Part Thirty Eight

274 4 0
                                    

Jester's POV

"E serr, bakit po hindi nalang kayo ang magbigay?" Nakangiting tanong ni Manong sakin.

"I-I'm busy." I looked down.

"Ah sige Serr." I closed the goddamn door. Ugh he didn't need to ask me that.

I decided to take a nap. When I entered my room, nadatnan ko ang kama ko na hindi naka-ayos. Gulo ang mga unan at kumot.

"Tsk. Messy girl." Humiga na ako. Pagpikit ko ay napamulat din agad ako dahil sa pagvibrate ng phone ko. Nang makita ko kung sino yung nagtext ay hindi ako nagkamali. I don't know. Siya ang unang tao na pumasok sa isip ko nang nag-ring ang phone ko.

From: Cute Elf
Kapre

Nagreply ako ng tatlong question marks. I don't know which words to use. Kung what ba or yes? Or, ano? And I don't know why I'm wasting my time thinking which words to use.

*bzzzt*

From: Cute Elf
Salamaaat! Sobrang Salamat!

Tss. Yes, binili ko nga yung stationeries para kay Staire. Nang makita ko kasi kung pano siya tumingin kahapon sa mga nakadisplay, I found myself wandering around and buying those stuffs.

To: Cute Elf
May kapalit yan.

Hindi ko naman siya pagbabayarin. She should take it as a gift. Sayang ang pera ko. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging kapalit but I already have thoughts. Wait for it, Staire.

Honestly, I don't even know why I bother to do these. I take her out, I'm somehow being nice to her, and I even bought her those things. Well maybe I'm happy with her. I admit it. And yes, that's the only reason. I don't like her.

*bzzzt*

From: Cute Elf
NAGPABILI BA KO JESTER? Wala akong pera :(

To: Cute Elf
You won't pay me cash. Basta, just thank me.

*bzzzt*

From: Cute Elf
Thank you! Mwa!

I hissed because of the last word. I can see her face pouting and it's funny. But something was kumabog. Tama ba yung term ko? I hear that word, kumabog, from Jade.

**

Allystaire's POV

Nakakalungkot na hindi namin naihatid sa airport si Ate Jade. Hindi kami nakasamang tatlo. Dumating na din kasi si Mama at Papa e. Si Matt at Jester lang yung naghatid kay Ate pero natawagan ko na siya at nagpaalam ulit. Kahapon siya umalis.

Andito nga pala kaming tatlo sa bahay. Time check. 2:18 PM

"Grabe, ang dami." Namamanghang saad ni Marcy habang nililibot ang mata sa kwarto ko. Dinisplay ko kasi yung mga binili ni Jester sa shelf. Exhibit amputa.

"Wow ang ganda naman nito!"

Saglit pa kaming tumambay. Nanonood ako ng tv habang kumakain ng kanin at nakaupo sa couch. Si Ange naman ay nagfa-facebook habang nakahiga sa kama ko. At si Marcy, nakahiga din at nagbabasa ng pocket book. Nahiya ako sa kanila. Nasa kwarto ko lang naman kami. Kaya dito nalang ako sa couch.

"Huh? Andre is here!" Napalingon kami ni Marcy kay Ange.

"Omg." Lumapit kami kay Ange at tiningnan ang cellphone niya. Noong isang gabi lang ay napanaginipan ko siya. Weird nga e. Ilang sandali lang ay biglang nag-chat si Andre kay Ange.

Andre
Ang! Wanna hang out? Guess what.

Tapos nag-send si Andre ng picture. Andito nga siya dahil nag-send siya kay Ange ng selfie na kitang kita pa yung pangalan ng mall.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon