Part Seventy Four

150 2 0
                                    

Allystaire's POV

Parang hindi ako nahihiya di tulad ng inasahan ko na magiging reaksyon ko once na bumalik na siya.

Bumaba kami ng kotse nang makarating kami sa parking area ng Terra. Nilingon ko si Jester dahil nauna na sina Matt at Marcy maglakad at walang pasabing iniwan kami. Nang isinara niya ang pinto ng kotse ay maangas na binitbit ang bag niya gamit lang ang kamay at ipinatong sa balikat niya. Ngumiti ako sa kanya nang ngitian niya ko.

"Gwapo." Sabi ko ng pabiro pero totoo.

"Tara." Aniya at ipinatong ang kaliwang kamay ko sa ulo saka kami naglakad. Umidap ako dahil ayan na naman siya. "San building mo?" Tanong niya at inalis ang kamay sa ulo ko.

"Ayun." Tinuro ko yung building medyo malayo dito.

"Ah." Walang ano ano ay nagpatianod nalang ako sa paglalakad niya.

"Bakit?" Tanong ko at tumigil siya.

"Ihahatid kita." He answered nonchalantly. I made face na naging dahilan para kumunot ang noo niya.

"Wag na kaya ko na." Sabi ko ng nakangiti at akmang maglalakad na sana pero hinila niya ko.

"I'm courting you. Kaya ihahatid kita." Tinulak niya ko at tumawa ng mahina. "Tara na kasi."

"Jester." Seryosong tawag ko sa kanya habang naglalakad patungo sa building ko.

"Mm?"

"Seryoso kang liligawan mo ko?"

"Are you even serious to ask me that?" Bumulong bulong siya pero di ko na naintindihan.

"Ang taray mo." Pagtataray ko pabalik. "E kasi nag-aaral pa lang tayo." Medyo naiilang kong dugtong.

"Ano naman?" He rolled his eyes at yung itsura niya parang naiirita. "I can court you forever. Oo seryoso ako sa sinabi ko. Just make sure na sasagutin mo ko after we graduate." Hindi siya nakatingin sakin kaya hindi niya makita yung ngiti ko.

Nakarating na kami sa building ng archi.

"Ang gwapo beh oh."

"Ano pangalan niya?"

Nilingon ko yung dalawang babae gamit ang mataray at 'attorney' kong look. "Tch."

"May gf pala beh."

"Ge pasok na ko." Paalam ko kay Jester pero hindi ako makaalis. Hawak niya pala ang backpack ko kaya nahigit ako pabalik. "Huy." Pagsaway ko.

Nakakiling ang ulo niya at nakatingin diretso sakin. "Bakit?" Hinawakan niya bigla ang balikat ko at iniharap patalikod sa kanya. Naramdaman kong binuksan niya ang bag ko pero nung lumingon naman ako sa kanya ana naisara na niya yung zipper.

"Go. Behave." Utos ni Jester.

"Psh. Ginawa na naman akong aso." Pahabol ko bago tumakbo papasok. Hindi ako lumingon pero kumaway pa din ako. Ewan, feeling ko lang nakatingin pa din siya.

Thank God wala pa ang lecturer. Umupo ako sa bandang likuran at ibinaba ang bag ko. Nakipagkwentuhan muna ako kay Danica na isa sa mga kaclose ko sa klase na to. Ilang minuto lang at dumating na si Miss Valerie at first day na first day namin e magpapaactivity.

Binuksan ko yung bag ko at muntik na kong mapa-"aww". May maliit na box akong nakita at may nakasabit pang maliit na card. It says, I missed you. Bubuksan ko na sana pero dumating ang lecturer. Mamaya nalang kasi terror ang isang to.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon