Part Ninety Eight

136 2 0
                                    

Twitter: @faustacalixta @_alexadeborja (new acc!)
Ig: @alexagericka

GUYS GUYS GUYS!!!

Can you comment down below some recommendations kung sinong gumagawa ng book covers? Tysm!

**

Third Person's POV

With all of Jester's might, he brought Staire to the nearest hospital. He's hardly catching his breath as he carried her to the emergency room.

"Please!" He keeps shouting for help and the nurses immediately went to assist. Tuluyan nang nawalan ng malay si Staire ngunit bago siya mahimatay ay nakuha niya pang banggitin ang mga salitang, "Jester mag-ingat ka."

'I should be the one inside. A-Ako dapat yung nabaril.' Sabi ni Jester sa isip niya. 'Staire was shot because of me. She saw the police who was holding the gun yet she didn't move and stayed in front of me. I should be the one protecting her.'

Napatitig si Jester sa damit nito na may dugo. Napahilamos siya ng mukha dahil sa pag-aalala kay Staire. Paulit ulit niyang minumura ang sarili sa isip nito. Na hindi dapat nangyari to.

His phone suddenly rang and he answered his Mom's call. "Son, nasan na kayo? I prepared some cookies—"

"Mom." Nanginginig nitong sambit.

"Jester? Jester are you okay?!"

"Mom." He couldn't say anything else. He's so scared that something might happen to Staire.

"Speak, anak. Where are you? Si Staire? Are you crying?"

"A-Ako dapat yung n-nabaril, Mom." His tears started to fall down.

**

Allystaire's POV

Nagising ako sa isang kulay puting silid. "Jester?" Iyon ang unang unang lumabas sa bibig ko. My eyes wandered and there I saw him, sleeping beside the bed. Hinaplos ko ang buhok niya dahilan para magising siya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at naramdaman kong ang lamig ng mga kamay niya.

"Staire."

Bumangon ako para umupo. "Ayos ka lang? Teka bat ang pungay ng mata mo? Hindi ka ba natulog? Hoy tingnan mo ang laki na ng eyeba—"

"Ugh Staire stop that!" Natigilan ako dahil sa bahagyang pagsigaw niya. "Nabaril ka pero ako yung inaalala mo!" Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sakin. "From now on, let me protect you. I'll protect you no matter what. Even if my heart's in danger. Dahil para sa'yo naman to." Aniya habang nakahawak sa dibdib niya.

Hindi ko napigilan pero naiyak ako dahil sa mga sinabi niya. Pinalo ko ang ulo niya at nagtakip ng mukha.

"Ow!" Daing niya.

"Gago wag mo kong paiyakin." Sabi ko. He sighed and hugged me.

"I was so scared." Bulong niya.

I sniffed. "Hindi ako mamamatay. Walang mamamatay dahil hindi natin iiwan ang isa't isa."

Three days na akong naka-confine dito sa hospital. Bukas ay lalabas na din ako. Hindi ko na muna pinaalam kina Mama at Papa dahil ayokong mag-alala sila. Kahit kina Ange at Marcy ay hindi ko din sinabi. Baka mamaya lumipad sila papunta dito at sabunutan ako.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon