Part Fifty Nine

166 3 0
                                    

Allystaire's POV

Nasa loob na kami ngayon ng isang kotse na sasakyan daw namin sa buong trip na to. Sa tuwing lalabas kami ay ito raw ang sasakyan naming dalawa. Sayang kasi gusto ko maexperience yung pagcommute ng mga tao dito. Parang sa kdramas lang. Yung sasakay ka ng bus tapos maglalakad ka... Pero hindi ko yata mararanasan yun ngayon.

May bahay din pala si Ate Jade dito sa Seoul dahil niregalo sa kanya ng asawa niya. Doon daw kami mags-stay ni Jester ng isang buong linggo.

"Staire look at me." Jester looks pissed.

"Ha?" Tanong ko sa kanya at binalik ulit ang tingin ko sa labas ng bintana. Parang nawawala ako sa sarili ko.

"Tss."

Tumingin ako sa kanya bago sumagot. "Sorry. Hindi lang ako makapaniwalang nandito na ko." Pag-amin kong pre-occupied pa ang utak ko. Nakikita ko na kasi sa wakas ang Seoul with my bare eyes, hindi pa masyadong nagsi-sink in sakin na natupad na to.

"I said eat this." Inabutan niya ko ng isang ziplock plastic na naglalaman ng sandwich.

"Salamat." I smiled pero hindi na siya umimik pa at hindi na tumingin sakin. Hanggang sa dumilim na at nakarating na kami sa bahay ni Ate Jade. Napansin kong pataas yung dinaanan namin. Nasa taas siguro yung bahay.

"Bring the luggages inside, please." Saad ni Jester habang nakatingin sa driver. Nang bumaba na si Jester ay bumaba na din ako.

Ang laming ng simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam ng hangin ng Korea. Hindi winter ngayon pero gusto ko bumalik ako dito someday pag winter. Tapos hindi lang Seoul ang lilibutin ko. Buong South Korea! Pupunta ko sa Jeju Island, Daegu at marami pang iba.

Habang nakatitig ako doon sa bahay ay ngumiti ako ng pagkalaki-laki at kumanta nang medyo mahina.

"Andito na ko sa seoul oh oh. Andito na kooo." Feeling ko nasa loob ako ng kdrama. Pumikit ako nag-imagine na nandito sa tabi ko sina Kim Taehyung, BTS, Park Hyungsik, Park Jisoo, Park Jinyoung, Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Nam Joo Hyuk... Sino pa ba? Si Lucas, Ah si Sehun saka si Chanyeol, si Rowoon. Sama ko na din si Kim Min Jae saka marami pa!

"Oppaaaa." Kinikilig na bulong ko habang nakapikit pa din. Napapangiti ako dahil naiimagine ko yung sarili ko sa mga scenes sa kdrama.

"Let's go." I got back to reality nang biglang nagsalita si Jester na nasa tabi ko na pala at naglakad na papasok.

Napako ako mula sa kinatatayuan ko. N-Nakangiti ba s-siya sakin? Kumurap-kurap ako at saka sumunod sa kanya. Wow, ang ganda ng bahay nila Ate Jade, ang sarap tumira dito kasama si Jest— charot.

Nadatnan kong humihiga si Jester sa sofa pagpasok ko ng mismong bahay. Lumapit ako sa kanya at nakitang gising naman siya. Ayoko kasi munang mag-feel at home. Parang bigla akong nahiya.

Tiningnan niya ko at napakunot ang noo. Hindi ako makaimik dahil napapatitig ako sa mga mata niya. Ang pungay pungay. Mukhang inaantok.

"Just tell me kung gutom ka na." Sambit niya.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sumagot ng pabalang.

"Follow me." Utos niya at umakyat sa hagdan. Namangha ako sa disenyo nito. Kung titingnan mo ay parang nakasabit lang bawat hakbang.

Sumunod ako kay Jester at nagkamot ng mata.
Tumigil siya sa harap ng isang light yellow na pinto. He faced me and said, "This will be your room. It's Jade's." He formally said while leaning on the wall.

"Okey." I shrugged.

"What do you want for dinner?" Walang emosyong tanong niya sakin then he tucked his hands in his pocket.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon