Part One

791 7 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

--

**

Allystaire's POV

Grabbed my iPod and picked a song. Now playing: I Hate U I Love U by Gnash. Kinuha ko ang backpack ko na nasa likod ko at pinwesto sa lap ko saka sumandal.

I hate you, I love you
I hate that I love you
Don't want to, but I can't put
Nobody else above you

I hate you, I love you
I hate that I want you
You want her, you need her
And I'll never be her

Mangyari kaya sakin one day na, magmahal ako ng lalaki na hindi ako mahal? Okay, erase. Kung ano ano naiisip ko.

Pinaabot ko nalang sa katabi ng katabi ko yung bayad ko dahil malapit na kong bumaba. Nagtataka ako kung bakit probinsya pa din itong lugar namin gayong may mall na, may mga jeep at taxi, marami na ang mga eskwelahan at dumadami na din ang mga commercial sites. Pwede na itong syudad. "Bayad po, sa Luzonian."

Sa wakas, nakarating din ako sa school. Grade ten na ko dito sa Luzonian Field Academy. Kalagitnaan na rin ng school year kaya konting hirap pa bago mag move up sa senior high.

"Luzonian." ani Manong Driver at itinabi ang jeep. Pinagpag ko muna yung palda ko bago tuluyang pumasok sa gate.

"Kuya!" Bati ko sa security guard.

"Ang aga mo ngayon Staire ah." Tugon nito.

"Napanaginipan kasi kita, kuya. Gumising ako agad haha. Ge, pasok na ko." Sabay tango ko. Naisipan kong pumunta muna sa locker para ibaba ang mga libro ko. "Meron nang may may-ari nito?" Pansin ko dun sa locker na katabi nung akin. "A-a-aray." Usal ko nang may bumangga sa tagiliran ko dahilan para muntikan akong tumumba.

Sino ba to--- Ang pogi.

"Hoy!" Sigaw ko nang marealize kong hindi man lang siya nagsosorry sakin. Tumingin lang siya sa akin at saka ibinalik ang atensyon sa locker niya. Walang emosyon ang mukha niya lalo na ang mga mata niya. Parang walang gana. "Di ka man lang ba magsosorry? Uso naman ang excuse."

"Hindi ko sinadya." Medyo inis ang tonong sambit nito. Siya pa may ganang mainis?

"Mag-sorry ka pa rin." Pagpatol ko. Poker face lang siyang tumingin sakin at hindi umimik. Sinara niya ang locker niya saka naglakad paalis. I was waiting for his apology pero dahil ayaw kong masira ang araw na to, hinayaan ko nalang at ipinasok sa locker yung tatlo kong books. Naisipan kong itext sina Ange (Pronounciation: Anje) at Marcy, mga kaibigan ko.

Sinabi kong pumunta na sila dito dahil mag-isa ko. Sinabi ko na ring sa canteen ako mag-iintay. Tambayan ko talaga ang canteen lalo na kapag stressed sa mga school works. Saka kapag bored ako.

"Ate, isa ngang order ng baked mac. Tsaka pineapple juice na rin. Yung tigt-ten pesos. Thank you po." Umupo ako dun sa lagi naming inuupuan. Kalagitnaan na ng school year pero parang di ko maramdaman. May kulang. Kulang ng happenings.

"Oh uy Staire. Ang takaw mo." Sabi ng parating na si Marcy.

"Sino bang may sabing hindi?"

"Bad mood ka?" Tanong niya sabay upo.

"Pamasahe nga."

"Bakit ka uuwi?" Nagtataka niyang tanong.

"Gaga, pamasahe. Pamasahe ako ng ulo. Dali."

"Ikaw, reyna ng preso. Maski mga kaklase nating lalaki na siga, boss ka."

Sobrang sarap magmasahe ni Marcy ng ulo kaya pakiramdam ko inaantok na ko. Pero may biglang kumuha ng panyo ko na nakapatong sa lamesa kaya't nakuha noon ang atensyon ko.

"Hoy." Kalmado ngunit malagom ang boses ko siyang pinigilan.

"Oh relax Staire. Titingnan ko lang e." Paliwanag ng kaklase kong si Vince.

"Magpaalam ka muna."

"Relax baby."

"Ulol." Tugon ko. Umalis naman na siya habang nagkakamot ng ulo. Ang isang yon nakakairita talaga.

"Kung di kita kaibigan, umiwas na ko sa'yo." Ani Marcy.

"Huy, tara na. Andon na daw si Sir Tris." Biglang dating ni Ange. Naglakad na kami papunta sa building namin habang nagkukwentuhan. May nakakasalubong din kaming mga bagyo. Bagyo ang tawag namin sa mga kakilala namin na hindi na namin ka-close ngayon, o di kaya nakaaway namin.

"Ba't nagkukumpulan sila sa labas ng room natin?" asked Marcy.

"Baka napanot na si Sir." Seryosong sagot ko.

"Di ko maimagine na panot si Sir." Natatawang sabi ni Marcy.

"Ikaw puro ka kalokohan halika na nga." Pag-aya ni Ange sa loob. "Excuse us, excuse." Pakikiraan ni Ange sa mga babae sa pintuan. Pero tila parang wala silang naririnig.

"Oo Ange, totoo. Totoong makakadaan tayo niyan." Pagtataray ko.

Bakit ba kasi nagkukumpulan? May konting buhok pa naman si Sir.

"Concert to?" Sarcastic na tanong sa kanila ni Marcy. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko, three minutes nalang ang natitira.

"Tabe!" Sigaw ko at nagsitabihan naman sila. Nang tuluyan na kaming makapasok, tumambad sakin si Sir na, kalbo na.

Joke. Bat andito yan? Yung lalaki sa locker. Yung hindi gentleman na nilayasan pa ko kanina. May isa pa siyang kasama na maitsura din na singkit.

"Upo na tayo di pa nakatingin si Sir." Suhestyon ni Ange.

Palinga-linga ako sakanilang dalawa habang pumupunta sa upuan ko. Tumingin ulit ako dun sa lalaki sa locker. Parang wala siyang pakialam sa paligid niya sa kilos niya. Nakapasok ang mga kamay niya sa bulsa niya at bagsak ang mga balikat. Cold aura. Autistic ba ang isang to?

"Uh again, this is Matt." Turo ni Sir Tris dun sa chinito. "And this is Jester." Jester as in joker? "Anyway, go find your seats."

Umupo si Matt sa tabi ni Marcy. At si Jester naman e sa harap ng katabi ko. So kaklase nga namin sila. Bat ngayon lang sila dumating? Tumatanggap pa rin pala ng transferees hanggang ngayon?

Nang tumikhim si Sir ay isinilent ko na ang phone ko kasi magsisimula na ang klase.  Syempre may repseto naman ako sa teachers.

Wala sa sariling sumulyap ako kay Jester pero nakatingin na pala siya.

"B-b-bakit?" Mataray kong tanong pero nabulol ako. Para yatang kinabahan ako sa tingin niya. Hindi siya sumasagot at nanatiling nakatingin sakin. "Bakit ba?" Mahinang sigaw ko at chineck pa kung narinig ni Sir Tris. Ilang segundo pa bago siya sumagot finally.

"Your skirt."

Tiningnan ko yung palda ko pero kingina. Nakasingit yung kanang part sa hita ko kaya kitang kita yung kanan kong hita. Naka-cycling lang ako na maiksi.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Sinilip ko siya sa gilid ng mata pero buti naman at di na siya nakatingin. Grabe. Bakit ba ang malas ko ngayon? Ano bang katangahan at palpak ang pagkakaupo ko?

"Okay, let's start. Get your books." Sir Tris.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon