Part Twenty Eight

240 6 2
                                    

Matthew's POV

"Oh? Tapos na ba kayo?" Tanong sa amin ni Mang Rod nang makalapit kami.

Namili kami ng mga groceries gaya ng milk, eggs, tinapay, seasonings para sa cooking at marami pang iba.

"Opo, nabili na po namin lahat!" Magananv sagot sa kanya ni Marcy.

"May pupuntahan pa ba kayo?" Mang Rod asked again.

"Wala na po." Ange

"Ay siya, pumasok na kayo sa sasakyan at kita'y uuwi na."

"A-Ange?" Napatingin kaming lahat sa tumawag kay Ange. Based on his looks, we're the same age. Maitsura din siya pero syempre mas cute ako.  Si Ange ay kulang na lang maghugis puso yung mata. Who's this guy? Lumapit sakin si Marcy and whispered.

"Siya si Keith..."

"Omg. Keith..." Ange grunted. Keith chuckled at lumapit ito kay Ange.

"I missed you ." Ngumiti si Ange sa sinabi ni Keith. Inakbayan ko si Marcy while watching these two. Inidapan ako nito at inalis yung kamay ko. What's her problem?

"I missed you too, Keith." Ange answered. "Keith, mga kaibigan ko nga pala, eto si Matt tapos si Marcy."

"Bro." I offered a handshake. Marcy did it too though I got a little annoyed when they touched each other's hands.

"Gusto mo bang sumama? May mga kaibigan pa ko na naiwan sa bahay e." Aya ni Ange sa kanya.

"Yeah, join us." Pagsang-ayon ko.

**

Allystaire's POV

"Sige na Ma, ibababa ko na muna tong tawag. Mamamatay na yung phone ko e. One percent nalang." Hindi kasi ako nakapag-charge dahil hindi ko alam kung saan ko pinatong yung charger. May pagka-malilimutin talaga ako pagdating sa mga gamit ko.

"Sige nak." I ended the call. Pag sa pamilya, hindi ako yung showy. Nahihiya siguro ako. Tsaka it's not my thing to say I love you's. Ang awkward na nakakahiya na ang corny sabihin na ewan.

Nang makita kong naligo na pala si Jester kasi lumabas siya sa cr ng basa ang buhok, napagdesisyunan kong maligo na rin. Nilalagkit na ko. Bumaba na din ulit ako pagkatapos.

Tahimik lang kaming nanonood ng tv ni Jester dito sa sala dahil wala naman kaming ibang magagawa. Pareho kaming nakahiga sa magkaibang sofa. Pinapanood namin yung Crazy Little Thing Called Love sa cinemaone. Yung gusto din pala talaga ni Mario Maurer si Nam? Nung una kong mapanood ito, nanlumo ako dahil nakakapanghinayang. Pareho pala silang may gusto sa isa't ksa. Pero okay lang dahil happy ending naman saka kinilig ako ng sobra. Ang gwapo ni Mario Maurer.

Jes got annoyed with me and just rolled his eyes. Pinipilit niyang sa Star Movies nalang daw kami manood. Nagtalo pa kami kanina. Nakuha niya pang makipag-jack en poy sa akin. Ayaw paawat! Napikon pa siya nang matalo siya. Race to 5. Naging 4 siya tapos ako 2. Nakahabol ako hanggang sa mag-5 points na ako.

Anong oras na ba? Bakit ang tagal nila? Siguro naglakwatsa pa ang mga yun. Nang matapos yung movie at ibibigay ko na sana yung remote kay Jester pero hindi ko na naituloy.

Nakatulog na pala siya. Lumapit ako ng konti at tumitig sa kanya. Ang amo-amo ng mukha niya kapag natutulog. May yakap-yakap pa siyang unan. Kung titingnan mo siya ngayon ay iisipin mong isa syang lalaki na sweet at gentleman. Wag nalang sigurong gigisingin.

Humiga muna ako ulit. Tinitigan ko nalang yung kisame dahil wala na akong ibang magawa. Naglipat-lipat ako ng channel ng tv habang nakahiga pa rin at yakap ang unan. Hininaan ko yung tv at sinulyapan si Jester. Baka siya magising dahil sa ingay. Maya maya ay nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Gumising na kayo diyan." I heard Marcy's voice.

"Staire, wake up." That's Ange.

"Pare, gising." Si Matt.

O_O

"Put--- Arrrray!" Sigaw ko habang nakangiwi.

"Ow! What the fuck was that?!" Sigaw naman ni Jester kay Matt.

"Walangya ka Marceline, bakit mo ko kinurot?!" Sigaw ko habang hinihimas himas yung hita ko. Nilingon ko si Jester na malungkot ang mukha habang nakatingin sa braso niya.

Napansin ko naman ang isang lalaki na nasa katabi ni Ange. Pamilyar siya.

"Staire, right?" Inoffer sakin ni Keith yung kamay niya at inabot ko naman yun.

"Oo." Sagot ko.

"Pare, Keith nga pala." Kay Jester naman siya nakipagshake hands.

"Jester." Walang emosyong sagot nito.

Siya pala si Keith. Natatandaan ko na dahil friends kami sa facebook. Nakikita ko doon ang itsura niya. Maitsura din si Keith saka matangkat at moreno, ayon kay Ange, napakagentleman daw nito sa kanya at mabait.

"Ang portugal niyo, aa." Reklamo ko. Inabot yata sila ng apat na oras doon.

Pagdating ng hapon, bawat isa samin e may sariling mundo at may kanya-kanyang ginagawa. Si Mang Rod, nililinis yung sasakyan. Si Ange naman ay akala mo 100 years silang hindi nagkita ni Keith. Nandoon sjla sa pool area at nagkukwentuhan. Puro pantal na siguro yung dalawang yun dahil sa mga kagat ng langgam sa kasweetan. Si Marcy naman ay naglilinis ng sala. Si Marceline talaga ang pinakamasipag saming tatlo. Si Matt ay napagdesisyunang mag-work out. Minsan lang ako maka-encounter ng high school pa lang ay nagwowork out na.

Natawa ako nang mapansing kaya natatagalan si Marcy sa paglilinis ay pasimple siyang sumusulyap kay Matt.

Si Jester. As usual ay tahimik lang siya at naka-poker face. Nakaupo siya sa stool at nagcecellphone. Ako naman ay nagmemerienda dito sa dining table. Nagpapalaman lang ako sa pandesal na pinabili ko kay Mang Rod ng butter. Kalapit lang ng dining area yung stool kaya hindi ko mapigilan na mapatingin kay Jester.

Narinig kong bumaba si Jester mula sa stool. Hindi ako tumitingin at nagkukunwaring nagpapalaman lang ulit. Napadami pa yung lagay ko.

O_O

"H-Hoy, nagpapalaman pa ko!" Reklamo ko habang kinukuha yung kutsara. Bigla siyang umupo sa tabi ko at nagpalaman din ng butter sa tinapay.

"Are you insane? Puno na yan oh." Sagot niya. Tiningnan ko yung tinapay ko at marami na ngang butter yung nakapalaman.

"E-E sa paborito ko ang butter e! Nang-aagaw ka diyan e ang daming kutsara." Kumuha nalang ulit ako sa lagayan na nasa table din. Nagsalin ulit ako ng pineapple juice kasi paubos na. Kaya nilahat ko na. Iaangat ko na sana yung baso para inumin ng may kumuha na naman non. "Aa bakit ba agaw ka nang agaw?" Sinundan ko siya nang tumayo siya at naglakad palayo. "Hoy hindi mo ibabalik ya-- argh!" Huminga ako ng malalim nang inumin niya yung juice ko.

"Salamat, misis." Inubos niya yung juice at binigay sakin yung baso sabay talikod niya. Narinig ko pa siyang tumawa bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Salamat Misis.

Tiningnan ko yung baso. Kinikilig ako peste.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-theloudmouth

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon