Part Fifty Six

168 3 0
                                        

Allystaire's POV

Maghapon naming hindi nahagilap si Jester. Sabi ni Matt ay busy daw. Eto na naman ako. Sa tuwing nagfa-fail ako na makita siya e feeling ko hindi kumpleto ang araw ko.

Napag-usapan din pala namin ni Andre na gawing minsan nalang yung mga date kuno namin. Isa pa, busy na kaming lahat nito dahil finals na next week.

Kaming dalawa lang ni Marcy ang magkasama ngayon. Kagagaling lang namin sa library para tapusin ang ilang mga school works. Pagkatapos ay napagdesisyunan naming mag-mall muna. Dahil kapos kami sa datung, window shopping lang ang ginawa namin. Pero bumili naman kami ng tig-isang buko shake. Kalalabas lang namin ng mall at naghihintay ng jeep.

"Staire, si Jester oh." Agad kong tiningnan yung direksyon kung san nakatingin si Marcy pero wala akong makita.

"Asan? Bat di ko makita? Huy nasan? Marcy. San ba? Sumagot ka nga." Naniningkit na ang mga mata ko kakahanap sa bawat sulok.

"Sabi na e. Kanina mo pa siya hinahanap noh?" Sinamaan ko siya ng tingin. Buwisit. E kung sipain ko kaya siya.

"Paasa ka." Nasabi ko nalang at sinipsip ang natirirang buko shake sa bote. Buong araw kong naiisip si Jester pero hindi ko naman siya makita.

"Ayan na yung jeep tara." I sighed bago sumunod kay Marcy. Bago pa ko makasakay sa jeep bigla kong naalala yung text sakin ni Ate Jade kanina na kung kukuhain ko na daw yung mga pasalubong niya.

"Una ka na, dito na ko sa kabilang jeep." Tugon ko.

"Ha?"

"Pupunta ko sa condo niya. Kukunin ko na yung mga pasalubong sakin ni Ate Jade para makita ko siya. Sige na, babye na. Ingat ka." Inabot ko muna sa kamay niya yung pinag-inuman ko ng buko shake bago ako umalis. Nakita ko pa siyang umiling pero sumakay nalang ako sa jeep na katabi.

"Kuya, para!" Pagpara ko pero tuloy pa din sa pag-drive si kuya, lintek. Malakas naman ang boses ko at dinig na dinig naman. "KUYA, SABING PARA! AA!" Sumigaw na ko.

Ang layo tuloy ng lalakarin ko. Nang makapasok ako sa building at luminga linga ako dahil baka makita ko si Jester. Pero wala. Pumasok ako sa elevator at may tatlong lalaki sa loob. Ang gugwapo.

"Hi miss. Kung pwede daw mahingi number mo." Tanung nung moreno habang inihaharap sakin yung mestiso.

"Luh? Ayoko." Sagot ko. Baka mamaya hingan pa ko ng load nitong mga to, magigipit lang ako sa baon ko.

"Sungit naman. Sige na." Lumapit sakin yung mestiso. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakakairita tong hayup na to.

Narinig ko naman na bumukas na ang elevator. "Ayoko sabi. Lumayo ka nga, sasaktan kita." Puno ng conviction kong sabi.

"Ang cute mo naman." Tumatawang saad nito. Nag-make face ako at lumabas na.

*ding dong

"Hi Staire!" Masigla niyang bati at niyakap ako. Akala ko pa naman si Jester ang bubungad sakin.

"Ate." Bati ko pabalik.

"You're just in time for dinner." She smiled.

"Sa tingin mo ate makakapalag pa ko e hila-hila mo na ko." Sambit ko habang hinihila niya ko patungo sa dining area.

Nakita ko si Jester na nakaupo lang at umiinom ng tubig. Hay pwede bang maging baso muna ako ngayon? Hindi pa siya nakatingin kaya hindi niya pa ko nakikita.

"Baby bro!" Tawag sa kanya ni Ate Jade. Pagharap niya ay bigla nalang siyang nasamid. Tumawa si Ate Jade pero pinigilan ko hanggat maaari. Ang gwapo niya habang nabibilaukan. Umubo si Jester pero nang makabawi siya ay umayos na siya ng upo. "Upo ka na, baby sis." Tinulak ako paupo ni Ate Jade sa katabing upuan ni Jester.  "Now, eat!" Ate Jade giddily said.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon