Matt na pinapakita pa rin kay Jester ang picture.

"Mm. It's cute." Muli akong napatingin kay Jester dahil sa munting gulat ko sa sinabi niya.

"Staire. Kakulay na ng pisngi mo yung hot sauce." I glared at Ange. "You're blushing." The two smirked pero dinedma ko nalang. Nagkwentuhan pa sila at nag-picturan at ako naman e inubos ko nalang yung pagkain ko. Share share na kami dahil magkakaiba yung pizza namin.

"Jes, may bibilhin lang ako sa bookstore." Matt said.

"Let's go." Sagot sa kanya ni Jester pero tinanggihan siya ni Matt.

"Wag na, babalik din ako agad." Tinanguan lang siya nito.

"Ah Matt, sama ko. May bibilhin din ako e." Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa pagsama ni Marcy. Aba nga naman tong Marceline na to, powerful. Agad din namang pumayag si Matt at umalis na nga sila.

Katahimikan.

"Ange, may load ka? Patext." Pagbasag ko sa katahimikan. Ang totoo, may load naman talaga ko e. Para lang umingay at makausap ko si Ange.

"Heto." Inabot ko ang phone niya.

Tinext ko si Papa at sinabing baka gabihin ako. "Eto, salamat." Tuloy lang sa pagkain si Jester. Si Ange naman ay parang may katext.

"Ah guys, cr lang ako ha." Paalam ni Ange.

"Teka A---" she cut me.

"Madali lang ako." Sagot niya at madaling lumabas. Nilingon ko tong isang to pero tahimik lang siya habang nagce-cellphone.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon