Part Seventy

143 1 0
                                        

Allystaire's POV

"Oo ma bukas. Saka bibilhan ko na din ng regalo si Kuya Jophet." Inilipat ko ang cellphone sa kabilang tenga ko sabay subo ng kanin. Si Kuya Jophet ang anak ng Ninang ko na tumulong sakin makapasok ng Terra.

Nakauwi na kami ng Pinas noong isang araw pa at nandito ako ngayon sa apartment kumakain ng tanghalian. Hindi ko pa nga nakikita si Jester simula nung maghiwahiwalay kami sa airport. Syempre kasama niya si Eunice psh.

"Siya nga pala. O sige na. I'll call you tomorrow. Ingat ka dyan wag na muna magnilabas ng bahay. Yung allowance mo nga pala nadeposit ko na sa atm."

"Okiii bye ingat thanks ma." I ended the call and finished my food. Binuksan ko ang tv dahil bored na talaga ko. Humiga ako sa sofa at niyakap si Flami.

ting!

I message received.
Love ❤️

Matik na napangiti ako at binuksan ang message niya.

Airport na ko Staire

-Ingat ka. :) Bumalik ka agad

Behave and wait for me. Wag ka na makipag-date kay Andre. Don't anymore

-Hala sige para sayo hahaha

Napipilitan ka?

-Hindi ah

Tss

-Kasama mo yata si Eunice text ka nang text

Hindi niya nakikita. I'm leaving na. Wag ka na magreply. Just trust me Staire wait for me.

Dahil pasaway ako ay nagreply pa din ako ng heart. Ni hindi ko maisip na wala akong tiwala sa kanya tsk.

Kinabukasan.

Bigtime na kami ngayon dahil nagpadala ng kotse ang mommy ni Matt para sa kanya. Grabe ang angas. Nandito kami sa likod ni Andre dahil sa shotgun seat si Marcy syempre.

"Andre baka naman manlibre ka pa ha. Ok lang kami." Pagparinig ko kay Andre habang bumababa kami ng sasakyan.

"Sure treat ko." Sagot niya. Ngiting tagumpay ako at nag-apir sila ni Marcy. Pinoy restaurant ang napili ni Andre at dumating na din si Ange. Nabanggit ko na sa dalawang babae yung naging pag-uusap namin ni Jester. Syempre masaya sila sakin pero sa isang banda malungkot din sila dahil kay Andre. Gulat na gulat sila pero sobrang kinilig.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming pumunta sa apartment ko dahil kukunin na daw nila yung mga pasalubong ko para sa kanila. "Ang duga nyo hahaha joke lang." Biro ko.

"Pwede ba mag-park dito, Staire?" asked Matt.

"May bayad dyan sa condo doon nalang oh." I suggested.

Pumasok sila at agad nilang nakita yung ilang mga bags na nasa sala. Kakaunti lang pero sa tingin ko sapat naman. "Hoy marunong ka bang magbasa Ands? Ange oh! Ange!" Inilayo ni Ange yung bag na para sa kanya.

"It looks like Andre!" Tumatawang tugon ni Andre.

Habang pinagkakaguluhan nila yung mga pasalubong ko dumiretso muna ako sa ref para ilabas yung ice cream. Naglabas na din ako ng mga baso at kutsara para sa kanila.

"Uh mukhang may naligaw Staire." Nilingon ko si Matt na tinitingnan yung isang paper bag. Agad ko iyong hinablot sa kanya.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon