Part Sixty Six

149 5 2
                                    

Follow me here in Wattpad!

**

Allystaire's POV

DAY FIVE IN SEOUL

"Let's go." Aniya at binuksan ang pinto ng kotse saka lumabas. Bago niya iyon isara, tumigil siya at tumungo para makita ako. "Staire. Let's go." Hindi kasi ako tumatayo at nanatili dito sa pwesto ko.

"Di ako lalabas dito hangga't di mo ko pinagbubuksan ng pinto." Sabi ko at tumingin muli sa harap.

"Ano?"

"Eee. Dali na. Ngayon lang e. Gusto ko lang maranasan ang pagbuksan ng pinto ng nag-iisang Jester Vandorpe." Pag-iinarte ko pa. He sighed and closed the door. Umikot siya patungo sa kabilang pinto. Ngumiti ako na parang nagtagumpay. I smiled nang binuksan niya na ang pinto sa tabi ko.

"Thank you." Kunwaring pabebe kong sabi at lumabas. Siya din ang nagsara ng pinto at tumayo sa tabi ko.

"Why do you want to go here?" Tanong niya.

"Hmm, wala naman masyadong dahilan. Siguro gusto ko lang makita yung fireworks."

"Fireworks?"

"May fireworks mamaya. Nood tayo ha!" Masigla kong sagot. "Hindi sa mahilig ako sa fireworks. Sakto lang. Sabi kasi nila, sobrang ganda ng fireworks dito. Napapanood ko din sa kdramas."

"Tss." He hissed but smiled after. Napakagwapo.

Dahil mamayang gabi pa yung fireworks, naglakad lakad muna kami ni Jester along Han river. We rented two bikes! Tapos dumaan kami sa mga hangang parks. Ang gaganda at nakakarelax yung view. Sobrang enjoy! Nagkukwentuhan o nagkaka-asaran kami ni Jester paminsan minsan. Tapos tinry din namin yung I-bot, yung electric scooter para maglibot. First time ko ngang makasakay don e. Si Jester, pangatlo na daw nya. Kung pwede lang hilingin na sana hindi na matapos tong Seoul trip namin ni Jester, hihilingin ko kaso hindi pwede hahaha.

Pinanood namin yung mga water activities ng mga tao sa river. Manghang-mangha ako doon sa nag-flyboard kasi gusto ko talagang maranasan yon. Makakalipad ako na parang si Stark sa Iron Man! Ilang oras din kami sa paglibot ng buong Han river pero masaya naman.

"Annyeonghaseyo!" Tawang-tawa kong pagbati sa mga koreano at koreanang nakakasalubong namin. Si Jester, nakakatawa kasi siya yung nahihiya para sakin at sinusubukan niya pa kong pigilan pero napaptakip nalang siya ng mukha. "Annyeonghaseyo!"

"Hahaha ano ka ba. Binabati nga din nila ko pabalik e. Ikaw try mo din hahaha!" Hinawakan ko siya sa braso habang tumatawa. "Ayos ba? Annyeonghaseyo!" Nag-bow ako sa harap niya pero marahan niya lang akong hinigit at natawa siya.

"You look like a fool, alam mo ba?"

"Uh, oo? Hahaha. Jester gayahin mo-hahahaha mu-hahahaha muna ko-hahahaha. Fha-Ngit-A-Kow!" Pang-aasar ko at ngumuso siya para pigilan ang ngiti.

Maya maya, naghanap kami ng magandang spot dahil baka magsimula na yung fireworks. At eto na nga, naririnig ko sa mga tao (kahit di ko naiintindihan) magsisimula na kasi mukhang mga excited na. May mag-bestfriend, family, mag-ama or mag-ina, barkada, at may couples din. "Ayan na." Sambit ko. Nagco-countdown na yung ilang mga tao. At sa huling number (koreano kaya di ko naintindihan pero zero yata yon), bigla nalang boom!

"Wooahh." Pagkamangha ko habang nakatingala at hindi inaalis ang tingin sa langit. Ang ganda! Ibang iba sa pilipinas hahaha.

Ilang sandali, nararamdaman ko na parang may dahan-dahang humahawak sa kamay ko. Nilingon ko iyon at nakitang si Jester iyon. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nagsalita at sa halip ay tumingin din lang diretso sa mga mata ko. Parang may gusto siyang sabihin. Hindi ko alam pero iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi nagtagal, binitawan niya ang kamay ko at tumingala na sa langit. Bigla akong nailang kaya nanood nalang din ako ng fireworks.

Hindi lang ako nagpapahalata kanina, pero habang nakatingala ako at pinapanood ang fireworks, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na, sakin siya nakatingin. Sana ganoon nalang. Kahit na napakaganda pang tingnan ng fireworks, kahit napakagandang pang tingnan si Eunice, ang mga mata niya'y sakin nakasilip.

I secretly wiped my tear. I'm happy enough, Jester. As long as you're happy.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon