Marcy's POV
"Ano?" Gulat naming tanong ni Ange kay Matt. Andito kami ngayon sa mall. Nagtext siya samin ni Ange kanina kasi may sasabihin daw siya.
"Oo, it was supposed to be a surprise. Kaso yun nga. Bale, ako nalang yung mag-aaral dito. Jester was really mad. And if you were only there, Jester looks defeated."
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko dahil dito mag-aaral ng senior high si Matt o malulungkot ako dahil kay Jester. Sigurado kaming maaapektuhan si Staire. Alam naman namin ang feelings ni Staire kay Jes. Si Jes na nga lang siguro ang hindi nakakaalam. Si Jester naman, base sa obserbasyon namin ay gusto niyang kasama si Staire.
"I have no idea kung bakit siya pinapabalik. Ang alam ko lang, that will take a long time." Matt sadly said.
"E kelan siya aalis?" Tanong ni Ange.
"Next week." Sagot naman ni Matt. Hala ang bilis naman.
"Mabuti pa siguro, wag na muna nating sabihin kay Staire. Hayaan din nating si Jester na ang magpaalam sa kanya." Saad ko. Sumang-ayon naman sila.
"Naisip ko tuloy, makakadamoves yung pinsan ko kay Staire. Tsk. Team JesTaire pa din ako." Ange pouted.
**
Matthew's POV
Maaga akong nagising dahil hindi ko din alam. Nagt-shirt muna ko bago lumabas.
And there I saw him sitting emotionlessly. With a baggage beside him. Hindi ako makapagsalita.
"Ang tagal mo magising." Walang emosyon niyang saad. "I'm leaving. Nasa baba na ang mga gamit ko." Sabay tayo niya. Lumapit ako at tinawag siya.
"Bro." Tumigil siya at humarap sakin. "Won't you say goodbye to them?" Tanong ko. Pero hindi siya sumagot at lumabas na ng tuluyan. Nakaramdam ako ng inis but sadness is eating me.
Nagtext ako kay Ange at Marcy ng He left. Ngayon lang. Ayokong padaanan ng text si Staire dahil hindi niya pa alam. Akala ko, magpapaalam sa kanya si Jester. What's his problem? Ayos naman silang dalawa. First time niya ding itreat ang isang babae tulad ng pagtrato niya kay Staire.
Nagtoothbrush muna ko. Pero hindi ko maalis sa isip ko ang nangyayari. Ang labo naman e. Eto na naman kasi siya e. Wala na naman siyang magawa kundi ang sundin ang Daddy niya. Kaya siya lumaking ganyan. To be honest, I thought wrong back then. I thought he's too wise but turns out, he's not.
**
Allystaire's POV
Pagkakain ko ng tanghalian ay lumabas muna ko papunta sa bakuran. Walana naman sina Mama at Papa kaya Solo mode ako ngayon. I opened my phone at nagpunta sa messenger. Binuksan ko na din yung cellular data. Nakita ko na walang bago sa gc ng barkada.
Hindi rin online si Jester. Nalaman kong dito sila mag-aaral ng senior high. Sinabi sakin ni Marcy kanina. Automatic na napasuntok ako sa hangin dahil sa tuwa.
Damuhong mga Bakla
Kasama na sa gc naming 'Damuhong mga Bakla' si Andre dahil hindi naman namin matanggihan saka okay lang siguro.
Natatawa ako dahil kapag naiisip kong Damuhong Bakla si Jester. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagtype ako sa Gc. Online silang lahat maliban kay Jester.
Staire: Mga bakla sa Terra University ako nag-enroll. 🤗
Kaming tatlo nina Ange at Staire, actually.
Ange: Me too!
Marcy: Me too! 😋
Ang lakas maka-girl ng 'me too' nila.
Matt: Susundan ko kayo. 😘
Naisipan kong tanungin si Andre. Kawawa naman dahil palaging OP samin. Syempre as a friend, gagawa ako ng paraan para hindi siya maleft out.
Staire: Ikaw Andre? San ka nag-enroll?
Andre: Wala pa e. But because I passed Terra's exam, and you're all there, dun na din ako. 😁
Staire: Ayos
Andre: Yea haha ☺️
Staire: Si Jester?
Ilang minuto na pero walang nagrereply.
Staire: hoy
Matt: He left.
Uhh so?
Ange: States
Hindi ako tanga para hindi maisip na umalis siya papuntang States. Kelan kaya ang balik niya?
Staire: Jester kelan balik mo? Pasalubong
Makikita din naman niya yan kaya diretso na sa kanya ko sinabi.
Marcy: Staire 😔
Kumunot ang noo ko.
Matt: He left. Dito din sana sya mag-aaral ng senior high but Tito didn't let that happen. Ayaw nga ni Jester he was mad. But he couldn't do anything. Matatagalan pa bago siya bumalik Staire.
A-Akala ko dito siya mag-aaral? Akala ko makakasama ko pa siya? Tsaka bakit di man lang siya nagpaalam sakin? Kahit isang bye lang. Mahirap bang gawin yon? Sabagay, sino ba ko? Umasa kasi ako na mahalaga ko sa kanya dahil sa pesteng mga araw na magkasama kaming dalawa. Nakakainis na umalis siya ng walang paalam.
*puk* (messenger)
Jester left the group.
Psh. Online na pala siya di man lang nagtype kahit isang tuldok. Saka bakit siya nag-leave? Porket bumalik na sa States at dun na mag-aaral, kalimutan na ganon? Pakshet pala to e. Pwede namang makipag-usap ah? Ang babaw naman niya para mag-leave sa gc. Uso naman ang messenger sa States.
Andre: Staire are you okay?
Nag-pm sakin si Andre.
Staire: May dapat bang hindi ka-okayan? Ayos na ayos ako. Bakit?
I lied. May mahirap ba sa pagtype at pagsend? Kahit simpleng bye lang di pa niya nagawa. Pero hindi e. Bakit parang gusto ko pa siyang kausapin? Hindi ko magawang magalit.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Iyakin ako yun ang totoo.
**
Feel free to Vote and Comment!
Thank you!
-faustacalixta
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)